"Ikaw lang naman ang babaeng pwede kong pagkatiwalaan. Kasama siyempre sina Jenny at Rhea, pero hindi sila available.""Why not you?"
"Dahil ayaw niya sa akin."
"I dont think so. Aljur seemed always
concerned about your welfare.""Mahabang istorya din." Lou sighed dejectedly.
"Mag-explain ka naman kahit pahapyaw lang. Baka sakaling mapa-oo mo ako sa gusto mo kapag may naintindihan ako kahit na konti." Tuluyan nang inilayo ni Katherine ang usapan sa sarili niya.
"Inihabilin ako kina Mommy at Daddy kay Kuya Aljur bago sila namatay, kaya naman sineseryoso niya ang responsibilidad niya sa akin. There's no love lost between us and so I wanted to live separately from him." Lou sighed again. She looked forlorn. "But he won't let me."
"Ayaw mo na ba talagang tumira dito?"
Lou was hesitant to answer.
Alam na ni Katherine ang sagot. "It's not healthy to deny and hide your feelings for long, Lou,"pagpapayo niya.
"Palagi mo naman siyang sinusuway, a? You'd better leave him while you can. And while you're still civil to each other. Mas maiging maghiwalay kayong magkaibigan."
"Hah! Kayo ba ni Deron pwede pang maghiwalay bilang magkaibigan?"panunuya ni Katherine sa sarili.
"Pero ayaw nga niya,"wika ni Lou. "Paano ko raw bubuhayin ang sarili ko kung wala na ang allowance ko? O ang trabaho ko?"
"E, di lumipat ka ng trabaho? You could ask Jenny for help," suhestiyon niya.
"Guguluhin daw niya ako,"Guguluhin daw niya ako," salo ni Lou. "Hindi niya ako papatahimikin."
Napamaang si Katherine. "Why don't you bluff him?"bawi niya. "Siguro naman, hindi niya sasadyain sirain ang reputasyon niya para lang mapilit ka niya sa gusto niyang mangyari?"
Isang dejected sigh lang ang itinugon ni Lou.
"Kahit ba ilang linggo lang, hindi mo ako pwedeng pagbigyan?"
Hindi na kayang tiisin ni Katherine ang paghihirap ng loob ng kaibigan. "Okey, okey, sige na nga."
"Oh, Kathy! Thank you so much!" Dagling napawi ang paghihirap sa mukha ni Lou. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam niya. At least, isa sa kanila ang nagkaroon ng solusyon sa problemang dinadala.
Tamang-tama ang timing ng pagdating ng kusinera at dalawa pang kasambahay sa kusina. Naubos na ang kape at isang slice na cake na pinagsaluhan ng magkaibigan. At natapos na rin ang seryosong pag-uusap nila.
Nakipag-usap sandali si Lou sa mga empleyada ni Aljur tungkol sa pamamalengke at sa mga putaheng iluluto.
"Halika sa kwarto. Doon mo na tawagan sina Tita Dawn."
Napaglubag agad ang loob ng ina-inahan matapos mag-apologize si Katherine. Pinalabhan agad ni Lou ang mga damit na suot niya habang nakababad siya sa maligamgam na tubig sa bathtub. Suot ang ipinahiram na roba ng kaibigan, nahiga siya sa kama para umidlip ng ilang oras.
"Good morning! Nakahain na ang almisal sa terrace. " Isang masiglang Lou ang sumalubong sa kanyang paggising. "Kain muna tayo tapos ihahatid kita sa office."
"Hindi pa ba ako late?"Maliksing naghilamos si Katherine sa banyo para mawala agad ang antok.
Medyo mahapdi pa ang mga mata niya dahil halos dalawang oras pa lamang nakapikit.
"Medyo pa lang. Kung hindi gaanong traffic, you'll be on time."
Para sa standard ni Katherine, ang salitang 'on time' ay nangangahulugang 'late'. Nagdumali siyang nagbihis. Tumanggi siyang kumain.
"Okey. Ibaon na lang natin ang coffee at pancakes. Sa kotse na lang mag-breakfast."
Sa sobrang tensiyon, hindi magagawang lumunok ng kahit ano ni Katherine pero tumango siya. "Ako na ang magdadala ng pancakes."Bitbit na niya sa isang kamay ang handbag.
She was feeling apprehensive as she entered the silent office. Tila hindi pa dumarating si Deron.
Ginampanan niya ang usual chores. Naghugas ng mga coffee things. Nagpunas ng tissue at alcohol sa telephone receiver at computer mouse.
Kasalukuyan niyang pinapalitan ang tubig ng mga rosas sa plorera nang marinig ang buzzer ng intercom. Kumabog agad nang husto ang dibdib niya.
"Sir?" Katherine was glad to hear her calm voice.
"Black coffee!"Matigas ang tono at pa-brusko ang utos kaya nahulaan niyang galit si Deron.
Napapikit sandali ang dalaga. Huminga siya nang malalim para manatiling kalmado at mahinahon. Binitbit na rin niya ang stenopad at lapis.
Walang kangiti-ngiti si Deron. He looked at her coldly, just like a stranger.
Katherine swallowed her nervousness. She had to follow his example. Hindi niya alam kung hanggang saan ang itatagal ng kalma pero pipilitin niyang manatiling mahinahon kahit na halos pulos paangil ang paraan ng pakikipag-usap ni Deron sa kanya.
He was dictating very fast. She had to focus all her skills to take down all the words. It was almost rude and inconsiderate because the letter was complicated and wholly technical.
"I want the draft for that letter in five minutes, Miss Gomez!" he barked the order.
It was a small miracle when he found no mistakes.
But the torture continued. Tila walang pagkaubos ang mga response letters na idinidikta nang mabilis ni Deron. Nananakit na ang likod ni Katherine.
Naninigas na ang mga daliri niya.
Kung mayroon siyang mali, ipapaulit lang naman ni Deron. Kung masyadong maraming pagkakamali, puwede na siyang i-fire sa trabaho niya. She would gladly welcome a termination.
Ngunit hindi siya nagpahalata sa nadaramang paghihirap. Tinanggap lang niya ang tila pagpaparusa ng lalaki kahit hindi alam kung ano ang nagawang kasalanan.
Nakakapag-break lang siya kapag kumukuriring ang telepono sa work station. O kapag humihingi ng black coffee ang boss.
Halos hindi niya namalayang sumapit at lumipas ang lunch break. Namamanhid na kasi ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Nablangko na ang kanyang utak. Gusto niyang maghinanakit dahil pinapahirapan siya ng lalaking minamahal pero wala siyang makapang hinampo. Tanging pagtataka lang.
At pamamaalam.Ngayong naging estranghero na sila sa isa't isa, hindi na matatagalan ni Katherine ang magtrabaho para kay Deron.
Nang biglang umalis ang lalaki nang dakong alas tres, saka lang nakahinga nang maayos ang dalaga.
Nagtungo siya sa comfort room para maghilamos ng mukha. Nagmumog siya ng mouthwash para maalis ang mapait na lasa ng tinimping disappointment.
Hindi niya inakalang magiging ganito ang eksena nila ni Deron matapos ang isang gabing pinagsaluhan nila.
Nagpapatuyo siya ng mga kamay sa tapat ng dryer nang mag-vibrate ang celfone sa bulsa ng suot na blazer.
Si Lou ang caller.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}
Fanfiction"Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn't it unfair to have double standards when there's equality of the sexes now? Si Kathy ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has lo...