Chapter 25

3.2K 66 0
                                    



She should be ashamed of being such a coward to heartache. Mas bata si Delmar sa kanya pero higit na matapang at matapat sa sarili.

She should tell Deron that she was crazy in love with him even if she would surely get hurt. At least, naging honest siya...

Dahil nagpumilit si Delmar na ihatid si Katherine sa pupuntahan, madali siyang nakarating sa lugar ni Deron.

"Saang floor ka ba?" Delmar insisted on accompanying her.

Nagtaka ito nang humantong siya sa tapat ng elevator na nasa basement garage. Medyo nagulat rin nang saluduhan pa sila ng night guard na nasa bukana ng basement.

"Sa penthouse," Katherine sighed. Gusto sana niyang mapag-isa para walang witness sa pagkapahiyang mararanasan.

Alas dos na kasi ng madaling-araw. At kung magising man si Mang Macky para sumagot sa tunog ng intercom na nakakabit sa tabi ng private elevator, tiyak na hindi siya patutuluyin ng katiwala ni Deron.

Alam ni Katherine na isang suntok sa buwan ang biglaang pagpunta niya, pero ayaw kasi niyang umuwi bago man lang maisagawa ang nabuong desisyon. Natatakot siya na baka maduwag na naman.

Pipindutin na sana niya ang button nang biglang may magsalita sa kanyang likuran.

"Going somewhere?"

"Kathy..." Halos kasabay ang pabulong na babala ng nanginginig na boses ni Delmar.

"Huh!"Papitlag na napalinga si Katherine nang marinig ang baritonong tinig ni Deron. "D-deron..."

"Siya ba ang sadya mo dito, Kathy.?"sabad ni Delmar.

"O-oo."

"Sino siya?"Halos paangil naman ang tono ni Deron  habang nakatitig nang masama sa patpating binata.

"K-kaibigan namin siya... Inihatid niya ako dito,"ang pautal na paliwanag ni Katherine.

"M-magpapaalam na ako,Kathy." Habang nagsasalita, humahakbang na nang paatras si Delmar.

"Ikaw na ang bahala sa kanya, sir. Goodbye!" Maliksing nakasakay sa nakaparadang kotse ang binata.

"Tutoo bang ako ang pinuntahan mo dito?" Pinindot ni Deron ang ilang button na nakakabit sa ilalim ng intercom matapos magtanong. Matigas pa rin ang tono pero hindi na gaanong mabalasik ang ekspresyon.

"O-oo..."

"Bakit?"Nagtanong ang lalaki nang nakapasok na sila sa loob ng elevator.

Hindi makasagot si Katherine dahil abala siya sa pagtitig sa mukha ni Deron. Halos hindi na niya mapigil ang paghulagpos ng pagkasabik na makita uli ang lalaking may-ari sa kanyang puso.

"Stop looking at me like that, Katherine," he growled under his breath.

Nag-apoy ang mga pisngi ni Katherine dahil napahiya. Agad siyang nagbawi ng tingin. Gusto na sana niyang umalis at lumayo pero ang desisyon ng puso ay nanatiling matatag.

She had to listen to Deron's rejection after her declaration of love. It would be her way of fighting for him before letting go.

Kung talagang naibaling na ni Deron ang pansin sa ibang babae, itutuloy na niya ang pagri-resign.

Habang abala sa pag-iisip si Katherine, nakarating na sa penthouse ang elevator. Hinawakan ng lalaki ang isang kamay niya at hinila palabas. Tiim-bagang na isinuksok ang susi sa doorknob.

Lihim na nagpasalamat ang dalaga dahil nahihiya siyang makaharap uli si Mang Macky. Hindi pa niya naisasauli ang mga damit na ipinahiram ng katiwala dahil naiwanan sa bahay ni Lou.

Tuluy-tuloy sila sa loob ng master's bedroom. May malamlam na liwanag sa halos lahat ng sulok dahil sa nakasinding mga munting night lamps kaya hindi na nagbukas ng ilaw si Deron.

Biglang binitawan ng lalaki ang hawak na kamay ni Katherine kaya muntik pa siyang matalapid sa malambot na carpet.

"So! Where have you been, you little witch? Kung saan-saan na ako naghanap sa'yo buong gabi!"

"S-saan ka naghanap?" Hindi makapaniwala si Katherine.

"Nagpunta ako sa bahay n'yo. At nalaman kong dalawang gabi ka nang hindi umuuwi doon. The first night, you're here with me. But the second night — last night!" Huminto si Deron nang tila sasabog na sa galit. "Where have you been?" Kasama mo na naman ba ang playboy na si Aljur Velasco?

"Y-yes..."Napasinghap si Katherine nang biglang sambitlain ni Deron ang beywang niya at yakapin siya nang mahigpit.

"You've been driving me crazy, woman. Bakit umalis ka sa opisina bago ako makabalik?"

"P-pero hindi mo sinabing hintayin kita..."

"You've been acting like we're strangers all day." Deron sighed as his mouth grazed the tip of her nose.

"Y-you were so cold and..." Katherine stopped to heave a deep breath. Parang nangapos ang kanyang paghinga ngayong nakakulong na siya sa mga bisig ni Deron. "And you're angry. You were acting beastly today. B-bakit nagagalit ka sa akin?"

"I'm furious when I woke alone yesterday morning. Women never left me my bed without my permission."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "You are so arrogant!" Hindi niya napigil ang mapabulalas.

"I was arrogant," pagtatama ni Deron. His tone was suddenly humble. "I was spoiled rotten because women always fall for me even without the slightest encouragement."

Namula na naman ang mga pisngi ni Katherine dahil nagkagusto rin agad siya kay Deron kahit na masungit ang pakikitungo sa kanya.

"You were like one of those women from the first moment of our meeting."

"Y-yes..."

"For that, I labeled you as cheap and flirtatious." Gumapang ang mainit na bibig sa leeg ni Katherine.

Her toes curled when heat scorched her sensitive skin. "But when you started showing unexpected depth of character, I found myself intrigued and enchanted. Napansin ko ang sipag at tiyaga mo sa trabaho. Seryoso ka sa paggampan ng mga obligasyon mo sa opisina. You're the best assistant I've ever had"

"T-thank you,"she said breathlessly.

"When you started to bewitch me with your beauty, I was able to fight your spell at the expense of many sleepless nights and a broken relationship with Margarette."

"Y-you...Before Margarita...?" Nalilito si Katherine. Hindi siya makabuo ng tanong.

"Yes. I used Margarita as a shield. She's smokescreen. Natunugan ko agad na ikaw ang aking downfall. Even before I promoted you, I couldn't take my eyes off you. Kahit turned off ako sa mga pagpapa-charming mo, my attraction for you grows."

"But... but..."Lalo nang nablangko ang utak ni Katherine pero ang puso naman niya ay halos sasabog na sa sobrang kaligayahan.

........................................................................................................................................................................

One chapter na lang guys!😍

SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon