Chapter 33 ¤ It's Gonna Be Love ¤

1K 61 10
                                    

Sophia's Point of view

"Saan punta non?" takang tanong ko kay Trixcy, umalis nalang kasi bigla si Jiro.

"Ewan ko nga e, may surprise daw siya." walang gana niya lang sabi, baka ito na 'yung pagtatapos ng pagiging slave niya.

"Ah.." sabi ko nalang at nagkatinginan kaming tatlo ni Joshua at Xander.

"May alam ba kayo?"

"Wala!" deny namin, may alam talaga kami sa mangyayari except Trixcy, 'yung sinasabing surprise ni Jiro sa kanya I'm sure mahihirapan silang dalawa kasi halata namang may gusto sila sa isa't-isa. But Jiro seems unpredictable that we can't read his actions and mind. Kung pwede nga lang siya tanongin eh, kaya lang nakakatakot siya.

Nang dumating si Jiro at sinabi na ang tungkol sa contract nila ay umalis agad ako pumunta sa isang sulok ng garden na malayo sa kanila. Paano ba, nasasaktan ako kasi may kasunduan din kami ni Joshua na pag natapos ang contract nila we're going to stop pretending that we're a real couple. Sila Trixcy at Jiro naman kasi ang dahilan kung bakit ganito kami ni Joshua, this all our plans. Wala na rin akong communication kay Joshua after that. Aish! Mababaliw na yata ako.

Mahal ko na talaga siya, sa kabila ng pagpapanggap namin naging sweet siya, caring, concern and I didn't expect I fall in love with him. "I'm going crazy!" at ginulo-gulo ko ang buhok ko.

"Ilabas mo 'yan." napatingin naman agad ako sa lalaki na sa likod ko.

"Kanina ka pa ba d'yan?" tanong ko sa kanya.

"Oo, sinundan kasi kita, bakit ka nga ba umalis?" napayuko lang ako sa tanong niya, di ko alam kung ano ang sasabihin.

"Wag ka ngang magtanong, gusto kung mapag-isa bakit ba?" sungit ko lang sabi.

"I'm your boyfriend. Should I ask you a permission before I ask you anything else?" napa-angat ako ng tingin sa kanya, ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka seryoso. He's my boyfriend...

"Psh! Correction pretend boyfriend." patawa kong sagot sa kanya. Nawe-weirdohan kasi ako ngayon sa aura niya.

"Sorry," at nagbuntong hininga siya.

"Anyway, I guess this is the time." oo, ito na 'yung time na masasaktan muli ako alam ko naman sasabihin niya e, kailangan na nating tapusin ang pagpapanggap na ito dahil tinapos na rin naman ni Jiro ang contract nila, 'yun lang naman ang dahilan kung bakit tayo nagpapanggap ngayon diba?

Gosh! 'wag niya na sanang ulitin pa ang nasa isip ko.

"Let's stop pretending di ko na kaya." sa sinabi niya parang may tumusok sa puso ko, expected ko naman 'to ah bakit ako nasasaktan?

Huminga lang ako ng malalim "Yeah, we should stop this para balik ulit tayo sa normal, mabuti nga 'yun diba para wala na tayong maraming iniisip." at umiwas ako ng tingin sa kanya.

"You're right." I heard him sighed.

"Sige alis na ako." lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hinwakan ang kamay ko.

"I'm not done yet. Hindi na ako paligoy-ligoy pa." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Gusto kong tapusin ang pagpapanggap natin dahil, ayaw kong manatili sa kasinungalingan ang relasyon na 'to." tiningnan ko siya sa mata. "na ang sweet ko sa'yo, na concern ako sayo, na ayaw kong may mangyaring masama sa'yo at sinasabi sa lahat na mahal kita kahit sa puso ko ay totoo ito, pero para sayo alam kong parte lang 'yun ng kasunduan natin." ang mga sinasabi niya ay ang fahilan ng pagtibok ng puso ko ng mabilis.

