Chapter Thirteen:

11 2 0
                                    

Kea's POV

Kahit na umaga na ay antok na antok pa din ako.. paano ba naman ay hindi ako nakatulog dahil sa tinawag sakin ni Kent.

'Lene daw.'

Si KintKint lang talaga ang tumatawag sa akin ng ganun.. si KintKint yung kapit bahay namin dati dito pero umalis na sila at pumunta na sila sa America.

Ang ipinagtataka ko bakit naisip niyang tawagin ako ng ganun? Argh! Gulong gulo na ako.. kailangan ko siyang makausap.

"Kea! Gising ka na ba?? Bumaba ka na rito at kakain na tayo!" Sigaw ni mama mula sa baba.

Bumangon na ako at nagtoothbrush at naghilamos pagkatapos ay bumaba na din.

"Goodmorning Ma!"

"Goodmorning din Kea, umupo ka na dun at kukunin ko lang yung kanin."

"Ako na ma."

"Sigurado ka?"

"Oo naman ma, para yun lang eh."

"O sige ikaw na bahala dyan ah tawagin ko lang yung malupet mong kuya."

Tumango na lang ako at umakyat na si mama sa taas para tawagin si kuya... may kuya nga pala ako, siya si Jake Adrian Kim siya ang kuya Adi ko pero 'Adi'na lang ang tawag ko sa kanya nawala na yung galang ko sa kanya eh hahahaha...

A/N: TINGNAN NIYO YUNG PIC SA MEDIA SIYA SI KUYA HEHEHE.

Nagpatuloy na ako sa paghahain at bumaba na din silang dalawa... kitang kita sa mukha ni Adi na nagagalit siya kasi ginising na siya agad. Puyat kasi yan eh gabi na lagi siyang nakakauwi.

"Goodmorning sa pinakapoging kuya kong si Adiiii!!!" Masayang asar ko.

"Manahimik ka dyan." Mataray na sagot niya.

"Suuuus!! Binati na nga kita eh! Dahil dyan ililibre mo ko!"

"Utot mo."

"Utot mo din!"

"Oyyy oy oy ang ingay niyong dalawa baka gusto niyong pag-umpugin ko kayo?!" Pag-awat ni mama.

"Whatever ma." Ani Adi.

"Hoy wag mo kong mawhat whatever dyan ah!"

"Ma eazy eazy.. kain na tayo." Awat ko kay mama.

Umupo na si mama at kumain na din kami.

"Adi ano oras duty mo??" Tanong ko.

"7:00pm. Bakit?"

"Wala lang.."

Kumain na ulit kami at tinapos na din ito.

"Ikaw ba't nandito ka? Diba may trabaho ka?" Tanong ni Adi.

"Namiss ko kasi kayo kaya nagleave muna ako."

"Tsss. Is that already reasonable? You can't leave just because you're missing us. Having a serious job is important Kea, especially your job. Your job needs a serious worker. Kaya kung tinatamad ka na tigilan mo na yan."

(-_-) Ayan na si Dr. Kim. Ang dami na agad nasabi.

"Adi ang lupet mo talaga.. ang dami mo na agad nasabi sa sinabi ko. Namimiss ko lang naman si mama eh tyaka don't worry si mama lang naman namimiss ko kaya wag ka ng ma GG dyan."

"Seriously Kea?!"

"Adi bakla ka ba?! May pa english english ka pa dyan eh! Hoy pinoy ka lang din!"

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now