Sumbat
Andaming taong nakatingin
Andaming taong nakasubaybay
Andaming taong NASA paligid mo Lang.
Kaya bawat galaw mo, bawat kilos mo,at bawat salita mo kadalasan may pangongontrang nangyayari.
May panunumbat kapag may nagawa Kang Mali.
Kahit may explanation na ikaw parin ang Mali.
Aminado ka Naman eh. Na may Mali ka din.
Pero kailangan pa bang ipagduldulan.
Kailangan pa bang ipamukha na may pagkakamali ka?
Ok Lang Naman Yun kasi di mo Naman maitatanggi na nagkamali ka
Pero kailangan pa ba na sabihin at ipamukha na ikaw Lang ang nagkulang , na ikaw Lang ang nagkamali kahit na sa isang Banda siya talaga ang nagkulang?
Mahirap manahimik.
Yung tipong mananahmik ka nalang kasi nga ayaw mo Ng gulo.
Yung mananahimik ka kahit na ikaw na ang nagmumukhang Mali.
Yung mananahimik ka kahit na nakakarindi na.
Yung Wala Kang kibo kasi Alam mo kapag kumibo ka lalo Lang lalala.
Ansakit Lang sa loob.
Masakit kasi ayaw mong sabihin at ilabas.
Kasi nga ayaw mo Ng gulo.
Ayaw mo Ng manumbat na sa huli ikaw Lang ang nagmumukhang Mali.
Kaya nanahimik ka nalang kahit na gusto mo Ng sumabog.
Pagsabog Ng damdamin mo na Alam mong wala Namang may pakialam
Minsan tanong ko sa sarili ko.
Hanggang Kailan may panunumbat na NASA tabi ko?
Isang pagkakamali napakadaming sumbat na kapalit.
Isang eksplenasyon napakadaming salitang maririnig.
Isang salitang magppahwatig sa damdamin mo napakadaming bingi ang nakaharap sayo.
Ikaw ang nagkamali para sakanila.
Ikaw Lang Wala Ng iba.
Kahit na ang totoo ay sila nman talaga.
Pero Wala ka Naman magawa kasi ikaw Lang magisa habang sila ay sama sama.
Ikaw Lang ang NASA sulok habang sila NASA gitna at sayo'y nakatingin
Ikaw Lang ang nakaupo habang sila ay nakatayo
Ikaw Lang ang malungkot habang sila nagpapakasaya
Isang maamong tingin napakadaming patalim ang kapalit.
Na kahit ano pa atang gawin mo Hindi na magbabago Ang tingin nila sayo
Matalim na tingin na ang kahulugan ay ikaw ang nagkamali.
BINABASA MO ANG
Short Story
القصة القصيرةMga story na masasakit, masasaktan ka, mapapaluha ka, mapapasaya ka, mapapagod ka, magseseryoso ka, at magpaparealize sayo kung ano ang TunAy na kahulugan ng pagibig at kung ano ang pwedeng mangyari kapag NAGMAHAL ka.