"Iha, magpalit ka kaya muna ng damit," suhestiyon ni Mommy Dawn nang maghatid siya ng mga used cups and plates sa kitchen."Ako na muna ang bahala sa mga bisita mo."
"Opo, Mommy," sang-ayon niya agad.
Ang pagiging masunurin niya sa lahat ng gustuhin ng ina-inahan ay tanda ng kanyang pasasalamat dahil inialis siya nito sa drudgery ng orphanage.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita ang isa pang sorpresang regalo ng mga magulang sa kanya. Nakalatag ang isang puting sundress sa kanyang kama. At sa ibabaw nito ay ang isang kahita na may lamang kuwintas at bracelet.
Naluluha siya habang tumatawa nang lumapit sa kama upang damputin ang bagong kasuotan at mga alahas. Isinuot niya ang mga ito upang makabalik agad sa ibaba.
Sinalubong siya ni Mommy Dawn at ni Daddy Richard sa may hagdan. Nakatingin ang mga ito sa kanya, mga ngiti ang mga labi habang nangingislap sa luha ng kasiyahan ang mga mata.
"Oh, napakaganda ng anak natin, Chad!" bulalas ni Mommy Dawn.
"Oo nga, Dawn. Kamukhang-kamukha mo siya nung ganyang edad ka, sweetheart," ang malambing na tugon naman ng lalaki.
Kinurot ng ginang ang asawa nang buong suyo.
"Ikaw talaga, bolero ka pa rin."
"Mommy, Daddy, maraming salamat po sa inyong mga regalo sa akin!" pahayag niya habang hinahagkan sa pisngi ang mga kinikilalang mga magulang.
"Sobra-sobra na naman po ang lahat ng pinagpapaguran ninyong ibigay sa akin."
Hinaplos ni Richard ang kanyang mahabang buhok na inilugay na lang ni Katherine nang makalas mula sa pagkakapusod.
"Anak ka namin, iha, kaya lahat ng magaganda'y gusto naming maibigay sa iyo."
"Oo nga, anak. Ang makitang may ngiti ka palagi ay kaligayahan na para sa amin ng ama mo."
Niyapos niya uli ang mga magulang. Sinamantala niya ang mga sandaling private circle of happiness sa gitna ng pagtitipon.
"Thank you very much!" bulong habang humahakbang papalabas ng pinto.
"Thank you very much, Lord!"
Nagpatuloy ang kasayahan hanggang magtakipsilim. Pulos sayawan at kantahan ang mga pakulong ginagawa ng mga bisitang katulad rin ni Katherine na may kaunting talento at malaking hilig sa pagsayaw at pag-awit.
Pawis-pawisan na naman ang dalaga but she didn't mind being dishevelled while having such fun with her friends and neighbors.
Walang nakapansin sa paghinto ng isang magarang kotse sa tapat ng gate na bukas para sa mga gustong makisaya sa kaarawan ni Katherine, ang paboritong muse ng baranggay.
Kasalukuyang nagpapakitang-gilas ang dalaga sa pagsasayaw ng Boogie, ka-partner ang isang baklang dance instructor, kaya hindi niya nakita ang matangkad na lalaking umibis mula sa itim na BMW at pumasok sa gate with bold arrogance.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}
Fanfiction"Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn't it unfair to have double standards when there's equality of the sexes now? Si Kathy ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has lo...