tula no.4

4 0 0
                                    

Untitled

Sa bawat Gabi Ang sarili ko ay Hindi mapakali
Hindi maipaliwanag Ang damdamin na tila ba may Mali
Gumuguhit Ang ngti sa aking mga labi
At Ang isip ko ay nahihirapang umintindi.
Hinahanap Ang mga panahon na ikaw Ang kasama sa bawat pagkakataon
Hinahagilap Ang oras na tila ba Hindi lumilipas

Ano ba ang nararamdaman?
May Mali ba o sadyang ikaw Lang Ang hinahanap?
Ikaw Lang Ang hinagilap
Hanggang sa napapatingin nalamang sa alapaap
Iniisip Kung Anu ba ang pwedeng maganap
Kung ikaw ba ang pwedeng makayakap.

San nga ba nagumpisa?
Ang nararamdaman na tila kakaiba?
Dun ba sa panahong Nakita Kita?
O sa panahong nakausap na Kita?
Sa panahon bang ikaw ay nakasama?
O sa panahong inaasar nalamang Tayo nang tropa?
Naiinis ako sayo diba?
Pero bakit ngumingiti Ang labi kapag ikaw na Ang aking nakikita?

Mga salita mo ay Hindi ko mabara
Nakakainis Lang talaga
Kasi ikaw Lang Ang lalaking nakagawa
Na ako ay patiklupin nalamang nang bigla
Mga salitang gusto Kong baliin Sana
Pero Hindi ko magawa Kasi Parang mas malakas ka ata
Ikaw ba ang batas na Hindi pwedeng magpumiglas?
Sa mga salita mo ay nais Kong makatas
Pero mga pakpak ko ay Hindi ko maipagaspas.

Napapasunod mo ko sa mga salita mo
Makipagbangayan man ako,
Tila ko padin ang talo.
Bat ba sayo ay Hindi ako Manalo nalo?
Anu bang meron sayo?
Akala ko walang makakagawa sakin nang ganito
Pero bigla Kang dumating sa buhay ko
Magbangayan man Tayo
Maging maingay man Ang paligid ko
Pag nawala Ang lahat nang Ito
Baka Ito din Lang Ang hahanap hanapin ko.

Bawat sermon na natatanggap ko
Bawat salitang naririnig ko
Bawat utos na nanggagaling sayo
Tila ikaw na nga Ang batas na bumubuhay sa buong pagkatao ko
Idagdag pa Ang Mga pangaasar na nanggagaling sa ibang Tao
Anu bang magagawa ko?
Mananatili nalamang ba sa pwesto?
O aaminin ko na nag kakagusto na ako sayo?

Ang Mga eksenang ikaw Ang kasama
Diba sa mga libro ko Lang Ito nababasa?
Pero Kung iisip ko talaga
Bat Parang ganito Ang aking nababasa at nakikita?

Yung makulit at pasaway na babae
Pero may seryoso at diseplinadong lalake?
Yung bangayan na Hindi natatalo Yung lalake sa pasaway at matigas na ulong babae?

Tapos Sisimangot Yung babae Kasi Hindi siya nananalo
Yung lalake Naman mukha pading seryoso
Yung tipong halos lahat nang nangyari sainyo
Ay pawang nababasa mo lamang sa libro.

Pero langya,
Bat ganun Yung nangyari saating dalawa?
Madami pang nangyari habang Tayo Yung magkasama
At Kung iisipin ko talaga
Nababasa ko Lang to sa mga librong aking nakikita
Kaya paanong nangyayari to sa pagitan nating dalawa?

Hindi ko na Alam.
Tila ba Hindi ko to matatanggap.
Hindi ko nga ba matatanggap?
O isip ko Lang Ang Hindi makatangap?

Gusto na nga ba Kita?
O nag iillusyon Lang talaga?
Baka naman may nangyari Lang na kakaiba
Pero baka din Naman nagmamaang maangan Lang talaga

Baka ako'y nalilito
Pero baka meron talaga akong nararamdaman sayo?
Pero paano aaminin nang puso?
Kung saakin Naman ay wala Kang gusto.
Magmaang maangan nalang Kaya ako?
Na walang nararamdaman Ang puso ko para sayo?

Bahala na si darna
Kung gusto Kita
Ede gusto Kita
Kung gusto mo ko
Ede masaya 
Kung saakin ay Wala
Ede tatangapin nalang sinta.

Short Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon