Kea's POV
Nandito ngayon sa office at ginawa ang mga lagi kong ginagawa dito at banas na banas na ako sa buhay ko lalo na dito sa pinapasukan kong office. Parang gusto ko na tumigil dito sa trabaho ko...
Pero pangarap ko ito kaya go lang..
Kahit hirap na hirap na akong makita ang mukha niya araw-araw...
Kakayanin ko para sa pangarap ko.. haaayyyyss!
Dalawang araw na lang at pupunta na kami dun sa assigned place namin.. iniisip ko pa kung anong gagawin ko lalo na't kagroup ko siya at siya pa ang partner ko...
"Kea.."
'Speaking of the devil' -_-
"Bakit?"
"Can we have dinner later?"
'Tatag mo aah?!'
"About work?"
"No."
"Then, about what?"
"Personal."
'What the heck is it?!'
"O-okay.."
"I will wait you at the lobby. That's all, thanks."
At tuluyan na siyang umalis.
Ano naman kayang sasabihin nun?!
Ipapamukha niya ba sakin ulit?!
Gosh! Subukan niya lang! Papatayin ko na siya!
Hindi na ako mapakali kaya naman tinawagan ko si Lizzie..
(RING RING RING RING)
"Hello?"
"Liz.."
"O?"
"Niyaya ako ni Kris ng dinner-"
"Magddate kayo?!"
"Gaga! May sasabihin lang daw siya."
"O? Bakit ka kinakabahan diyan?! Trabaho lang naman yan!"
"Tangek hindi! Personal daw eeehh!"
"Omy! Baka sasabihin niya sayo na 'Kea narealize ko mahal pala talaga kitaaa' baka ganun!"
"Ang lakas mo mang-asar ah!"
"Baliw! Hindi asar yun 'no!"
"Aba subukan niya lang! Ibubuhos ko sa kanya yung buong pitcher dun na puno ng tubig!"
"Hayss wag assuming!"
"Tse! Wala kang kwenta kausap! Ibaba ko na 'to! Wala ka namang maitutlong!"
"Hoy! Joke lang!"
"Ewan ko sayo!"
"Sus. Eto naman... Anong gagawin mo mamaya?"
"Ewan ko. Bahala na."
"Basta kalma ka lang wag kang maiilang sa kanya para alam niyang ok na ok ka na!"
"Sige.. try ko."
"Anong try?! Gawin mo!"
"Eh mahirap din kaya yun!"
"Kaya mo yan!"
"Sige na bye na nga! Work pa ko!"
"Sige bye! Fighting!"
YOU ARE READING
I'm Still Into You
Teen FictionNagmamahalan na nagkahiwalay at nagkita muli. Maari pa kayang mabalik ang dating pag-iibigan o dapat na lang magkalimutan? OCTOBER, 2016