Chapter 10 ¤ Unexpected Feelings ¤

1.9K 109 29
                                    

Trixcy's POV

"Trixcy my princess, waykie-waykie!" Gising sa akin ni mommy sabay yug-yog ng balikat ko.

"Mommy, inaantok pa ako." Sagot ko sa kanya sabay takip ko ng kumot.

"Baby, may bisita ka." Hindi ugali ni Sophia ang bibisita sa akin ng ganitong oras pag weekend dahil alam niya talagang tulog pa ako. Sino naman kaya 'yun? Wala na akong ibang kilala na close para bisitahin ako, argh!

"It's too early mom, tell him or who's that annoying pokemon that the princess is still sleeping!" Kung maka princess, well I don't care inaantok pa ako sino naman kasing bwesita 'yan nakaka disturbo.

"Baby hindi lang siya kundi sila."

"WHAT?" Napabangon agad ako sa kama ko, "sila? It means marami siya?"

"Hindi marami sila." Na-eexcite na sabi niya.

"What? Gaano ba karami mommy mga isang batalyon ba o isang bar-" di ko na natuloy ang sasabihin dahil binatukan agad ako ni mommy.

"Ow! Mom, tama ba na batukan anak niyo?"

"Trixcy Addison, kung ayaw mong masundan ang batuk nayan ay harapin mo na sila, at mahiya ka naman kasi 10:30 na at magdadalawang oras na silang naghihintay sayo sa baba nandon pa si Sophia." Nag iba ang tuno ng boses ni mommy parang naiinis na nagagalit, pero parehas lang naman 'yon.

"10:30 na pala? Di ko napansin at tsaka si Sophia lang naman 'yun ma eh, hayaan niyo na." Walang gana kong sabi sa kanya at humiga ulit.

"Ewan ko sayo'ng bata ka, hindi lang si Sophia kung'di may iba pa siyang kasama ang natatandaan ko lang ay si Xander at Jiro."

"What the! sila Jiro poh?" Napabangon akong muli sa kama. Naalala ko na may usapan nga pala kami no'ng nakaraang araw na ngayon namin gagawin 'yung challenge kuno. Yes pumayag na ako alam ko namang di nila ako titigilan hangga't di ako pumapayag.

"Ang nakakatampo pa doon ay nililigawan kana pala ni Jiro pero di mo man lang pinaalam sa'kin?" Nagpout pa siya. Teka ano daw? Nililigawan ako ni Jiro, that shokoy? Pfft! That's really impossible!

"Ano nililigawan, at sino naman po'ng multo ang may sabi sa inyo niyan Ma?" Natatawa kong tanong, hindi ko alam ha pero natatawa talaga ako. Iww! I don't like him, sino ba magkakagusto sa isang arogante at masungit na kagaya niya? Tsaka parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya sa sobrang kasungitan.

"Bakit hindi ba?"

"HAHAHA! Can't believe this, bakit ka maniniwala eh kahit ikaw ayawan mo ang lalaking 'yon dahil sa sobrang yabang at sungit. Mom, believe his a jerk and I don't like him."

"Is that so? He's handsome tho." What? "Hurry up and fix yourself they're waiting." Sabi niya nalang at lumabas na.

"C'mon mom!" I shouted.

"Hurry up your suitors are waiting." Sigaw niya mula sa labas. Nakakahiya! Nag-ayos na lamang ako ng sarili para makababa na.

"Waoh! Trixcy tatlong taon kaming naghintay dito ah, akala namin nag gown kana." Bungad sa akin ni Josh nang makababa ako ng hagdan. "Pero 'yan lang pala sout mo?" Patawa niyang sabi, nasanay na ako kay Joshua sa kabila ba naman ng isang linggo naming kakulitan parang naging close ko na rin siya pati na rin sa iba except Jiro, di kami close. Ayoko sa kanya.

"Ouch! naman, bakit Josh may mali ba sa suot ko o sadyang nasilaw ka lang?" Pagbibiro ko, naka maong short lang kasi ako at simple pink t-shirt na may print na NAILED IT! at white sneakers.

"Nah you look simple yet gorgeous!" Nagtawanan naman kami. Ano ba nakakatawa? Wala naman trip lang yata namin.

"Hoy, Sophia!" nilapitan ko na siya "ang tahimik mo yata d'yan?" tanong ko.

Bumped Into An Arrogant Gangster [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon