Chapter Fifteen:

13 0 0
                                    

Kea's POV

Hanggang ngayon ay bangag pa din ako pano ba naman kasi ay hindi ako pinatulog ng mga sinabi ni kuya Adi tungkol kay Kris.

Buset.

Bukas na pala yung project namin at kailangan kong makapag ipon ng lakas.

Pumasok na ako ngayon dahil kailangan kong malaman ang mga gagawin namin bukas.

"Kea! Pumasok ka din!" Nakakagulat na sulpot ni Bea.

"Ano ba! Bigla bigla ka na lang sumisigaw dyan."

"Hehehe. Punta na tayo sa meeting room sabi ni Niko."

"Tara."

Tumayo na ako at naglakad na kami.

'Nandun si Kris'

Hays, ang awkward nito promise. Di ko na lang siya papansinin. Pansinin ko lang siya kung kinakailangan.

Nandito na kami sa meeting room at umupo na kami ni Bea.

"So, good morning guys!" Panimula ni Kuya John.

"Good morning!" Bati namin.

"Ngayon ko na ieexplain kung ano ang gagawin natin at kung saan tayo naka assign..." itinuon na namin ang pakikinig namin sa kanya. "Sa Borantezo tayo pupunta."

A/N: GAWA GAWA KO LANG PO YUNG LUGAR KASI AYOKO PONG GUMAMIT NG TOTOO KASI PO NEGATIVE PO ANG MAGAGANAP HEHEHE. GETS NIYO?

"Ipanalangin niyo na hindi magiging wild ang bagyong yun sa lugar na yun para hindi tayo mahirapan. Kasi since first time niyong makaranas na ang irereport niyo ay bagyo."

"Ano bang feeling Kuya?" Tanong ni Niko.

"Yung last kasi naming napuntahan ay hindi naman super typhoon kaya madali lang magreport nun."

"Aaahh ok." Niko.

"So.. we will be divided into two groups." Sabi ni Kuya John.

Napaisip kami sa sinabi niya. Ibig sabihin may dalawang group ang magaganap.

"Ako at si Niko ang maglilead ng dalawang grupo."

"Ito ang mga kasama sa grupo ko." Ani niya.

"Jenny Pary, Bea Choi, and me. Kay Niko naman ay sina: Kris Park, Kealene Kim, and Niko Salor."

'Papatayin na talaga ako ng tadhana.'

"Wag kayong mag-alala kasi hindi lang naman tayong anim ang magkakasama dun may mga ipapadala din silang mga nag memedical mission dun."

"Aaaahhh."

'Lord, kayo na po ang bahalang magpakalma sa akin.'

"So, that's it guys. Maghanda na kayo ng dadalhin niyo."

"Ilang araw tayo dun?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Walang sinabi si Boss. Pero damihan niyo na ang dala para incase na matagalan tayo dun."

"Ok."

"That's all for today. Ayusin na natin ang mga dadalhin."

Natapos na kami sa pagmmeeting at hindi ko pa din alam ang magiging reaksyon ko sa naganap na groupings. Nananadya ba talaga ang tadhanang saktan saktan ako?

By the way, napansin ko lang na hindi na ako kinakausap ni Kris. Nakaramdam na siguro.

Tinapos na namin ang pag-aayos ng gamit at dali dali na akong umalias pero bago ako makauwi ay nakatanggap ako ng text galing kay mama na bilhin muna yung mga tinext niya sa akin.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now