Trixcy's Point of view
Tahimik lang kami sa buong byahe nagalit kasi daw si boss Jiro nila, ewan bakit kaya nagalit siya kanina? Sabagay lagi naman 'yang galit eh nakita ko lang siyang ngumiti no'ng time na kinomfort niya ako ay ewan ko ba nakakalito minsan 'yung ugali niya, in short napaka misteryoso niyang nilalang.
Ang boring ng byahe na ito. Tulog lang ang lahat ako nanatiling gising I keep scrolling my phone , scroll ,scroll, srcoll ugh! Nakakasawa mga mukha ng mga friends ko sa FB lang naman nakikita ko! Tsk! Makatulog na nga lang rin.
Hanggang sa makarating kami sa aming distinasyon.
"Yes! We're here! At last!" nakataas ang kamay ni Xander habang nilalanghap ang hangin medyo mag gagabi narin nang mkarating kami sa tagaytay naabutan pa naminng palubog na araw, ang ganda.
"Guys! Ilagay niyo na sa kanya-kanyang kwarto ang mga gamit niyo!" sabi ni Julio at sabay alis, kanya-kanya na sila ng alis at ako naman pumunta na sa room namin ni Sophia sakto kasi na dalawang tao sa isang kwarto depende sa model na kukunin mo. Nakapag reserve na kasi kami ng mga rooms bago pumunta dito.
Di na naman sumama sa'kin si Sophie for sure nasa boylet niya na naman 'yun, nakakapangtampo na talaga 'yung mga ginagawa niya naging sila lang ni Joshua deadma na ako. Pasalvage ko kaya 'yung Joshua niya para sa'kin na siya sumama ulit, ay haha sorry ang bad ko.
Pagkatapos kong ilagay lahat ng mga gamit ko ay nagpasyal-pasyal muna ako sa paligid ang ganda talaga dito, lumubog na 'yung araw at nakakaatract sa mata ang mga street lights dito.
Sa di kalayuan ay may nakita akong lalakeng nakatayo. Uhmm... He looks familiar malapitan nga.
"Why are you here?" ay ganon may mata sa likod ateng? Mga five steps pa nga lang layo ko sa kanya alam niya na na papunta ako sa direction niya.
"Nakita mo agad ako? Hanep ah! Iba talaga ng impact ko sa'yo." Pang-aasar kong sabi sabay tayo sa tabi niya.
"Tanga, nakita ko anino mo." seryoso niya lang sabi, andyan na naman po siya sa tanga na word na yan. Can he be gentle for just a moment.
"Tanga agad? Di ba pwedeng, sa ganda mong 'yan di kita mapapansin agad?" pabiro kong sabi sabay curl-curl ng hair ko na parang nagpapacute sa kanya. Hindi ko siya nilalandi, nang-aasar lang ako. Ewan parang nasanay na rin akong asarin siya kahit minsan nakakatakot siya.
"Tsk! 'Wag ka ngang feeler." at agad ko siyang tiningnan ng masama kahit alam kong di niya ako makikita dahil nakatingin lang siya ng straight sa malayo.
"Di naman ako feeler ah, I'm telling the truth." patawa kong sabi.
"Well, I guess you're a liar." Aba't kung makaliar 'tong dugong na'to tulak ko kaya siya
"Hoy! Hoy! Liar ka dyan!" sabay ko siyang dinuro. Pagkatapos n'on ay isang katahimikan naman ang namumuo sa paligid.
"Uh... Are you mad?" nakayuko kong tanong, tungkol kasi sa pagsigaw niya kanina baka galit siya sa'kin.
"Mad?" nagtataka niyang tanong, o nagkukunwari lang.
"Mad, 'yung English ng putik alam mo 'yun?" sarcastic kong sabi sa kanya. Ang tae kasi rinig naman ako magtatanong pa ulit. Nahahalata ko naman siya na pinipigilan niya lang tumawa. Tiningnan ko siya sa harapan at umiwas naman siya ng tingin.
"Huli ka! Abay, nagpipigil kang tumawa ah." pang-asar ko.
"Tsk! Hindi ako natatawa. Asa your joke is so lame!" Aba ang sungit naman nito, kung maka lame naman.
"Hindi daw, ngiti na'yan seryoso mo eh!" sabay kong pisil sa pisngi niya.
"What the, don't pinch me!" nag-iinarteng sabi niya sabay himas sa pisnging pinisil ko.
BINABASA MO ANG
Bumped Into An Arrogant Gangster [ Book 1 ]
RomanceBook 1 of Nothing's Changed Bumped Into Arrogant Gangster September 2014 started March 2017 Finished Ang babaeng makulit na si Trixcy Monton ay hindi maiintidihan ang ugali. Broken hearted sa papa niya at nahulog ang loob niya sa isang lalakeng mas...