She was brash and crass, lalo nung mga panahon na hindi niya binibigyan ng pansin ang mga paghanga at admirasyon ng mga lalaking nabibighani ng kanyang extraordinary beauty. Hindi niya alam na naging conceited na pala siya.Ah,kailangan niyang magpaturo ng maraming ugaling pino at mayumi mula sa mga kaibigang matalik na sina Jenny at Rhea!
Ngunit may asawa na si Jenny kaya medyo limitado na ang oras na puwede niyang hilingin mula sa kaibigan na apo yata ni Maria Clara. At si Rhea naman ay abala sa trabaho at pamilya.
Pero si Rhea na lang ang pag-asa niyang matuto ng tamang pagkilos – na puwedeng maka-impressed sa kanyang chauvinist boss. She would try to visit Jenny next Sunday.
Dinatnan niyang nag-uusap pa rin at umiinom ng serbesa ang kanyang ama-amahan at boss nang matapos siyang mag-ayos ng sarili.
Luminga ang binatang amo sa hagdan nang marinig ang mga yabag niyang pumapanaog.
"Your daughter is very beautiful, Mr. Gomez," papuri ni Deron, with an unreadable expression in his eyes.
"You must be very proud of her"
Richard looked at Katherine with pride."Of course, Mr. Ford. We are very proud of her. She makes us happy."
Na-conscious si Katherine — sa unang pagkakataon sa kanyang buhay.
Dapat ay sanay na siyang matitigan at mapag-usapan ng mga lalaki dahil kahit na saan siya magpunta ay nag-a-attract siya ng male attention.
Ngunit iba si Deron sa lahat. The man is... all-man. He was always a stand-out in a crowd. He commanded attention, male or female. Because he oozed with sex appeal. He had an aura of deep sensuality....
Para bang kaysarap sumiksik sa malapad na dibdib, at magpakulong sa matitipunong mga bisig...
"Shall we go?"
Nahimasmasan si Katherine.
"Y-yes, sir," tugon niya. She could barely hide the trembling of her voice.
Kabado si Katherine habang sakay na sila ng sasakyan. Ngunit wala naman siyang dapat ikatakot dahil wala namang kursunada sa kanya ang kanyang amo. Hindi katulad nung mga dati niyang boss.
Nagulat pa siya nang makitang pumaparada na sila sa tapat ng gusali ng opisina nila. Ni hindi niya namalayang natapos na ang biyahe nila dahil sa lalim ng kanyang iniisip.
"Magpapalit ako ng damit sa penthouse. Samahan mo ako."
Walang nagawa si Katherine kundi ang tumalima sa utos ng lalaki. Nakasunod na naman ang paningin ng security guard na nasa bukana nang magkasabay silang pumasok ng building.
"Good evening, sir, ma'am." bati nito sa kanila. He looked speculatively at her.
Napatingin naman si Katherine sa kasama. Hindi ba alam ni Deron ang mangyayari sa tuwing mapapagkikita silang magkasama ng mga taga-opisina?
Katulad na lang ng pakikitungo ng sekyu sa kanya. Dati-rati, Kathy lang ang tawag sa kanya, katulad ng ibang co-workers. Ngunit ngayong kasama niya ang boss, 'ma'am' na rin ang itinawag sa kanya!
"Good evening, sir."
Muntik nang mapatalon sa pagkagulat si Kathy nang biglang sumulpot mula sa kungsaan ang isang maliit at patpating lalaki.
"This is Macky, ang aking kasmabahay dito sa penthouse," pakilala ni Deron sa katiwala.
"Macky, siya naman si Katherine Gomez."
Inasahan niyang idudugtong na siya ang secretary o personal assistant title ngunit wala nang sinabi ang lalaki. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman.
Dinala siya ni Macky sa sala habang tuluy-tuloy namang nagtungo si Deron sa kuwarto.
"What do you want to drink,ma'am?"tanong ng magalang na kasambahay.
Nanunuyo ang lalamunan ni Katherine dahil sa nerbiyos kaya humingi siya ng tubig.
Natigilan sandali ang lalaki. Para bang ngayon lang nangyari na may humingi ng tubig sa mga nagiging bisita ng penthouse.
Ilang sandali lang ang ipinaghintay niya, muling lumitaw ang munting lalaki at dala na ang tubig na malamig. May seremonyas pa nga. Nakalagay sa isang silver tray ang basong kristal na nababalutan ng puting tissue at ang mataas na bote ng mineral water.
"Salamat" sambit ng dalaga matapos mailapag sa lamesita ang tray.
Yumukod lamang si Macky at muli namang nawala sa harapan niya.
Naiwan si Katherine sa sala. Sinimsim niya ang malamig na tubig habang hinihintay ang pagbabalik ni Deron. Iginala niya ang kanyang paningin sa eleganteng kaayusan ng paligid.
Everything in here spoke of money. Simple at payak pero very tasteful kaya napakasarap maupo at makiramdam pagkatapos ng isang maghapong pagtatrabaho
"It's cozy in here," wika ni Deron nang madatnan siyang nakaupo nang pahingalay sa napakalambot na sopang halos lumunok na sa kanya dahil sa sobrang laki.
"Nainip ka ba?"
Biglang naputol ang pananaginip nang gising ni Katherine.
"H-hindi naman, sir," tugon niya habang nagdudumali sa pagtindig.
"Siguro'y nagtataka ka kung bakit ikaw muna ang pinagbihis ko gayonv pwede namang ako muna ang magbihis dahil dito tayo galing?" pananalakab nito habang nagkakabit ng gold cuff links.
Tumango lang ang naiilang na dalaga. Kanina pa nga niya itinatanong sa sarili ang tungkol sa bagay na iyon.
"I just can't resist a challenge, Miss Gomez. Hindi ko inaasahan na tatanggihan mo ako nung ayain kitang mag-dinner dito noon. And I didn't like to be refused– one of my idiosyncracies." Deron was smiling sardonically, as though chiding himself.
"Pero totoong may pupuntahan tayong faction,"bawi agad nang makitang napupuno na ng suspetsa ang kanyang mukha.
Saka lang uli nakahinga ang dalaga. Mababawasan ang mataas na pagtingin niya sa amo dahil dinig na dinig niya ang maayos na pagpapaalam sa kanyang mga magulang nang bago sila lumabas ng bahay.
"Ingatan mo ang anak ko, Mr. Ford," pahabol pa ng Daddy Richard niya.
"Maasahan n'yo po, Mr. Gomez" ang magalang na tugon naman ng younger man.
"Halika na," wika ni Deron, presently. Nakatingin sa kanyang mukha. Parang pilit na binabasa ang mga laman ng isipan niya.
"Mali-late na tayo. Nine o'clock ang simula."
May malaking salamin na antigo sa foyer ng penthouse. Tumayo sila sandali doon habang naghahabilin si Deron kay Macky.
Napagmasdan ni Katherine ang reflection nilang dalawa. She saw a beautiful woman standing beside her handsome escort. Bagay na bagay pala silang dalawa ni Deron!
"Come, Miss Gomez," sambit ni Deron
sa kanya nang hindi agad siya tuminag matapos siyang ayain nung una.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}
Fanfiction"Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn't it unfair to have double standards when there's equality of the sexes now? Si Kathy ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has lo...