Chapter Four:

14 2 0
                                    

*KINABUKASAN*

Kea's POV

(TING!! TING!! TING!!) Alarm yan *3*

Pilit kong inabot ang maingay na alarm ko at pinatay ito...

Pagkamulat na pagkamulat ng aking mga dalawang mata, naalala ko bigla yung mga nangyari kahapon at nabadtrip na naman ako!

Kasi naman eh! Kakaltukan ko na talaga siya.

Bumangon na ako at ginawa ang dapat gawin. Nung matapos na 'ko at lalabas na ko ng unit ko , kinabahan ako bigla...

'Baka makita ko na naman siya.'

Sumilip muna ako sa labas at WALA.

So gumora na 'ko at paglabas ko ang lamig na sa labas, palibhasa'y tag-ulan. Naalala ko bigla yung project namin, kinakabahan ako...

At mas lalo akong kinabahan nang maalala ko kung sinong kagroup ko...

Ano kayang position niya??

Ano na lang kayang mangyayari??

HAAYY!! Basta ako magrereport lang bahala na sila!

(DRIVE... DRIVE... DRIVE...)

Nandito na 'ko sa office at walang ganang pumasok sa elevator at pinindot ang 10th floor...

Bakit kasi sobra ko siyang minahal? Yung tipong gusto ko ng igive-up yung kung anong meron kami dati pero dahil ipinakita niya sakin na deserve niya yung pagmamahal ko, tinuloy ko. Minahal ko siya kahit sobrang daming harang saming dalawa ipinaglaban ko siya sa magulang ko, pinatunayan ko sa parents ko na siya ang karapat-dapat sa akin, hanggang nasa papayag ko sila. Pero biglang nagbago lahat...

*TING*

Lumabas ako ng elevator at walang ganang naglakad papunta sa table ko at nangalumbaba.

"Kea!" tawag sakin ni Bea.

"Mmm?" tanong ko.

"Meeting daw per group, tara?" pag-aaya niya.

Naisip ko bigla si Kris...

Magkagroup kami. Anong gagawin ko?? Kakalma na lang ako..

"Sige. Tara." pagpayag ko.

Pumasok kami sa canteen at natanaw ko sila Kris na kumakaway.

Lumapit kami sa kanila at umupo na din...

"So, hello everyone! Since we are already complete, we will introduce ourselves.Okay?" sabi niya. "I'm John Sen Madrigal, camera operator." pagpapakilala niya.

"I'm Jenny Pary, news presenter." matipid na sabi niya.

"I'm Kris Lee Park, script writer." Kris.

AHHH! Scriptwriter pala siyaaaa

"I'm Niko Luis Salor, camera operator too." Niko.

"I'm Kealene Ann Kim, news presenter too." pagpapakilala ko.

"I'm Bea Layn Choi, scriptwriter too." Bea.

Nagpakilala na kaming lahat at sinabi na yung possible schedule ng project namin at sa next monday na yun kasi sa Tuesday na papasok yung bagyo kaya kailangan Monday nandun na kami...

"Ok team mates, that's all for today. I will inform you na lang kapag my update sa project natin." ani John.

At nagpaalam na kami sa isa't isa...

Walang gana naman akong tumayo sa kinauupuan ko at tumalikod para lumakad papunta sa table ko...

"Kealene!" nang may biglang tumawag sa akin..

Humarap ako dun sa tumawag sakin at 'di nga ako nagkamali siya nga...

Teka, bakit niya ko tinawag?

Loko-loko talaga tong lalakeng 'to!

Lumapit siya sakin at sinabi muli ang pangalan ko

"Kealene.." tawag niya.

Nagulat ako sa tinawag niya sakin bakit??

"Kealene?" sobrang hinang bulong ko.

(FLASHBACK)

"Kea?" tawag ni Kris.

"Mmm?"

"Siguro dapat ko ng baguhin yung tawag ko sayo..." ani Kris.

"Huh? Eh ano? Ayoko ng buong pangala ko ah masyado kasing mahaba." sabi ko.

"Kay, Kay na lang ang itatawag ko sayo.." sabi niya

"Pfftt! Sobrang haba naman yata niyan hahaha!" natatawang sabi ko.

"Kasi ang dami ng tumatawag sayo ng 'Kea' kaya dapat iba tawag ko sayo para special." ani niya

(^_^)

"Hahaha! Sige na nga!" kinikilig na sabi ko.

"Kay, I love you!" sabi niya.

"Hahahaha!" tawa naming dalawa.

(END OF FLASHBACK)

"Kealene, are you okay??" sabi niya habang iwinawagaygay ang kamay niya sa harap ng mukha ko. 'Di ko napansin natulala pala ako.

"Kealene?" tawag niya pa ulit.

Napatingin ako sa kanya.

"B-bakit??" nauutal na tanong ko.

"Uhhhmmm, actually we are partners. So If you have time, can we have lunch later?" ani niya.

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Ganun na lang ba yung kadali? 'Wag mo naman akong pahirapan ng ganito... Paano niya nasasabi yung mga ganung bagay ng walang kahiya-hiya at pagka-irita? Iba ka talaga. Naiiyak ako sa mga sinasabi niya ngayon... Pero bakit ba ako apektado?? Eh nakapag moved-on na ko diba??

"Kealene??" nagising ako sa reality nung inuga niya ko. Hinawakan niya ko?

"Ehh??" ako.

"Ano payag ka ba?" tanong niya.

"Ahh s-sure p-payag ako." sabi ko

(RING... RING... RING...)

May tumatawag sa kanya (-_-)

"Uhm, I have to answer this call, let's meet na lang mamaya, 11:30 dito. Okay?"

"Yes." sagot ko

At tumalikod na siya..

"Babe??" rinig kong sabi niya.

Babe?? So may gf na pala siya. Hindi naman nakapagtataka yun mabait naman siya, matalino, mayaman, at gwapo.

Teka nga!! Ano bang pakielam ko sa kanila??

Makaalis na nga! Leshe!


I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now