Tatawag siya ng messenger o janitor para magpabili ng mga mumurahing glass vases sa suking flower shop sa ground floor.Nagbigay ng pangmeryenda si Katherine sa matandang janitor bilang pakunswelo matapos tumulong sa pag-aayos niya ng tig-tatatlong buko ng rosas sa bawat plorera.
"Salamat po, manong. Teka po't susulatan ko lang ng pangalan at department ang mga sticky notes para mai-deliver n'yo na po."
Makalipas ang isang oras, parang winalis ang mga naglalakihang mga basket ng mga rosas sa palibot ng work station niya. Ang tanging natira ay ang tatlong buko ng pulang roses na nakasuksok sa transparent glass vase, na inilagay sa ibabaw ng filing cabinet.
Ayaw ni Katherine na palaging nakikita ang mga bulaklak na ibinigay ni Deron. Ayaw niya kasing mag-ilusyon...
A playboy will always be a playboy. Hindi niya alam ang mga rules sa mga games ni Deron Ford. She's out of her league. And she must not forget it!
Ibinuhos ng dalaga ang lahat ng konsentrasyon sa pagtatrabaho. Pero dahil sa di-mapigil na pagsulyap nang madalas sa kinaroroonan ng three red roses, inilipat niya ang distraksiyon sa loob ng comfort room.
Kakaupo pa lang niya sa computer chair nang biglang lumabas si Deron. Kunot-noong iginala ang paningin sa paligid. Tila hinahanap ang mga bulaklak.
"Ipinamigay mo lahat?" Tila hindi makapaniwala. "Wala kang itinira para sa sarili mo?"
Katherine swallowed her nervousness. "M-meron, sir. Nasa c.r...."
"I see."Tumiim ang mga bagang ni Deron. Tila nagtitimpi. "I sent you an email with attachment. Gusto kong mag-overtime ka para matapos iyon. Kailangang mai-fax ang report sa New York."
"Okey,sir."Nagbalik ang kalma ni Katherine nang maging business-like na ang boss.
"Cancel all my appointments. I'll be out the whole afternoon."
"Yes, sir."Agad na dinampot ni Katherine ang black appointment book.
"Kung may urgent call galing sa New York, i-forward mo sa celfone ko."
"Okey,sir." Maliksing isinulat ni Katherine ang instruction sa steno pad. Nakayuko siya kaya hindi nakita nang humakbang palapit si Deron. Wala siyang narinig dahil makapal ang carpet. Nagulat na lang siya nang hawakan ng mga kamay ang magkabilang balikat niya.
"S-sir!"
"You're driving me crazy, woman!" He muttered harshly before his hard mouth swooped to kiss her soft lips.
Maikli lang ang halik pero halos mayanig ang buong daigdig ni Katherine. Bago pa siya nakapagsalita, nakalayo na agad ang lalaki. Papalabas na sa pinto nang makabawi siya ng wisyo.
She inhaled gulps of oxygen shakily. Biglang natakot dahil napagtanto nang wala siyang kakayahang proteksiyunan ang puso mula sa atraksiyon kay Deron. Parang itinakda na ang kasawian sa sandaling sumuko siya...
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}
Fanfiction"Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn't it unfair to have double standards when there's equality of the sexes now? Si Kathy ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has lo...