Kea's POV
Nakakagulat as in gulat na gulat... imagine ilang years kaming hindi nagkita tapos bigla kaming magkikita ng ganun ganun na lang.
Talagang sa elevator na masikip ko pa siya makikita.
Nakita kong may suot siyang I.D at dito nga siya nagtatrabaho.
'Di talaga ako makapaniwala, biglaan ang pagdating.
Nakakainis lang, bakit dumating ka pa?
Sana naman hindi kita lagi makikita dito sa office.
Naglakad nako papunta sa table ko at umupo.
(RING! RING! RING!)
Nagring yung phone ko... si Lizzie pala
"Hello?" sagot ko.
"Kupppss kita tayo mamaya after ng work mo! Miss na miss na kita eh!" pacute na sagot niya.
"Nasa Manila ka na ba?" tanong ko.
"Common Sense naman kups! Mag-aaya ba ko kung nasa France pa din ako??" sagot niya.
"Malay mo sumunod ako, hahaha!" pang-aasar ko. "Sige, sa rooftop ulit ng condo, dala ka foods aaahh" dagdag ko pa.
"Hay nako kahit kailan talaga!" inis na sabi niya.
"Sige na work pa ko." pagpapapaalam ko. Binababa ko na ang phone ko tapos...
T-Tapos dumaan si Kris sa harap ko!
Ano ba yan! Kakasabi ko lang kanina na sana wag kaming magkita eh! Tapos ano to??
Makapagtrabaho na nga...
Lumipas na ang maraming oras.
WORK..WORK..WORK
Uwian na sa wakas!
Tinext ko na si Lizzie na pumunta na at paalis na ko. Inayos ko lang ang konting gamit ko at aalis na din ako. Nagpaalam na ko sa iba kong co-workers. Aalis na ko.
Nandito na ko sa condo at pagpasok ko sa lobby sumalubong agad saakin ang napakahigpit na yakap niya.
"Kupppsss! I really missed you!" paglalambing niya
"Me too kupss, pero parang tumaba ka yata??"sambit ko
"Talagaaa?!!?! Tumaba ako?!?! Kasi naman eh yung mga pagkain dun epal!" sabi niya
"O Sya tara na sa taas!" pag-aaya ko
Bago kami pumunta sa rooftop kumuha muna kami sa unit ko ng mg kakailanganin namin.
"Lizzie." tawag ko sa kanya.
"Whaaatt??" tanong niya
"Ughh, Nevermind!" sagot ko
Gusto kong ikwento sa kanya pero alam kong aasarin lang ako ng mga to at isa pa O.A tong babaeng to.
"Ano nga?!" sigaw niya.
Ayan tuloy mapipilitan akong sabihin... haayysst
"May nakita akong di ko dapat makita..." panimula ko.
"Ano nga yun?! Ayaw mo pang istraight to the point eh!" sigaw niya.
Tingnan mo ang O.A nito. Kaltukan kita diyan eh.
"Eto na!" sinigawan ko din siya. "Nakita ko s-si K-kris." mahinang sabi ko.
"Whaaaattt?!?!" 'di makapaniwalang sagot niya. "When? Where? Why?" dagdag niya pa.
"When? Kaninang umaga. Where? Sa office ko. Why? I really don't know." sagot ko.
"Sa office mo?!?! So it means dun din siya nagtatrabaho??" tanong niya pa.
"Oo.." mahinhin na sabi ko.
"Goooossssshhhh! Meant to be talaga kayo hihihihi!" kinikilig na sabi niya.
(-_-)
" Ano ba! Nakapag moved-on na nga ako eh! Ayan ka na naman!" sigaw ko sakanya. "At tyaka malay mo may gf na yun." dagdag ko pa."So umaasa ka pang mababalik niyo ang dati??" nakangising tanong niya.
Buset talaga to.
"Tangek ka ba? Syempre hindi. Matapos na ginawa niya sakin? No way!" sigaw ko sa kanya.
"Pero malay mo naman diba may dahilan siya kung bakit ka niya iniwan ng ganun ganun na lang." mahinang sabi niya.
"Wala na kong pake. He is just my past nightmare." seryosong sabi ko. "Change topic na nga tayo." sabi ko.
At iniba na nami ang usapan. Pinagkwentuhan namin yung mga ginawa niya sa France at pagkatapos nun umuwi na siya sa kanila. Humiga na ko sa kama kong napakalambot. Dito ako ngayon sa condo unit ko, every monday to friday dito ako kasi malapit lang naman yung office ko dito tapos uuwi na ko tuwing friday night para naman makita ko sila mama.
Bumagon na muna ako. Pumunta ako sa balcony ng unit na to. Tumingala ako sa langit.
'Bakit dumating ka pa?'
Napagisip-isip ko. Ano kayang gagawin ko kapag nakasalubong ko siya?
Bahala na...
YOU ARE READING
I'm Still Into You
Teen FictionNagmamahalan na nagkahiwalay at nagkita muli. Maari pa kayang mabalik ang dating pag-iibigan o dapat na lang magkalimutan? OCTOBER, 2016