Prologue

66 3 1
                                    

Kea's POV

Ayoko na... Grabe na...

Bakit mo nagawa sakin to??

Akala ko ba sabay tayong lalaban??

Napaniwala mo ko...

'Di ako makalabas ng kwarto ko dahil nahihiya akong makita nila kong pagangpaga na ang mga mata. 'Di ako makaramdam ng gutom. Sobrang nasaktan talaga ako sa ginawa niya.

Dapat pala nakinig na lang ako sa mga magulang ko...

Biglaang pag-alis pa talaga ah...

Sana lang talaga hindi na kita makita...

Dapat sinabi mo lang man sakin kung bakit..

Bakit mo ko iniwan??

Iwanan ba talaga sa ere??

Grabe ka.

May time nga na gusto ko na igive-up yung relasyon natin pero dahil panapakita mo sakin na deserve mo yung pagmamahal ko, pinagbigyan kita.

Lumaban din ako. Pero ikaw pa pala tong bibigay agad.

WOW!

Naiyak ulit ako..

Sumisikip ang pakiramdam ko..

"Kea anak! Tama na yan! Lumabas ka na dyan please! Ilang araw ka nang hindi kumakain ng maayos, magkakasakit ka na nyan!" sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

'Di ko alam ang gagawin ko...

Lalabas ba ko o hindi?

Hayup ka talagang lalake ka. Tingnan mo ginawa mo saakin.

Isusumpa talaga kita...

Lumabas na lang ako at nakita ko agad si mama.

"Anak.." mahinang sabi ni mama sabay ng pagyakap niya sa akin.

"Ma.." napapaiyak na sabi ko

At naiyak na nga ako

Kinuwento ko sa kanya lahat, lahat-lahat at sadya naman siyang nagalit ng sobra.

"Kakalimutan na kita. Kakalimutan ko na laht ng bagay na may kaugnayan sayo. Lahat..." mahinang bulong ko na may kasamang panggigigil.

Ayoko na.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now