Kea's POV
This Ginger Tea, nananadya ba talaga ang tadhana na ipaalala sa akin ang mga bagay na hindi na mauulit muli.
Pati ba naman mabait na nanay niya ipapaalala mo sakin. Ayoko man inumin 'to pero kailangan.
Kung hindi lang ako sinisipon hindi ko talaga 'to iinumin at aalis agad ako dito, napakaduga naman kasi bakit ako lang yung nagdudusa sa mga alaala namin tapos siya nakalimutan lang sa isang iglap. Nagka amnesia nga ba siya?
"Kea?" putol niya sa pag-iisip ko.
"Bakit?"
"Sorry kanina kung nasigawan kita sa maraming tao, stress lang talaga ako nung mga oras na yun."
"Hindi ka dapat nangdadamay ng ibang tao."
"Actually nung nakita kita nagulat lang naman ako kasi pano kung magkasakit ka?"
"I know, as I said, kaya ko ang sarili ko kung magkasakit man ako."
"Fine... and I'm sorry ulit."
'Dito lang kita mapapatawad pero hindi pa din sa pag-iwan mo sakin.'
"Bakit ka ba na stressed? May problema ka ba?"
'Para di naman awkward ang atmosphere dito.'
"I don't know kung dapat kung sabihin 'to sayo.."
"It's ok. Wag mo na lang sabihin, personal matter pala yan."
"No, it's ok. Siguro kailangan din ako magsabi para mabawasa ang lungkot sa loob ko."
"Ok?"
"It's about me and Nica."
'Dapat pala hindi ko na tinanong.'
"What about you?"
"Nagalit siya sa akin."
'Ano problema nun?'
"Bakit daw?"
"Ayaw niya kasi ako pasamahin dito."
"Alam niya namang ito ang trabaho mo diba?"
"Yes."
" O eh bakit siya nagagalit? Baka hindi niya alam na dito ka kumukuha ng pangdate niyo?!"
"Galit ka ba?"
"Hindi, nainis lang. Itanong mo kasi sa kanya bakit ba ayaw ka niya ipasama dito."
"Sabi niya ba ka daw kasi magkasakit ako kung pupunta ako dito."
"Jusmiyo! Ano ka gintong baby?! Ang babaw naman niya!"
"Hahahaha... easy lang, I know ang babaw pero I know na hindi lang yun yung dahilan niya."
YOU ARE READING
I'm Still Into You
Teen FictionNagmamahalan na nagkahiwalay at nagkita muli. Maari pa kayang mabalik ang dating pag-iibigan o dapat na lang magkalimutan? OCTOBER, 2016