Chapter Three:

20 2 0
                                    

Kea's POV

*GOOD MORNING*

For the first time and forever ngayon lang ako nagising ng maaga so ginawa ko na yung mga things to do ko.

Naligo, nagtoothbrush, nagbihis, kumain, nag-ayos ng mukha and last, I have to go na.

Inayos ko na yung gamit ko... It's already 8:00am in the morning at 8:30 pa ang pasok ko sa office.

Lumabas na ko at syempre I will lock the door... Locked.

Lumingon na ko sa direksyon ng elevator a-at....

(*_*)

Nakita ko siya, nakita ko siyang naglalock na door. 

'Bakit siya nandito?'

Nakita ko na naman siya at naiinis na naman ako.. buset.

Don't tell me..... No way!

Napatingin siya sakin at ang nakakainis pa dun hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.. bakit??

Nginitian ko siya...

Teka!! Bakit ko ginawa yung katarantaduhang yun?!?!

Mabilis akong tumakbo papunta sa elevator... at sumabay pa siya!

Lintek talaga! Bakit ka sumabay?!?! Baka mapatay kita dito!

Teka nga! Bakit niya nga pala ko nginitian??? 

Nakalimutan niya na ba yung past namin?? What I mean is hindi ba siya nakakaramdam ng awkwardness between us?? O baka naman totally moved-on na siya, palibhasa ginusto niya yun... pero kahit na eh. Yung paraan ng pagngiti niya ay parang walang kahiyahiya sa katawan! Yung pagngiti niya parang close na close kami at walang problema!

"Hello miss." nakangiting bati niya.

Wait, what?!?! Does he called me 'miss'?? Hindi niya ba ko kilala?!?!

Baka naman kasi naisip niyang awkward kung tatawagin niya ko sa pangalan ko.. baka nga

"By the way miss, you accidentally fell your card." sabi niya habang inaabot yung card ko.

Kinuha ko sakanya na sobra naman akong ilang na ilang...

"T-thanks." nahihiyang sabi ko.

"Uhhmmm, miss you're also working at Daily News right?" pagtatanong niya.

Paano niya nalaman??

Tumango na lang ako...

"Oh, I see. Can I give you a ride?" pag-aaya niya.

No way!

"I have my own car naman kaya thanks na lang." mataray na sagot ko.

*TING*

Bumukas na ang elevator..

"So, See you later?" pagpapaalam niya.

Kahit 'wag na -_-

Lumabas na ko at lumabas na din siya... pumunta na ko sa kotse ko.

DRIVE...DRIVE...DRIVE...

Habang nagdadrive ako, napaisip ako bigla. Bakit? Bakit niya ginawa lahat yun? Napakadaming katanungan sa utak ko isang malaking 'BAKIT?'

Bigla akong bumalik sa wisyo, tumingin ako sa paligid at sa dinadaanan ko at napansin ko na... lumagpas na ko sa building ng office ko sa sobrang katuligan ko.

"HAAAAYYYY!!!!" sigaw ko.

Mabilis naman akong nag u-turn at mabilis na nagmaneho.

Lutang akong pumasok sa office... nag-iintay na magbukas ang elevator ng may biglang bumatok sa akin.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now