Chapter Twelve:

9 3 0
                                    

Kris' POV

Akala ko makakausap ko siya ngayon. Akala ko maayos na ang lahat. Pero wala, hindi siya pumasok.

I understand kung hindi siya pumasok ngayon. Siguro malaki talaga yung kasalanan ko sa kanya, siguro nasaktan ko siya ng sobra sa mga sinabi ko, at siguro gusto niya na akong patayin ngayon.

Pero sana sabihin niya sa akin kung ano nga ba talagang nagawa ko sa kanya para naman I can fix it on my own way.

Simula nung wala na akong maalala pinakilala lahat sa akin ng mga dapat kong kilalanin pero bakit hindi ko siya kilala?? Bakit hindi siya sa akin ipinakilala??

Parte ba siya ng buhay ko? O isang babae lang siya sa buhay ko?

"Argh.."

'Umatake nanaman ang pananakit ng ulo ko baka sa pag-iisip ko masyado..'

Kinuha ko yung gamot ko at ininom ito. Bumalik na ulit ako sa pagtatrabaho..

Kea's POV

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mata at isang malaking ilaw ang bumungad sa aking pagmulat, inilibot ko ang aking mata sa paligid.. puting puti ang lugar na ito.

'Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako?'

"Are you awake?" Tinig ng isang lalake.

Hindi ko ito sinagot at agad akong bumangon sa aking pagkakahiga..

'Nasaan ako?'

"Ok ka na ba?"

Nilingon ko kung sino ang nagsasalita at isang lalake ang nakita ko..

(0_0)

"Sino ka?! nasaan ako?! Bakit ako nandito?!"

He chuckled.

"Don't worry miss, I just saw you there na walang malay and naisipan kong tulungan ka."

'Oo nga pala.'

"N-nasan tayo?!"

"In my house?"

"B-bakit hindi sa o-ospital?!"

"Don't be scared miss. I'm a good person, plus I'm a doctor. At dahil hinimatay ka lang naman, dito na lang kita dinala sa bahay ko."

'I'm speechless'

"Here. Kumain ka. Malamig sa labas, kailangan mainitan ang sikmura mo." Sabay abot sa akin ng mainit na soup.

Tinitigan ko lang 'to. Wala akong balak kumain...

"Hayss. I repeat, I'm a good person. Hindi ako naglalagay ng lason sa pagkain ng iba kaya kumain ka na baka himatayin ka ulit dyan."

"Pano ko kakainin 'to eh hindi ko pa nga alam ang pangalan mo.."

"Oh I forgot! I'm Kent Ruze and you?" Sabay abot ng kamay niya. Pero hindi ako nakipag shake hands.

'Kent?'

"I'm Kealene Kim."

"Ahh. Sige na kumain ka na sayang naman ganda mo kapag hinimatay ka pa."

(O_O)

"Excuse me?"

"Nevermind."

I started eating at ang sarap ng soup na 'to. I like it.

"Anong trabaho mo?" Tanong niya.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now