Chapter 4

4.5K 101 2
                                    



Pinilit pa rin niyang ngumiti kahit na nangigigil na siya.

Nakamasid pala sa magiging reaksiyon niya ang lalaki.

"You don't look angry, Miss Gomez," obserba nito.

Against her better judgment, tumaba ang puso niya sa munting papuri na iyon. Kahit na observation lamang na tila nang-iinis, gusto niyang isipin na pinupuri siya ng amo niya.

"I don't see anyting that I should be angry about, sir," katwiran niya habang napapangiti na nang mas natural. Her sunny disposition rescued her again.

"Shall I start working, sir?"

Tumango ang lalaki habang tuluy-tuloy sa loob ng private office nito.

"Follow me," he commanded at her without looking back to be sure that she follow him immediately.

Dali-dali niyang kiniskis ang kanyang mga kamay sa mga braso upang mangainit habang patakbo niyang tinutungo ang thermos na nasa trolley. Binuksan niya ang takip ng airpot at itinapat ang mga palad at daliri sa usok ng mainit na tubig sa loob.

Nang magkaroon ng kaunting pakiramdam ang kanyang mga kamay, saka lang niya kinuha ang stenopad at mga lapis niya. Sumunod siya sa kanyang amo na singsungit ng isang nagugutom na leon kapag naiinip!

She was thanking her stars later that night habang naghihintay siya ng mga print-outs na iniluluwa ng laser printer ng computer niya. Saka pa lang siya sinisingil ng pagiging energetic niya earlier this afternoon.

Kaninang tanghali lamang ba ang kanyang party? Parang kahapon pa, a. Pinigil niya ang maghikab.
She giggled when she remembered an incident when they were all praying at the orphanage as children.

Lou, one of her friends, was always caught sleeping while praying the rosary during the wee hours of morning. The Mother Superior would punish the poor one with bathroom-cleaning! And they would sneak to help their youngest friend finish the task.

Minsan, parang ibig na lang niyang magbalik sa bahay-ampunan. Nung musmos pa siya, wala siyang reklamo sa buhay na simple at payak.

Nagsimula lang naman ang kanyang pagkabagot nang mapasama siya sa mga batang napipili ng mga Christmas foster parents.

Nadiskubre niya ang isang daigdig na kaiba sa malungkot na buhay sa bahay-ampunan. Masaya pala ang magkaroon ng sariling pamilya.

It was depressing whenever she was taken back to the dreary atmosphere of the orphanage....

"Miss Gomez?" Sumaliw ang malulutong na static ng intercom sa matigas na boses ni Deron.

Napaigtad si Katherine. Napapaidlip na pala siya! Pinindot agad niya ang button upang makatugon.

"What do you want, sir?"

"Coffee," came the succinct reply.

Napatingala si Katherine. Kung hindi lang siya matiyaga baka nakapag-resign na siya! With or without her undying infatuation with the blasted man!

She stood up with considerable difficulty. Parang natulog ang mga binti at hita niya kaya saglit siyang hindi nakakilos agad.

Nang matimpla na niya ang black coffee na alam niyang gusto ng amo kapag nasosobrahan na sa pagtatrabaho, dinala niya iyon sa loob ng inner office.

Deron looked haggard and rumpled, giving an illusion of carefree youthfulness for a moment. The false impression was destroyed by the cold and sharp pair of dark eyes.

"Thank you, Miss Gomez," wika nito habang kinukuha ang puswelo ng kape na naka-serve sa aluminum tray.

"Have one yourself," alok nito, as an afterthought.

Hindi na niya pinag-aksayahan ng laway ang sinabing iyon ng amo. Lumabas na uli siya upang tingnan kung tapos na ang printing ng kanyang machine. So that she could segregate the pages of the report.

Hindi niya napigilan ang pagsulyap sa relong nakasabit sa dingding nang maging lethargic nang husto ang kanyang mga movements. Gusto niyang isipin na napagod lamang siya sa sandaling pakikipagsaya kanina sa compound nila ngunit...

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pasado alas diyes na. Baka nag-aalala na nang husto ang kanyang mga magulang. Kahit na hindi siya tunay na anak ng mga Mayor, hindi niya pa kailanman nabigyan ng anumang alalahanin ang mga ito.

Nag-dial siya sa kanila. Alam ng mga ka-pamilya ang telepono sa opisina ngunit bihirang-bihira lamang mang-istorbo doon ang mga magulang niya. Kapag importanteng importante lang. O kapag emergency.

Pinalis niya ang isiping hindi nag-aalala ang mga ito sa kanya. Sapat na kay Mommy Dawn at Daddy Richard ang ipinagpaalam siya ng seemingly respectable businessman na si Deron Ford, ano?

Kahit naman sino ay mapapa-bow sa domineering stance ng lalaking amo niya.

"Hello? Mommy Dawn? Si Kathy po ito. Hindi pa po ako natatapos dito, e. Pasensiya na po kayo," paghingi niya agad ng dispensa.

"Naku, mabuti't tumawag ka, anak. Kanina pa kami nagkakagulo dito. Nawawala ang telephone number mo diyan, Napunit dine sa address book ko, e," paiwanag naman ng tila nagugulumihang ginang.

"Siyanga pala, tumawag sina Lou, Jennifer at Rhea. Kaalis-alis mo pa lang dine. Binabati ka nila sa iyong kaarawan. I-bo-blow-out ka raw ni Lou bukas. Linggo, hindi ba? O, paano? Napapahaba na ang usapan, baka makagalitan ka ng boss mo. Tila istrikto yata ang diyaske. Umuwi ka agad kapag natapos ka diyan, ha?"

O-opo, Mommy," tugon habang napapasulyap sa pintuang nakapinid. Hindi naman siguro siya naririnig ng 'istriktong diyaske'!

"Er, Mommy-baka matagalan pa po kami. Huwag na lang po kayo magpuyat sa paghihintay sa akin, po?"

"Sus! Oo naman. Inaantok na nga ako, e. Nagkakasayahan pa ang mga pinsan mo sa labas. Baka sila na lang ang mag-abang sa pag-uwi mo."

Naulinigan nga niya ang mga kuwentuhan at tawanan, pati na ang kantahan sa karaoke ng mga pamangking-buo ng Mommy Dawn niya.

"Mukhang masaya pa nga sila, pero magpapaalam na ako." Nagbi-blink na naman ang ilaw ng printer.

"Bye."

Makapal ang alpombra kaya hindi niya narinig ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya.

"Hindi ba makakapaghintay ang mga personal na bagay, Miss Gomez? I'm paying triplr tonight so that job would be finished fast!"

Hindi agad nakahuma si Katherine dahil nagulat siya nang husto sa biglang pagsasalita nang paasik ni Deron.

"I told you before, no personal calls during work!"
dugtong pa nito habang humahakbang palapit sa kanya.

Iwinawagayway nito ang rough draft na dinala niya rito kanina.

"Everything in these pages is wrong. You have to do it again!"

Padaskol na inilagay ng lalaki sa ibabaw ng mesa niya ang makapal na report at tumalikod na upang magbalik sa pribadong opisina.

SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon