Hinawakan siya ng mahahabang daliri sa isang siko upang alalayan sa pagpasok sa naghihintay na elevator.Sa basement sila iniluwa ng mekanismo. Isang limousine na itim ang naghihintay sa kanila.
Ipinagbukas pa sila ng isang unipormadong driver.
Muli, nakakaramdam ng pangungunti ang dalaga.She had a built-in elegance and a natural pride on herself. Pero kapag ganito na karangya ang nakikita niya, lalupa't pag-aari lahat ng lalaking natitipuhan niya — hindi kaya nagpipilit lang siyang manungkit ng mga bituin?
She was nothing, compared to this man. She's nothing but a penniless orphan!
Ang lahat ng kanyang misgivings ay ikinubli niya sa ilalim ng brilliant smile. After all, hindi naman siya kailanman magiging nobya ng lalaking ito. Ang kanyang mga panaginip tungkol kay Deron Ford ay mananatiling lihim ni Katherine Gomez!
"You don't have to speak, Miss Gomez. Just smile and listen carefully. And try to remember as much as you can. I would suggest that you stay away from any alcoholic drinks," wika ng lalaki habang papalabas ng basement ang sinasakyan nila.
"You must stay by my side at all times. Understand?"
"Yes, sir" tugon ni Katherine, matatag ang kanyang tono. Pipilitin niyang magampanan nang maayos ang kanyang papel bilang personal assistant ng lalaking lihim na minamahal.
Umaasa na lang siyang lilipas din ang damdamin niya para sa lalaking ito...!
Good thing, kahit na sari-sari ang mga naiisip naging matagumpay pa rin ang gabing iyon – para sa kanyang unang important task bilang personal assistant.
Masaya din si Deron.
"Congratulations, Miss Gomez," ang masayang pagbati sa kanya.
"I knew you had the potential of a good assistant. You are efficient and diligent. Mabuti na lang, natapos na ang kahib–"
"Kahibangan ko," pakli niya, in a calm tone.
"Kung hihingi ba ako ng dispensa sa mga kalokohang ginawa ko noon kakalimutan n'yo na ang lahat ng mga nagdaan na?"
Natahimik sandali ang binatang amo niya. Then, he gave a short shrug.
"Okey, Miss Gomez. And I'm sorry for being redundanf and repetitive."
Isang matipid na ngiti lang ang itinugon niya. She had never felt so sad and depressed. Parang wala na siyang kapag-a-pag-asa....
Tumaas nga ang ranggo niya sa opisina, pati ang kanyang suweldo. Ngunit naging malulungkutin naman siya.
Napakalinaw naman kasi ng ibig sabihin ni Deron. Kapag nanatili siyang impersonal, mananatili siya sa empleyo ng Ford Company. Ngunit kapag nagpakahibang na naman siya...
Hanggang kailan naman kaya niya kayang supilin ang kanyang tutoong damdamin?
Haaay, napakahirap ng kanyang katayuan!Gayundin ang naging opinyon ng kanyang mga kaibigan mula sa bahay-ampunan. Nagkikita-kita silang apat sa bahay ni Jenny. Sinuwerteng magkaasawa ng lalaking mapagmahal at mayaman ang iyakin sa grupo nila kaya naging paboritong venue na ng mga pagkikita nila ang bakuran ng mga Santiago.
"Bakit hindi ka na lang mag-resign, Kathy?" suhestiyon ni Rhea sa kanya.
"Pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Baka ibayong sakit ng loob lang ang aanihin sa paghihintay mong mawala ang nadarama mo para sa boss mong iyan."
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}
Fanfic"Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn't it unfair to have double standards when there's equality of the sexes now? Si Kathy ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has lo...