Makalipas ang tatlong taon...
Kris' POV
She's very familiar, like magkakilala na kami.
Nandito ako ngayon sa mall kasama ang pinakamamahal kong babae.
Nandito kami sa ladies' wear and I saw a very familiar girl awhile ago.
'Di ko alam kung saan at kailan pero pakiramdam ko nakita ko na talaga siya dati.
"Kris!" tawag sakin ni Nika.
"Babe?" tanong ko.
"Do you think this dress fits me well??" She raised a very cute and simple dress.
"Of course Nika, everything fits you well." sabi ko.
"Ughhh. So sweet mo talaga, btw i'll pay this na muna" ani niya
Then she went to the cashier to pay the dress and finally..
She's here.
"Let's go na babe?" pag-aaya niya
Naiuwi ko na siya. Now i'm driving home to my unit and still I can't stop thinking of the girl who I saw awhile ago. It really bothers me.
Kea's POV
SHET.. SHET.. SHET..
"Hoy Kea malelate ka na naman!" sigaw ng aming dragona sa bahay este si mama pala hihihi.
Hindi na ako naligo. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush para hindi ako malate.
"Pagong ka talaga Kea! Ayan tuloy hindi ka na nakakakain ng breakfast!"
Hindi ko na lang siya pinansin.
"Sige na ma! Alis na ko!" pagpapaalam ko.
Tumakbo na ko palabas... At napakamalas ko naman talaga nakalimutan ko pa yung susi ko sa taas.
HAAAYYY!!!
Agad akong tumakbo papunta sa bahay...
"O! Bakit bumalik ka?! Hay talaga Kea 'di ka pa din nagbabago!" sigaw niya ulit
'Di ko na lang siya ulit pinansin at umakyat...
Kinuha ko na.
"Wala na Kea late ka na!" sigaw nanaman niya
- _-
Sanay na sanay na ko...
Nandito na ko sa office at dali-daling tumakbo papunta sa elevator. Kahit masikip titiisin ko, kakayanin ko wag lang malate.
At Aba! Walanya naman talaga! May Humabol pang kamay!
Bumukas ang elevator at....
Bumagal ang ikot ng mundo ko...
B-bakit dito pa??
Walangya naman K-kris!
Anong gagawin ko??
Baka makita niya ko dahil masikip na at halos magkadikit lang kami.
Medyo tinakpan ko na lang ng mahaba kong buhok ang mukha ko.
Siguro naman hindi niya na ko mapapansin dito.
Gusto ko siyang kaltukan, sigawan, suntukin, at tanungin...
Pero hindi pwede..
Siguro kung wala lang akong pinag-aralan napatay ko na to!
Pero bakit siya nandito??
Anong ginagawa niya dito??
'Wag niyong sabihin na dito din siya nagtatrabaho!
No way! Hindi pwede!
Pero bakit nga siya nandito??
Gusto ko siyang tanungin pero.. hindi pwede.
Pero kung dito siya nagtatrabaho, sana naman hindi ko siya makikita lagi. Mahirap na baka mapatay ko pa yan.
*TING*
Finally, bumukas na ang elevator at dali dali akong lumabas.
Kris' POV
Pagpasok ko ng elevator may isang gulat na mukha ang sumalubong sakin.
Anong ginawa ko?? Dahil ba sa paghahabol ko dito?? Sorry na, malelate na kasi ako eh.
Pero pamilyar yung babaeng yun ah...
Siya nga! Siya nga! Siya yung babaeng nakita ko sa mall.
But, why is she covering her face with her hair??
She's kinda wierd...
Pero iba talaga yung pakiramdam ko sa kanya eh.. Kakaiba, hindi normal.
Sino ka ba talaga sa buhay ko??
Who are you????
YOU ARE READING
I'm Still Into You
Teen FictionNagmamahalan na nagkahiwalay at nagkita muli. Maari pa kayang mabalik ang dating pag-iibigan o dapat na lang magkalimutan? OCTOBER, 2016