Nanlalambot si Katherine nang tingnan ang naturang report. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang matanto kung bakit nagkamali ang ginawa niya."Yushiko ang pangalan ng file at hindi 'Yushuko'! Hay naku...."
Katherine started typing the whole thing all over again. Dahil iba ang lahat ng mga details na nakuha niya para magawa ang buong computation report, nagkamali na ang lahat ng mga nagawa na niya.
Kaya nang matapos siya, alas dose pasado na. Nagtutukatok na siya.Tinawag na naman siya ng amo sa intercom kaya nagising siya.
"A-ano po ang kailangan n'yo, sir?"
"Coffee."
Napa-buntong-hininga na lang siya habang pinipindot ang 'off' bago tumalima. Hindi na niya kailangan tumugon dahil susunod naman agad siya sa 'utos ng hari'!
Hindi na gaanong dark and harsh ang countenance ng lalaki nang pumasok siya para ihatid ang black coffee. Parang medyo concerned pa nga ito habang minamasdan siya.
"You look tired, Miss Gomez," bungad ni Deron in a calm tone.
"Matagal pa ba ang printing?"
"N-nasa kalahati pa lang po –" she stuttered with uncertainty.
Hindi niya alam kung bakit nag-iba na naman ang timplada ng amo.
"M-may kailangan pa po ba kayo?"
Umiling si Deron. He looked her up and down before smiling slightly.
"Don't worry, may pasalubong ka.sa akin pagdating ko galing ng Japan," pangako nito habang dinadampot ang tasa ng umuusok na kape.
"Help yourself with coffee, tok," dugtong pa.
Katherine would like to kick herself when her dumb heart did a somersault. Nangitian lang siya, gusto na niyang magtatalon sa tuwa!
'If I could reach up and hold a star for every time you smile at me, I would have the whole night sky in the palm of my hand.' At naging makata pa ang puso niya!
"I'll do that, sir," tugon niya bago tumalikod sa kanyang kabaliwan. She marched out of the office before she forgot her sanity.
Nag-iimis siya ng mga natitirang kalat na nilikha ni Deron habang hinihintay ang pagtatapos ng printing. Ibinalik niya sa mga dating lugar ang mga files na nahulog sa palibot ng metal filing cabinet.
Imbis na magtimpla ng sariling kape, hinugasan na lang niya ang mga puswelong ginamit ng boss. Halos mag-isang dosenang ulit na humingi ito ng kape sa kanya!
"Miss Gomez?"
Dali-dali siyang nagpunas ng mga kamay sa laylayan ng blazer niya nang marinig ang boses ng amo.
Inakala niyang ang intercom ang narinig kaya hindi niya inaasahan ang madatnan ito sa mismong harapan ng mesa niya.
"Nasa banyo ka pala." Nakamasid sa kanya si Deron habang papalapit siya.
"Akala ko'y umuwi ka na nang walang paalam."
"I've never done that, sir!" pagtatanggol niya sa kanyang sarili. She was unexpectedly hurt. Umiwas siya ng tingin habang pilit niyang inihahakbang ang mga paa patungo sa tabi ng printer. Nakita niyang malapit nang matapos ang trabaho niyon.
"Kape pa po ba uli, sir?"
Sumulyap sa relo si Deron.
"Naalala kong hindi pa nga pala ako naghahapunan. At ikaw man ay nagugutom na rin. Tutal, tapos na ang report, aayain na kitang mag-dinner."
"D-dinner?" Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. A mingling of surprise and excitement coursed through her veins, pushing all sane thoughts out of her tired mind.
"Yes, dinner " ulit ni Deron.
"Are you one of those women who believe in after-six dieting?" dagdag pa, medyo pabiro na.
Lalong nanlaki ang mga mata ni Katherine.
Nagdedeliryo na ba siya? Bakit pulos panaginip na yata ang nasasaksihan niya?It was one of her many wishes to see her strict boss smile at her — even for once. At nangyayari na! She must be dreaming....
"Are you okey, Miss Gomez?"
Ipinilig ni Casandra ang kanyang ulo.
"I, er, y-yes I'm okey, sir. Hindi po ako nagugutom. Kayo na lang po ang kumain. I'll just segregate these pages, at tapos na ang trabaho–"
"Natatakot ka ba sa akin, Miss Gomez?"
Napakurap si Katherine.
"Y-yes, sir," tugon niya. Hindi niya napigil ang kanyang dila sa pagsasabi ng totoo.
She watched the play of amusement on his dark face, almost in a trance.
"You know something, Miss Gomez? Kanina ko lang napansin na maganda ka pala," wika nito, pa-kaswal.
"Lalo na kapag hindi ka nakabungisngis."
Parang sinampal ang pakiramdam niya sa huling sinabi ng lalaki. Nahimasmasan tuloy siya.
"G-ganoon po ba? Pasensiya na kayo kung hindi n'yo nagugustuhan ang pag-uugali ko, sir," pahayag niya, pigil ang pagdaramdam sa kanyang tinig.
"Hindi po ako nagugutom, sir" ulit niya bilang pagtanggi sa imbitasyon ng lalaki.
"Nonsene. Alangan namang kumain ako sa itaas, samantalang ikaw ay nandito at nagtitiis ng gutom?"
"S-sa itaas?"
Thick dark brows rose arrogantly and disbelievingly.
"Huwag mong sabihing hindi mo alam na may penthouse ako sa topfloor ng building na ito?"
Her cheeks were suffused with hot color as embarrasment washed over her.
"A-alam ko naman po, sir, kaya lang–"
"Kaya lang ay off-limits sa mga empleyado dito?"
"That's right, and I would trust you not to spread this impromptu dinner invitation around," pakli ni Deron.
Again, she blushed furiously. Hindi siya tsismosa kahit palakaibigan sa mga katrabaho. Pero ganoon pala ang pagkakilala sa kanya ng boss. Parang walang katapusan ang pagkapahiyang dinaranas niya!
Still, she tried to be as calm as she could.
"Hindi po ako tsismosa, sir. Mas mabuting kayo na lang mag-isa ang kumain sa penthouse ninyo at nang wala kayong pagdudahan!" Tumalikod siya upang umpisahan na ang segregation ng mga print-outs.
"Sandali na lang at tapos na po ako dito," dagdag pa niya.
"If you insist, I'll wait for you until you're through," salo ng lalaki habang nauupo sa mahahabang sopa na nasa may pagpasok ng pinto.
She ignored him, kahit na imposible. Lalo pa niyang niliksihan ang kanyang pagtatrabaho ngayong may added pressure na sanhi ng presensiya ng amo.
In those moments, Katherine was changing into a different personality. In truth, ang pagiging palatawa niya ay nagkukubli ng isang malalim na karakter.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}
Fanfiction"Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn't it unfair to have double standards when there's equality of the sexes now? Si Kathy ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has lo...