Kea's POV
Time check, 3pm. Kakatapos lang namin magtanghlian dahil medyo natagalan din kami sa pagpplano. Kung tatamaan ka nga naman ng kamalasan kateam ko pa si Kris. So ano na lang gagawin namin? Hindi na lang kami magsasalita? Nakakainis talaga.
By the way, inassign kami sa Brgy. Magiliw yun yung lugar na mataas lagi ang baha tuwing may ulan o bagyo man yan. Yung isang team sa evacuation center inassign. Alam kong mahihirapan talaga ako dito dahil this is the first time na bagyo ang irereport ko kasabay pa ng malakas na ulan at hangin. Kinokondisyon ko na ang boses ko dahi bukas na yun, malakas na din kasi ang ulan kaya bukas na kami magrereport.
Hindi ko matawagan sila mama dahil walang signal sa lugar na to at nababadtrip na ako. Nandito ako sa lobby at nagbabakasakaling makasagap ng signal, pero wala talaga. Nilapitan ko yung crew ng hotel itatanong ko na lang.
"Kuya!" Tawag ko at lumingon naman siya kaya nilapitan ko.
"Yes ma'am?"
"Saan ba may signal dito?"
"Ay ma'am wala po talagang signal dito sa lugar na 'to lalo na naulan pa pero po kapag kailangan namin ng signal pumupunta po kami dun sa may coffee shop na yun." Sabay turo niya sa coffee shop na nasa harap ng hotel.
"Ah ganoon ba? Sige kuya salamat!"
"You're welcome po." Sabay alis.
Ang problema, naulan. Pano na? Nasa taas pa yung payong ko at wala ako ngayon sa mood na kunin yun pero kailangan ko ng signal. Hays.
'Alam ko na!'
Hahahaha! I'm so freaking genius. Manghihiram ako dito sa info table. Hehehe.
"Ms., may payong kayo? Pwede mahiram?"
"Ma'am I'm sorry po nandun po kasi sa locker ko eh."
'Hays.'
"Gusto niyo po kunin ko?" Dagdag niya pa.
'Hay nako ate, gustong gusto! Pero alam ko na yang ganyang style eh, para mahiya hiya naman ako diba? Wag na lang teh, nakakahiyaaa.'
"Ay sige na ate wag na lang nakakahiya. Malayo yata yung locker mo."
"Oo nga po eh."
(O_O)
'Ayan natamaan mo din.'
"Sige thanks."
Jusmiyo. Patilain ko na lang yung ulan or kahit humina lang. Baka akalain nun ni mama patay na ako, ang o.a pa naman nun.
After ilang minutes medyo humina na yung ulan kaya go na ituu!
Lumabas na ako at tumakbo papunta sa coffee shop. Yes! Nandito na din. Syempre nakakahiya naman kung makikisagap lang ako ng signal kaya bumili na lang ako ng hot coffee, mema lang. At buti naman man signal na kaso medyo mahina pa din pero keri na to, maka send lang ako ng text o kaya tawag ok na.
Tinawagan ko si mama pero parang aswang naman yung kausap ko sa sobrang choppy kaya tinext ko na lang siya.
Dahil parang wala naman akong napala dito uubusin ko na lang itong kape ko habang malakas pa ang ulan.
Naubos ko na't lahat hindi pa din humihina ang ulan. Dumadami na ang tao kaya parang sinisigawan na ako ng mga titig nila na kailangan ko ng umalis dahil uupo sila. So, no choice sa labas na muna ako.
Sa ilang minutong pag-iintay ko, humina na din ang ulan kahit papaano. Di ko na dapat patagalin 'to mamaya lumakas na naman yung ulan.
Syempre kasama sa buhay natin ang kamalasan dito pa talaga ako sa gitna ng daan inabutan ng malakas na ulan. At dahil basa na din naman ako, hinayaan ko na lang. Ang nakakainis pa ayaw ako padaanin ng mga sasakyan.
YOU ARE READING
I'm Still Into You
Teen FictionNagmamahalan na nagkahiwalay at nagkita muli. Maari pa kayang mabalik ang dating pag-iibigan o dapat na lang magkalimutan? OCTOBER, 2016