Nakahiram siya ng lakas nang mangibabaw ang galit at hinanakit. Nagawa niyang itulak palayo ang lalaki. Nakapiglas siya kaya nagawang tumayo.But her knees were shaking and she couldn't walk as fast as she wanted. Mabilis na nakasunod sa kanya si Deron. His arms caught her trembling body from behind.
"Alright. I won't force you if you're really not in the mood."Hinaplos ng isang kamay ang likod niya para aluin. "You're tired and cranky. Ihahatid na kita sa guestroom."
"I want to go home now," she insisted but her voice was weak and drowsy. Hindi na niya maimulat ang mga mata. Lalo na siyang inantok nang haplusin rin ni Deron ang kanyang ulo.
His arms were waiting to catch her when her knees buckled as she slowly fell asleep.
Sunshine was streaming through the thin curtain and glass windows when Katherine opened her eyes again. Tanghali na siguro. But it was a Sunday kaya puwede pang magbabad sa higaan
Pumikit uli siya para muling makatulog. But something – or someone – moved behind her. Dagling napamulagat ang kanyang mga mata. Biglang naglaho ang antok."S-sir — !"she shrieked as she jumped away from the naked masculine body. Ano'ng ginagawa mo dito?
"Sleeping. This is my bedroom, Katherine." Deron stretched his muscular arms.
"Oh!"She groaned aloud as the memories of last night came back like a rushing river.
Nagdumali siyang bumangon pero agad na napahinto nang dumausdos pababa ang manipis na kumot. Padaklot na dinampot ng mga kamay niya ang kumot para muling ipantakip sa katawan.
"B-bakit wala akong damit? Ano'ng ginawa mo sa akin?"
"We slept together. Can't you remember?"
Namutla si Katherine. "Y-you raped m-me?"
Gumaralgal agad ang kanyang boses. Pero kinontrol niya ang pag-iyak. There's no use crying over spilt milk. Kung napariwara siya kagabi, it was her fault. Hindi siya dapat nagtiwala sa lalaking ito.
"Of course not. I said, we slept. Natulog lang tayong magkatabi sa isang kama, that's all." Ngumisi si Deron.
"Nanghihinayang ka na ba? Last night,I want you so bad I almost raped you. Pero nakatakas ka. You escaped into dreamland effetively. Napakahimbing ng tulog mo."
Lihim na nagpasalamat si Katherine sa guardian angel niya. Bahagyang lumuwag ang kanyang paghinga.
"The offer still stands. I want you to be my new girlfriend. Will you accept?"
Umawit at sumayaw ang puso ni Katherine pero pinairal na niya ang utak. At tila gumaling na nga siya sa kanyang pagkahibang dahil nagawa niyang umiling at tumanggi.
"I'm not your type, Sir. Marami pang mga Margarette ang naghihintay na mapansin mo."Maingat siyang umisod palayo para makarating sa gilid ng kama. Hindi niya inaalis ang paningin sa lalaking nakatitig rin sa kanya.
Madilim na naman ang ekspresyon ni Deron. "I won't ask you again,"he warned softly. "You don't know what you're missing."
"I know I'll miss a lot, Sir,"she agreed tensely.
Ang tingin niya kay Deron nang mga sandaling iyon ay isang leon na naghahandang umatake. "But we won't be happy."Loving him secretly was making her feel miserable because she could not show her true feelings. As his girlfriend, her situation would be hell. Ang mga nagiging girlfriends ni Deron Ford ay tumatagal lang ng tatlo hanggang anim na buwan.
Kung papayag makipagrelasyon si Katherine sa kanyang boss, kailangan na rin niyang ihanda ang resignation letter. She couldn't continue working with him after the break-up.
A relationship with her boss was doomed before it started! Katherine grimaced sadly.
"Excuse me. May I use the bathroom?"
"The last door on that corner."Tumalikod na sa kanya si Deron matapos isenyas ang direksiyong patungo sa banyo.
Nagdumali si Katherine kaya nagkamali siya ng pinasukan. Sa dressing room siya napapunta. She was momentarily overwhelmed when she found herself suddenly surrounded by Deron's personal things.
Mabuti na lang, bahagyang nakaawang ang isa pang pintuan na patungo na talaga sa banyo.
Kahit nanginginig, binilisan niya ang pagsa-shower. Hindi siya makatingin nang diretso sa sarili sa salamin habang naglilinis ng mga ngipin. Nahihiya siya.
Isang malaking tuwalya ang itinapis ni Katherine sa sarili. Lampas-tuhod ang laylayan kaya nagkalakas-loob siyang lumabas ng banyo. Pasilip-silip muna.
Nang matiyak na wala si Deron sa kuwarto, saka lang siya lumakad palapit sa kama.
Nagpaikut-ikot siya sa paligid ng maluwang na silid pero hindi nakita ni ang bakas ng suot niyang gown kagabi.
Napaigtad ang dalaga nang may kumatok sa pinto.
"Ma'am, iiwan ko ang mga damit dito."Boses ni Macky ang naulinigan niya.
Dahan-dahang binuksan ni Katherine ang dahon ng pintuan. Isang kilalang boutique bag ang natagpuan niya. Pero may iba pang laman, bukod sa kanyang evening gown at handbag niya. Isang black-and-white striped halter-necked elastic dress.
Parehong hakab sa hubog ng may suot ang kasuotan kaya ilang na ilang siya. Pero mas maigi naman kaysa sa gown dahil tanghaling tapat na.
Bago tuluyang lumabas mula sa master's bedroom, humugot muna siya ng maraming malalalim na buntonghininga para makaipon ng sapat na lakas ng loob. She knew she looked clean and dull.
Nakasuklay ang mahabang buhok niya at walang kulay ang kanyang mukha.
Ngunit si Macky lamang ang sumalubong sa kanya.
"May telephone conference si Sir. Mag-almusal ka na raw muna bago ka umuwi."
Parang mayroong nakabaon na karayom sa tagiliran ni Katherine ang biglang nabunot nang marinig ang sinabi ni Macky. Sinunggaban niya ang pagkakataong makaalis na agad. Ayaw na niyang makaharap uli si Deron. Wala na siyang lakas. Baka mapa-oo na lang siya...
"H-hindi ako nagugutom, Mang Macky. Salamat na lang ho. Gusto ko nang umuwi."
Natigilan sandali si Macky. "Gusto mong ihatid kita sa ibaba?"
"Oho. Kung hindi makakaabala. Maraming salamat." She couldn't hide her relief.
Tahimik silang naglakad sa maluwang na hallway hanggang sa makalabas sa pintuan. Hindi pa rin sila nag-usap kahit na nasa loob na ng elevator.
Nagsalita lang uli si Macky nang makarating na sila sa bus stop.
"Mag-ingat ka palagi, Miss Gomez."
"Kathy na lang ho ang itawag n'yo sa akin, Mang Macky."Medyo natural na ang ngiti ng dalaga ngayong nakalayo na siya kay Deron.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}
Fanfiction"Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn't it unfair to have double standards when there's equality of the sexes now? Si Kathy ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has lo...