Chapter 17

3K 68 0
                                    


Malayu-layo na ang tinatakbo ng sasakyan nang muling magsalita si Deron.

"You can't possiblr go home now."

"Y-yes..."Parang nakalutang si Katherine nang mga sandaling iyon. Kailangan na niyang magdesisyon kung saang direksiyon siya pupunta...

"I'll take you home with me."Deron decided for her.

"N-no..." She gulped some oxygen para makapagpatuloy. I-ibaba n'yo na ako.dito, Sir. Magta-taxi na ako pauwi.

"Papunta kay Velasco? No way!"Mahina pero puno ng puwersa ang boses ni Deron. "You'll go with me."

"Sir, bestfriend ko ang kapatid ni Aljur–"

"You also have a chaperon in my place. Nandoon si Macky," sabad ni Deron. "I promise that I won't do anything against your will. There. That should make you feel secured and safe, hmm?"

Parang nang-uuto ng batang inosente ang impresyon ni Katherinr sa huling sinabi ng lalaki.

She swallowed her hesitation. Magaan ang loob niya kay Macky, ang stay-in male housekeeper ni Deron, kaya napahinuhod siya.

Sobrang stressed-out na siya kaya pinili na niya ang pinakamadaling desisyon.

"I trust you to keep that promise, Sir."

"I'll do anything you want."

Somehow, Katherine was sure his words had double meanings. But she was too tired to clash with him.

Madali silang nakarating sa Ford Building. Sa basement sila nagdaan kaya wala silang nakasalubong na sinuman sa mga security guards.

She doubted kung nakilala siya ng mga bantay sa guardhouse.

Nagsimulang kumabog ang dibdib ng dalaga nang sumakay na sila sa elevator. Ngayon lang uli sila nagkasabay ni Deron mula nang ma-trapped sila nung magka-blackout.

Parang napakatagal na panahon na dahil parang napakarami nang mga pagbabago sa sarili niya.


"Alam mo, Kathy, parang nagbago ka na magmula nang maging personal assistant ka ni Boss,"puna ng isa sa mga sekretaryang palagi niyang nakakasabay. "You seemed more demure nowadays. Hindi ka na halos tumatawa nang malakas. We missed your laughter, girl."

Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa nagkumento noon.

Pero pati ang matatalik na mga kaibigan niya ay naghahanap na rin sa dating Kathy na nakasama nang matagal na panahon.

Love is supposed to give bottomless happiness to the heart. But all she got was endless sorrow since falling in love with her boss! Eversince she met Deron, she was drowning in misery.

"Good evening, Sir, ma'am."Isang pormal na Macky pa rin ang magalang na nagbukas sa pinto ang nag-doorbell na amo.

"Sorry to disturb you, Macky. I forgot my keys."

Nabasa ni Katherine na tila naibahan si Macky sa narinig kaya nahulaan niyang nagsinungaling si Deron. Ang tutoo ay gusto lang ipalagay ang loob niya.

"That's alright, Sir. I am still in the kitchen. Would you like something hot or cold to drink?"

"Hot coffee would fine. Thank you."

"Yes, sir." Yumukod pa muna ang patpating lalaki bago tumalikod.

Dinala ni Deron si Katherine sa sala. Muling nabihag ang dalaga ng embracing coziness ng naturang silid ng elegante at simple. Naupo siya sa malaking sopa na ubod nang lambot.

"You belong in this room, Cassandra," pahayag ni Deron matapos siyang pagmasdan sa kanyang pagkakaupo. "Would you like to see more of my humble abode?"

Iba ang kislap na nang-aakit sa mga mata ni Deron kaya tumutol siya. "N-no, thanks."

Tumawa si Deron. It was a teasingly sexy sound that drew vibrations from her deepest part. "You're a coward, Katherine Gomez. I guess, I was disappointed."

"I'm tired," she explained in a sleepy voice.

Muling tumawa si Deron. Kung posible pa, tila naging mas mapanukso pa ang paraan ng pagngiti sa kanya.

Nagmistulang mga mumunting kulog ang bawat dagundong ng malakas ng pagkaba ng dibdib ni Katherine.

Nararamdaman niyang nauubos na ang lakas niya. Nawawalan na siya ng ikakatwiran sa sarili kung bakit dapat niyang tanggihan ang temptasyon na nasa mga titig ng lalaki.

Tinangka niyang ituwid ang likod ngunit tila nanikit na sa malambot na sandalan ng couch. Ang tanging naigagalaw na lang niya ay ang mga labi at ang mga mata. Bumuka ang kanyang bibig ngunit wala siyang maapuhap na sasabihin.

Sumulyap siya sa pintuan nang pumasok si Macky. Maingat na inilapag ang coffee tray sa ibabaw ng center table matapos tumingin sandali sa amo. Yumukod uli bago umalis.

Naalarma si Katherine dahil napagtantong masyadong loyal si Mario sa kanilang boss. Tiyak na hindi magiging mahusay na tsaperon!

"U-uuwi na ako," pahayag niya. "Siguradong tapos na ang riot sa lugar namin."

"Uuwi o pupunta kay Velasco?" Kumunot ang noo ni Deron.  Puno ng pagdududa ang tono.

"It's none of your business, Sir..." Medyo ngamol na ang pagsasalita ni Katherine.

She was already half-asleep. Antuk na antok na siya pero nananatiling gising ang diwa dahil sa kakatwang excitement na pinukaw ni Deron sa kanyang dugo.

Pinilit niyang iangat ang mga talukap na tila naging simbigat ng bakal nang maramdamang naupo ang lalaki sa tabi niya.

"Playboy si Velasco.

"Playboy ka rin, Sir,"paalala niya. Tinangka niyang ilayo ang katawan para hindi siya magkadikit pero umakbay ang isang braso ng lalaki para hapitin siya palapit.

"Pareho din kaming mayaman,"he added softly. His hot breath tickled the sensitive curve of her earlobe.

"Pero siguradonv ako lang ang makakapagpaligaya sa'yo."

"Don't be conceited. Mabait si Aljur. Hindi niya ako ininsulto kahit kailan."

"I'm sorry," he whispered huskily. Dumampi ang mainit na bibig sa kanyang balikat. Nakakapaso ang mga nagbabagang halik na marahang gumapagang sa balat niya.

"Sir, I said 'no." She forced her hands to move and push him away. "Please, let me go home."

"Katherine, stop teasing me." Deron groaned. "You know that we'll end up in my bed tonight..."

"You promised – !"Paimpit na napasigaw si Katherine  nang bahagyang bumaon ang mga ngipin ng lalaki sa gilid ng kanyang leeg.

"Stop acting like you're still innocent," he murmured in a coaxing tone while his lips continued creating a trail of fire on her skin. "I know you play around –"

"No!"Tuluyan nang napasigaw si Katherine nang masaktan ang kalooban. "Bakit ba napakababa ng tingin mo sa akin, Sir? My only mistake was to get infatuated on you! And thanks to your insultinv words – I am cured of that disease!"

........................................................................................................................................................................................................................

SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon