Chapter 21

3K 58 0
                                    



Those few moments with Deron, her first lover, were the happiest of her life.

But it was gone very soon.

Nothing lasts forever...

Hindi natuwa si Deron nang matuklasang inexperienced pa siya. He was cursing nonstop while he was rolling away from her. Para bang napaso. O nandiri?

Biglang humulas ang euphoria ni Katherine. Parang gusto niyang umiyak pero nanatiling tuyo ang kanyang mga mata.

Ano ba kasi ang dapat niyang iyakan? She had found a piece of ecstasy that many had been looking for a lifetime and still could not find it. She saw a glimpse of heaven...

Ewan kung gaano katagal siyang walang tinag sa pagkakahiga. She closed her eyes to stop the tears from flowing out. At nang muli siyang dumilat, napansin niyang nagliliwanag na ang langit sa labas ng tinted sliding window. Mag-uumaga na.

Hindi siguro siya nakatulog dahil hindi man lang nagulat nang makitang iba ang kuwartong kinaroroonan.

Dahan-dahang kumilos si Katherine. Habang maingat na inililinga ang ulo, lihim siyang humihiling na sana ay wala si Deron sa kama.

But he was sleeping on the other side of the wide bed. So far away from her. Nakadapa at nakabaling ang mukha sa kabilang direksiyon. Para bang kahit sa pagtulog ay nakaiwas sa kanya.

Ni hindi man lang niya masisilayan ang lalaki sa huling pagkakataon.

She got a decision now. Magri-resign na talaga siya. Wala na siyang mukhang ihaharap sa kanyang boss.

Dalawa na lang ang pupuntahan ng sitwasyon nila: ang magpatuloy sa pagiging lovers o ang mailang sa isa't isa – na imposibleng mangyari.

Deron was clearly disgusted with her inexperience.

She sighed dejectedly. Mabigat ang mga biyas niya habang tahimik na dinadampot ang mga damit na nakakalat sa sahig. Nagtago siya sa Japanese divider na nakaposisyon sa pagitan ng malaking kama at mini-winebar.

Bitbit sa isang kamay ang black shoes at handbag, pati-ay na naglakad si Katherine palabas sa kuwarto.

Madilim pa ang kapaligiran sa labas, maliban sa hilera ng mga munting night bulbs na nakasindi sa gawing paanan ng koridor.

Nang biglang lumitaw sa harapan niya si Macky, muntik na siyang mapasigaw.

"A-ay! Huh! I-ikaw pala, Mang Macky!"Paimpit ang pagbulalas niya. Hiyang-hiya dahil may nakakitang nanggaling siya sa silid ng boss.

"Gusto mong ihatid kita sa ibaba, Miss Kathy? Delikado pang lumabas sa kalsada dahil madilim pa."

"H-ha? Opo. Maraming salamat."

Kapwa sila walang imik habang nakasakay sa private elevator. Mahirap basahin ang expression ng katiwala ni Deron.

Hindi niya masabi kung magiliw o disapproving ito sa kanya. Pero nang mga sandaling iyon, napakalaking ginhawa sa kalooban ng dalaga ang ipinakitang concern ni Macky sa kapakanan niya.

It was like a soothing balm to the wounds on her heart.

Wala pa ngang katau-tao sa kalye nang lumabas sila mula sa basement garage. Wala ring nakakitang security guard sa kanila.

Hindi napigil ni Katherine ang pagkurot ng selos sa kalooban niya. Halata kasing sanay na si Macky sa patagong pagpupuslit sa mga babaeng nanggagaling sa penthouse ng amo.

Pumait ang panlasa ng dalaga sa naisip na iyon. Kahit pala napakalaki ng pag-ibig niya para kay Deron, hindi niya kayang panindigan ang isang illicit affair. Tiyak na isang sikretong relasyon ang gusto ng boss niya para hindi maging tampulan ng tsismis sa opisina.

She was naturally out-going and friendly. She could manage to hide a secret unrequited love but never a secret hot affair. Nakayanan niyang ilihim ang pag-ibig para sa kanyang boss dahil siya lang naman ang nakakaalam.

Pero kung ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi ay mauulit pa gabi-gabi... Tiyak na may makakadiskubre sa relasyon nila, sooner or later.

At kapag nagsawa na si Deron sa affair nila... Hindi alam ni Katherine kung paano niya matitiis ang magtrabaho sa opisina nito. Tiyak na ang bawat araw na magkikita sila at magkukunwaring parang walang nangyari ay magiging impiyerno.

His past affairs usually lasted for about six months.
Mas madali bang kalimutan ang one-night stand kaysa sa six-month affair?

But one thing remains. She was now a fallen woman. Wala na siyang dangal ngayon.

Bumuntonghininga si Katherine bago pumiksi. She's not that old-fashioned. Pero hindi rin naman siya naniniwalang kung saan nadapa ay doon din dapat bumangon ang isang babae.

Nagpahatid siya sa bahay nina Lou. Nag-text siya sa kaibigan habang nakasakay sa taxi kaya nakaabang na ito sa gate nang dumating siya.

"Kathy!" salubong ni Lou. "Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit ang putla-putla mo?"

"S-salamat at gising ka na, Lou. Pasensiya ka na." Nanunuyo ang loob ng bibig niya. "P-pwedenv makiinom muna ng tubig?"

"Sorry," ani Lou habang inaakay siya patungo sa kusina. "Halika sa kusina. Doon tayo magkape."

"Huwag ka nang mag-abala. Masyado pang maaga. Tubig na lang," tanggi ni Katherine.

"No. We'll have breakfast. Wala naman si Kuya Aljur. At si Manang ay gigising na rin maya-maya lang."

"S-salamat. "Hindi na tumanggi si Katherine dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom. Ang huling kain niya ay nung lunch time pa kahapon.

"You look defeated. Ano bang nangyari?"

"H-ha?" Katherine couldn't tell the truth. "M-mahabang istorya... Saka ko na lang ikukuwento. I hope you'd understand..."

"Okey." Lou  sighed as though already seeing Casandra's broken heart. "Siyanga pala, tumawag dito si Tita kagabi. Hinahanap ka."

"A-ano'ng sinabi mo?" Muling nayanig ang mundo ni Katherine. Hindi niya gustong bigyan ng disappointment ang mga magulang na umampon at nagpalaki sa kanya.

"Sinabi kong nagkatuwaan tayong magkakabarkada. Nagkainuman dito sa bahay. Tayu-tayo lang. At dahil hindi naman sanay uminom, nakatulog ka na agad."Puno pa rin ng pag-aalala ang tono ni Lou habang nagsasalita. "Tawagan mo na lang sila nang maaga ngayon."

"Oh, Lou! Maraming salamat!" Saglit silang nagyakapan.

"Binasted mo raw si Kuya Aljur?" Iniba ni Lou ang paksa nang magkaharap na sila sa makitid na breakfast counter at may hawak nang tig-isang coffee mug.

"H-hindi naman siya nanliligaw."Awtomatiko ang pagtugon ni Katherine.

"Hindi naman niya talaga kailangang manligaw dahil kunwari lang naman. I hope you'd agree to be his fake girlfriend, Kathy."

"I don't understand. Bakit kailangan ni Aljur ng isang fake girlfriend? At saka bakit ako pa?"

................................................................................................................................................

SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon