Chapter Eight:

8 2 0
                                    

Kea's POV

Hindi ako makapagsalita, feeling ko nagfaflashback lahat sakin yung mga panahong nandito kami.

Alam kong nakatingin sakin si Lizzie, pero hindi ko na lang siya tiningnan kasi baka may itanong pa.

Tiningnan ko ang paligid. Meron na silang binago. Siguro binago na nila yung mga pwesto na ibang displays dito, napatingala ako. Meron pa kasing second floor 'to at dun kami nagdedate dati yung tipong napakaromantic sa taas, romantic din naman dito sa baba pero mas romantic sa taas, ang alam ko recommended yung mga tables sa taas para sa mga couples. Ang itsura kasi dun ay yung mga tables ay malalaki ang space kaya hindi nagsisiksikan tapos dalawa lang yung chairs per table tapos merong mga table dun na sagad sa window kung saan sa window na yun ay napakaganda ng view, meron namang table sa labas yung parang verada kaya sobrang sweet. Napakasarap ng hangin dun at ang ganda ng view, pero isa lang ang table dun for special customers kasi yun eh at doon ang unang date namin, doon niya ko tinanong kung pwede niya ba 'kong maging girlfriend.

(>_<)

Ayan na naalala ko na naman. Huhuhuhu T_T

Nagtingin tingin pa ko sa paligid at naagaw naman ang atensyon ko sa nagbukas na entrance door, napatingin ako duon at....

'Kris'

I don't know what to do. Gusto kong magwalk-out pero baka magtaka lang 'tong lukaret kong kaibigan. Ramdam ko ang pagbabago ng ekspresyon ko, napapakunot, nalulungkot na mukha, naiinis na mukha, parang baliw lang.

(T_T)

"Uy Kea! Nandyan na yung inorder natin!" tawag naman ni Lizzie na nakapagpagising sakin. Kinuha ko ang mga pagkain at inayos yun ng biglang...

"Kea?! Is that you??" tinawag niya ako at gulat naman akong napatingin sa kanya. "Ikaw nga! It was nice meeting you here." sabi niya pa. "Your friend?" sabay tingin niya kay Lizzie.

Yung totoo?! Pati ba naman siya ay kakalimutan mo?!

Hindi ako makapagasalita sa gulat...

"A-ahh yes! I'm her friend! I'm sorry, Kea can't speak 'cause she have a soar troath right now!" pagsisinungaling ni Lizzie kaya naman tiningnan ko siya ng masama.

"Oh, really?? Get well soon Kea. Your voice is important to our job, so please take care of yourself." sabi niya sa akin. Tinanguhan ko na lang siya.

"So see you next time? We have to eat pa kasi eh, baka magutom 'tong baby ko hehehe." ani niya

"Babe, you're making me shy naman eh." sabi ni Nika

(>_<)WTF?!

(FLASHBACK)

Kasalukuyan kaming nandito sa field ng school nagbaon si Kris nang napakaraming foods.

"Kay, kumain ka na. Ayokong nagugutom ang baby ko."

"Eto na po pero isubo mo muna 'to." sabay kuha ko ng sushi. "Aaahhhh" tila sinusubo ko sa kanya. At kinain naman niya ito tapos kumain na din ako.

"Kris."

"Mmm??"

"Ako lang ang baby mo aah."

"Oo naman."

"Promise?"

"Promise." sabi niya sabay halik sa noo ko.

(END OF FLASHBACK)

(T_T) HUHUHU

"Huy babae gising!" tinapik ako ni Lizzie sa balikat at nagising naman ako sa realidad. Tiningnan ko siya..

"Kuuppss.." naiiyak na sabi ko.

"Hayaan mo sila, okay?! 'Wag mo na lang pansinin! Inaasar ka lang nun kasi alam nilang 'di ka pa nakakapag move-on!" pagkasabi niya nun tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko. "Teka nga! Speaking of moveon, Akala ko na nakapag moved-on ka na?! Ha?!" tanong niyang napaisip din ako.

"Yun na nga eh.. doon ako naguguluhan. Ang alam ko nakapag moved-on na 'ko, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?? Feeling ko hindi ko kayang kalimutan lahat yun.." nangingiyak ngiyak na sabi ko.

"Naku! Ang lakas ng trip niyan ni Kris ah!" sabi niya. "Kailangan maayos yan.." dagdag niya pa. "Tapusin muna natin 'tong pagkain natin, tapos pag-uusapan natin yan mamaya." tinanguhan ko na lang siya. Tinapos na namin ang pagkain. "Ano tara na? Dun muna tayo sa malapit sa bay tumambay?" tanong niya.

"Sige.."

"Bayaran ko lang yung kinain natin. Wait for me." tinawag niya ang waiter at binayaran. Lumabas na kami at pumasok bigla si Lizzie sa isang convinence store at pagbalik niya may dala ng hot choco drink. "Ano tara?" yaya niya. Tapos umupo na kami sa bench kung saan nakaharap sa bay. "Tell me everything." sabi niya.

*SNIFF* singhot ko.

At sinabi ko na ang saluobin ko at napag-usapan din namin yung tungkol sa pagtanong ni Kris ng pangalan niya ang sabi pa niya baka daw may amnesia.

Tssss..

Ayokong paniwalaan. Mahirap umasa.
Napag-usapan din namin ang girlfriend ni Kris at sinabi ko sa kanya kung sino yun at gulat na gulat siya..

Pero napaisip talaga ako dun sa sinabi ni Lizzie pero paano mangyayari yun eh yung time na tinext niya 'kong makikipaghiwalay na daw siya ay ayos pa siya pero bakit ganun??

Ang gulo! Naguguluhanna talaga ako!

Pagkatos naming mag-usap ay hinatid niya na ako sa office at umuwi na din.

Pagkauwi ko, dumeretso agad ako sa kwarto at ibinagsak ang katawan ko sa kama at tumingala sa kisame.

'Gulong gulo na 'ko ipaliwanag mo naman sa akin lahat Kris'

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now