"Hello, Lou.""Pwede ka bang makipag-date kay Kuya Aljur mamayang gabi?"
"A-ano'ng oras?"
"Bandang alas nuwebe. May dadaluhan siyang charity ball."
"Nandoon rin kayo ni Delmar?"
"Oo naman."
"Okey."
"Dito ka na kaya magbihis? Para sabay^
-sabay tayong makaalis?""Sige. Kukunin ko sa bahay ang isusuot ko. Formal evening dress?"
"Something like that. Puwedeng dito ka na lang mamili ng isusuot mo. Marami pa akong damit na hindi pa naisusuot."
Magka-size sila ni Lou kaya pumayag si Katherine.
"What about shoes and underwear?"
"Bumili na ako ng shoes na ka-size mo kaninang umaga. Kinuha ko ang sukat ng black shoes mo habang natutulog ka."
"Aha! Matagal mo na palang alam ang tungkol sa okasyon mamayang gabi. Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Ngayon lang kasi ibinigay ni Kuya Aljur ang mga tickets. Hindi pa ako sigurado kung anong araw at anong oras."
"Gan'on ba? Okey. Tatawagan ko na lang si Mommy para makapagpaalam. D'yan na ako didiretso pagkagaling dito sa opisina."
"Oh, Kathy! Thank you very much!" Tila gusto pang maging emosyonal ni Lou.
"Huwag ka munang magpasalamat. It's too early to say if I'm really a help or s nuisance. Baka makagawa ako ng kapalpakan."
"Of course, you're a big help!"
"Big help na pagbigyan kayo na mag-ilusyong wala kayong pag-ibig para sa isa't-isa?"
Medyo pabuska na ang tono ni Katherine. Frustrated rin siya sa sarili niyang love life pero nakukuha pa niyang tumulong para maging kumplikado rin ang love life ng iba!
"Kathy naman. " Tila napadaing sa sakit si Lou.
"Okey, I'll stop my wayward tongue. Wala nga pala akong pakialam kung ano ang gawin n'yo ni Aljur sa mga buhay n'yo. You're both adults!"
Lou sighed aloud. "Kung matatanggap lang agad ni Kuya Nico na hindi na ako bata..."
"Don't worry too much, Lou. You're really to young to be serious about anything or anyone. Enjoy mo lang ang life."
"Salamat sa suporta mo, Kathy. Pati na kina Jenny at Rhea. Kundi sa inyong tatlo, sobrang lungkot na ng buhay ko."
"O, tama na nga 'yang pagse-senti mo. Babay na muna. Para makatawag ako kina Mommy."
"Okey."
Katulad pa rin nang dati ang ina-inahan niya. Malugod na pagpayag ang isinagot sa pagsasabi niyang makikitulog uli kina Lou. Bagay na lalong ikina-guilty ni Katherine.
Sana ay gumaling na ang pagkabaliw niya kay Deron! Kung mananatili siguro ang malamig na pakikitungo ng lalaki sa kanya, siguradong mamamatay agad ang hibang na pag-ibig niya.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE(4STORIES) - (1) Conservative but Playboy Boss {Completed}
Fanfiction"Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn't it unfair to have double standards when there's equality of the sexes now? Si Kathy ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has lo...