"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday to you!" ang malakas na awit ng Pamilya Gomez para sa dalagang inampon, mag-pi-pitong na taon na ang nakakalipas.Si Katherine.
Kathy, as affectionately nicknamed by her new and instant family, was a medium height woman of twenty-five. She had a straight hair. It was the color of a starry midnight, shining in its blackness.
Her curves were always hidden under loose-fitting clothes to shun male attention. But her beautiful face was enough to command unwanted masculine attraction.
With her luscious and kissable lips plus her pair luminous and mysterious eyes, Kathy was often in trouble with her bosses.
'Bosses' in plural form, dahil pulos manyakis ang mga natatapatan niyang amo magmula nang mamasukan siya bilang sekretarya sa mga opisina.
After almost three years of job-hopping, napirme din siya sa isang amo. Matagal na para sa kanya ang pitong buwan na pamamasukan niya kay Deron Ford. Dati-rati, dalawang buwan lang ang pinakamatagal niya.
"Hoy, Kathy! Ano pa ang tinititigan mo diyan," untag ni Ras, ang pinsan-pinsanan niya.
"Blow the candle and make your wish!"
Tumalima naman siya.
"Please, please, make my dream man notice me.for once!"
"Uuy! Ang haba ng wish niya," panunukso ni Jessica, ang kapatid ni Ras.
"Gusto na sigurong magka-boyfriend!"
"Sira! " salo naman ng bunsong si Jayson.
"Kita mong si Kathy ang 'original suplada' ng barangay natin. Ni wala ngang makaligaw, e."
Umirap si Ras, ang panganay.
"Kaya nga, e. Wala nga kasing makaligaw," diin nito.
Humagikgik si Jessica.
"Awat na! Ang ibig kong sabihin sa gusto nang magka-boyfriend ni Kathy ay 'yung may dumating na sanang 'prince charming' sa buhay niya. Wala naman tayong itutulak-at-kakabigin sa mga suitors ni pinsan, e."
Nagtawanan ang lahat. Pati si Katherine ay napatawa na rin kahit na parang ibig na niyang mapikon nung una. Ang akala niya kasi'y napalakas ang pagkakasambit niya sa pangalan ng kanyang... boss!
Head-over-heels in-loved na yata siya kay Deron Ford! Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin niyang pa-charming para lang makuha niya ang pansin ng pihikang lalaking iyon!
"O, siya, siya, tama na muna ang tuksuhan na iyan," awat ng Mommy Dawn niya. Iniabot nito ang cake knife.
"Cut your cake, iha. Para masarhan na muna ang mga bibig ng mga makukulit na iyan."
Automatic ang mga kilos ng dalaga. She was day-dreaming about her boss.
She likes his eyes the best. They were like a lion's gleaming topaz, full of sly watchfulness. Para bang naghihintay ng magandang tsansa na makasalakay.
Oh, how she wanted to be his unsuspecting prey! Payag siyang silain ni Deron kahit na araw at gabi pa. Hinding-hindi siya tututol.
"Hoy, Kathy! Ano ba ang tagal naman ng cake namin!" hiyawan ng mga kapitbahay nila sa compound na tinitirhan ng magkakapatid na Pamilya Gomez.
"S-sino pa ba ang wala"
Nagtaasan ng mga kamay ang mga bisitang wala pang laman ng mga hawak na platito ng cake.
"Nangangarap kasi ng gising," pambubuska ni Ras sa kanya bago tumalilis patungo sa kusina, habang tumatawa nang malakas.
"Sorry, ha? Hindi na yata ako sanay maghiwa ng cake."
Masayang magulo ang birthday celebration ni Katherine dahil animo children's party ang nangyari gayong pulos mga growns-up ang mga participants nang maglabas ng pabitin si Mommy Dawn.
"Mommy, babaan n'yo pa nang kaunti," udyok ni Jayson.
"Masyado namang mataas yan, e."
"Tange, e, di nakuha n'yo agad ang mga premyo?" tutol naman ni Jessica.
"Mommy, taas-taasan pa natin dahil maaabot agad ng mga kapreng iyan!"
Sigawang umaatikabo ang pumuno sa gitna ng compound na iyon. Malakas pa ang patugtog sa karaoke. Palibhasa, sinuhulan na ni Mommy Dawn ang mga karatig-bahayan ng masasarap na handa, at inimbita pa ang mga kabataang miyembro, walang nagrereklamo kahit na magkagulo pa at magrambulan sa nagaganap na bertdeyan.
Kahit na gusto nang magpaka-matured ni Katherine, natural talaga sa kanya ang pagiging mahilig sa mga larong pambata. She was as childlike as a happy cherub that day. Nakipag-agawan siya sa mga nahuhulog na kendi sa sahig na semento kahit na naka-uniporme pa siya ng pang-opisina.
Pawis-pawisan na siya dahil sa katatawa at katitili ngunit hindi niya alintana iyon. Alam niyang ganoon ang nais ng Mommy Dawn niya na maging reaksiyon niya sa inihanda nitong surprise party for her.
It was common knowledge to all that Katherine had brought happiness to Dawn and Richard Gomez house.
Twenty years married na ang mag-asawa nang mawalan na ng pag-asang magkaka-anak pa. Pinagpasyahan ng mga ito na mag-ampon ng isang batang babae na nasa edad na malapit sa imaginary child na inalagaan sa loob ng maraming mga taon.
The child turned out to be the eighteen-year-old Katherine. Plano sana ng mag-asawa na nasa edad diyes o dose lang ang kukunin mula sa mga madre ngunit nang makita ni Mommy Dawn ang winning smile ni Katherine, nahulog agad ang loob ng ginang.
Tanggap agad sa buong compound ang dalagita-dalagang si Katherine dahil sa pagiging friendly niya. Maaliwalas kasi palagi ang bukas ng magandang mukha at maliksi pang kumilos. Sa trabaho man o sa paglalaro.
The Gomez couple was very thankful when Katherine refused to have a boyfriend at an early age. She was an industrious student. Pinili nito ang kursong secretarial dahil ganoon ang napagkasunduan nilang magkakaibigan sa bahay-ampunan na pinanggalingan.
And she graduated with flying colors kahit na so-and-so lang ang kurso. Kaya nga kahit na saan mag-apply ay natatanggap agad. Si Katherine nga lang ang malimit na umaayaw dahil sa mga nagiging amo na mahilig manantsing.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}
Fanfiction"Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn't it unfair to have double standards when there's equality of the sexes now? Si Kathy ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has lo...