"Sophia, I love you, do you feel the same way?" di ko napigilang umiyak kasi ang saya ko dahil sa kabila ng lahat ng 'yun, we secretly love each other pinapalabas lang namin sa sarili namin na parte lang 'yun ng napag-usapan pero ito kami ngayon. I'm glad that we ended up like this.

"Joshua, di mo alam kung gaano ako kasaya sa sinabi mo," at niyakap ko siya ng mahigpit niyakap niya rin naman ako pabalik, "Ang saya ko kasi ang lihim kong minahal ay mahal din pala ako, I love you too Joshua." sinasabi ko ang katagang 'yan habang patuloy sa pag-agos ang luha ko alam kong dahil sa saya 'to.

"Sssh..." kumalas kami sa yakap at hinawakan niya ang pisngi ko sabay na pinunasan ang luha ko. "Mahal na mahal kita Sophia, hinding hindi kita sasaktan dahil paiiyakin lang kita." matutunaw ako sa mga ngiti niya.

"Pinaiyak mo na nga ako e!" asar ko.

"Tahan na nga, you look ugly na." parang bakla niya pang sabi, ang cute niya talaga at ang kulit niya tingnan dito ako mas na in love sa kanya e para siyang labas sa mental.

"Sira! Alam mo bagay sa'yo." pang-asar ko sa kanya at sabay kong tawa.

"Ayan, tumawa kana, gusto ko lagi ka lang nakangiti pag magkasama tayo para colorful 'yung relasyon natin." sira talaga siya.

"Kong gusto mo colorful si crayons nalang mahalin mo." sabay kong pout.

"Aish! Kaasar ka talaga." at sabay kaming tumawa, ang saya ko ngayon sana lagi na'to.

"Sophia,"

"Hmm?" sagot ko nalang at tiningnan ang mga mata niya. Pero ikinagulat ko nang halikan niya agad ako, nakita kong feel niya 'yung paghalik sa'kin nararamdaman ko ang labi niya na sa labi ko, habang ang mata ko nanlaki dahil sa ginawa niya. Dahil sa gulat ay nasampal ko siya.

"Aray! Bakit mo'ko sinampal?" sabay na hinawakan ang pisngi niya na nasampal ko, sorry guys nagulat lang kasi talaga ako.

"Hala, nako Joshua sorry na di ko sinasadya nagulat lang kasi ako e! Masakit ba?" sunod-sunod kong sabi sa kanya habang natataranta baka kasi magalit at bawiin 'yung I love you niya. Baka iiyak na ako sa lungkot at di na sa tuwa.

"Nagulat? Dapat expected mo na 'yun kasi boyfriend mo'ko, aray ang sakit." para siyang bata na iniwan ng mama niya sa gitna ng mall dahil umakto siyang umiiyak.

"Sira ka talaga!" at sinuntok ko siya sa braso ng mahina.

"Aray! Nakalawa ka na ha! Halikan kita ulit dyan e!"

"Sige nga subukan mo!" paghamon ko

"'Wag na baka torturin mo na ako, ako nalang ikiss mo dito sa pisngi," at tinuro ang pisngi niya na kakasampal ko lang kanina. "Ang sakit kasi e, sa tingin ko kiss mo lang mawawala na 'yung sakit, sige na." at talaga nagpuppy eyes pa sya, Aish! Para siyang bata na humihingi ng lollypop.

"Tsk! sige na nga." at lumapit ako sa mukha n'ya para ikiss sana 'yung pisngi niya, pero lumingon siya sa harap ko kaya sa lips niya dumampi ang labi ko. What the.

"Hey!" at sinuntok ko ulit siya pero mahina lang..

"Ayaw mo, sige ibalik ko na lang 'yung kiss mo." aksyon hahalikan niya ako kaya tumakbo na ako. Aaminin kong kinikilig ako ngayon dahil ang taong mahal ko ay mahal din ako. Kung ganito kami lagi ni Joshua ay di ako magsasawang mahalin siya habang buhay. 

Bumped Into An Arrogant Gangster [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon