Trixcy Addison Monton's POV
Wala akong nagawa kundi nagpadala sa walang hiyang lalaking 'to. Ikaw ba naman na paniliksikan ng mata hindi kapa ba matatakot?
"Saan ba kasi tayo pupunta ha?" Bagot kong tanong sa kanya. Ilang minuto na kasi kaming naglalakad.
"Here!" Saka niya ako tinulak papasok sa isang men's apparel. Ano naman gagawin ko dito eh mga panlalake lang naman ang damit nandito.
"At ano naman gagawin ko dito? I'd better go." Aalis na sana ako nang hilahin niya ang hibla ng kwelyo ko sa likoran at mas hinila pa papasok.
"Will you stop dragging me!? Kanina mo pa ako hinihila ah!" Inis kong sigaw sa kanya.
"Why would I stop? You messed with me, woman. So, I'll do the same. Buy me a new polo." Saka niya ulit ako hinila at huminto siya para mamili ng damit.
"Huh! As in ako talaga ang magbibili para sa'yo!?" Gulat kong tanong at tumango lang siya. "Excuse me, hindi ka lang pala magnanakaw makapal pa feslak mo. Why would I buy you a new polo? You bumped me first, shokoy!" Singhal ko. "Hell! No way!"
"Yes way! And will you shut your hell mouth?"
"Tsk! Makaalis na nga." I whispered.
"You can't run away from me, not until you pay this." Akmang papasok na siya sa fitting room dala ang damit na napili niya para magbihis nang lingonin niya ako. "Don't dare to escape from me if you don't want me to mess up with you." Napamaang ako nang nakapasok na siya, he's unbelievable! Sumipa naman ako sa hangin nang isara niya ang pinto.
"Asungot na arogante!"
"Hey there, cutie!"
"Ay tikbalang ka!" Letche! Muntik na'kong napatalon nang biglang sumulpot 'tong kasama ng asungot na arogante kanina.
"Kabute ka ba!?"
"Bakit?" Nagtataka niya pang tanong.
"Tingin mo nagpi-pick-up line ako?!" Sarkastiko kong sabi.
"Sinabi ko bang nagpi-pick-up line ka?" Isa pa 'tong pilosopo.
"Sinabi ko bang kausapin mo'ko?" Kainis! Ninakawan na nga ako ng kaibigan niya uubusin pa yata pera ko, dadagdag pa siya!
"Hindi. Anyways good luck sa babayaran mo." Saka niya ako kinindatan.
"Good luck mo mukha mo."
"Sungit naman natin, pakisabi na lang kay Frankie na mauna na ako. Bye. "
"Kahit mamatay kapa wala akong pakialam, umalis kana." Natawa nalang siya sa sinabi ko at umalis na. Weird. Frankie ba pangalan niya? Ang badoy, hahaha!
Nang makaalis na siya ay nakatuon lang ang paningin ko sa fitting room kung saan pumasok d'on ang isang shokoy. Ilang segundo ay lumabas siya mula dito at 'wow!' ano kaya nangyayari sa mata ko at parang may magnet ito na dumikit ng tingin sa kanya. Mas lalo siya'ng gumwapo sa suot niyang three-fourth navy blue botton down shirt. Tanggal parin ang dalawang butones nito. Parang gusto niyang magparape sa lagay na 'yan.
"Hoy bayaran mo na!" Ay tae! At talagang tinulak n'ya pa talaga ako sa may cashier. Walang mudo talaga!
"Talagang kailangang itulak, ha?" Pagtataray ko habang tinitingala siya. Matangkad eh!
"Titig ka kasi ng titig! Kulang nalang tumulo laway mo, kung na'sa palengke ka lang may langaw ng nakapasok diyan sa malaki mong bunganga!" 'Yung paraan ng pananalita niya ay parang nanunukso na, psh! Kapal ng balat ha? "Alam kong pinagpantasyahan ako ng mga babae, pero sorry. Di kita type!" Nagiging wala ng emosyon ang tono ng pananalita niya. Bilis magbago ng mode.
BINABASA MO ANG
Bumped Into An Arrogant Gangster [ Book 1 ]
RomanceBook 1 of Nothing's Changed Bumped Into Arrogant Gangster September 2014 started March 2017 Finished Ang babaeng makulit na si Trixcy Monton ay hindi maiintidihan ang ugali. Broken hearted sa papa niya at nahulog ang loob niya sa isang lalakeng mas...