Chapter 11

3.6K 77 9
                                    




Napakarami niyang naging pagkakamali hanggang sa sumapit ang tanghali. Half day lang kapag weekend kaya oras na rin ng uwian ang usual lunch break.

"Pagdating mo sa bahay, mag-relax kang mabuti, Miss Gomez," utos ng lalaki nang magpaalam na siya para umuwi.

"You're not yourself these past few days."

"I— y-yes, sir. Goodbye, sir."

Lumabas na siya matapos tiyakin na patay na ang lahat ng mga electrical equipments sa loob ng opisina.

She was easily flustered with his uncharacteristic show of concern. Nag-iisip agad siya at umaasa na mayroon nang pagtingin si Deron sa kanya, samantalang wala naman talaga sa loob ang pag-aalalang ipinakita. It was just an employer-employee thing.

Sinalubong siya ng kanyang Mommy Dawn

"Iha, mag-return call ka raw kay Lou."

"Opo, Mommy. Thank you."

Katulad nang dati, pilit ang sigla sa tono niya habang lumalapit sa telepono matapos humalik sa pisngi ng ina-inahan. Inilapag niya ang kanyang bag at blazer sa sopa bago dumayal sa katabing telepono.

"Hello? Velasco Residence."

"Lou  si Kathy na ito. Pinatawag mo raw ako?"

"Hoy, ang bilis mo, ha? Pero thank you. thank you talaga! Magpapasama sana ako sa iyo mamayang gabi. Gustong manood ni Delmar ng musical play sa PICC. Tatlo ang tickets niya."

"Pwede ka ba?"

Nobyo ni Lou si Delmar.

"Sige na, sumama ka na, ha? Hindi na naman ako papayagan ni Kuya Aljur kapag ako lang ang naglalakad mag-isa."

Bumuntong-hininga si Katherine.

"Baka boring na naman yan, ha? "

Dull ang personality ni Delmar. Very nice' kasi – no pun intended. Iyon lang kasi ang adjective na agad na maiisip kapag nakita na ang mukhang nerd at very quiet guy na dating kaklase ni Lou.

"Baka" salo naman ni Lou, in a glum tone.

"Wala naman akong ibang choice, e."

"Tapos itinutulak mo akong makipag-boyfriend sa hindi ko gusto?" pakli ni Katherine bago humikab nang malakas.

"Hohum! Ano'ng oras n'yo ako dadaanan dito?

"Alas sais y medya. Okey na ba?"

"Okey na. At ano'ng oras n'yo naman ako iuuwi?"

"As usual. Mag ten o'clock."

"Ten o'clock ang ipapaalam ko kina Mommy, ha?"

"Oo  sigurado na 'yon."

"Ano nga pala ang attire?" pahabol niya.

"Formal. Isuot mo ang damit na ipinandalo mo sa debut ko, ha?"

Nagtaka si Katherine pero sumang-ayon pa rin siya. Parang gusto na lang niyang magpatianod sa agos nitong mga huling araw. Wala siyang gustong gawin na kailangan pa niyang pag-isipan.

She didn't want to think because she was afraid to realize that the final moment for decision-making might be near... She had to leave Deron — before it's too late...

SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon