Chapter 16 ¤ Past ¤

1.4K 92 26
                                    

Trixcy's Point of view


Maya-maya narinig naman akong nagbukas ng pinto, siguro dumating na ang amo. Mabilis ko naman na binalik ang mga pictures sa table at inayos ito ng maigi. Pansin ko naman na may hawak pa pala akong picture ni Thea, bahala na sa akin na muna 'to. Pagkatapos ay mabilis naman ako na lumabas mula sa kwarto niya.

"Are you done?" Tanong ng Loko ehh nagtanong pa kita niya na nga na wala ng kalat eh, walang common sense. Napatakip naman ako sa ilobg nang maamoy kong amoy alak siya. Umiinom pa pala siya.

"Eh, ano ba sa tingin mo ha?" Taray kong sabi ano kaya siya magalit pag lasing?

"Sige alis ka na. Ayoko na sa mukha mo! Chupe!" sabi niya at humiga siya sa sofa.

"Tch! Ganon lang 'yun! Uwi na?" inis kong sabi pinapauwi naman kasi ako agad eh, di man lang magtanong kumain kana? O di kaya mag thank you man lang. Walang pake sa akin. Sabagay lasing naman siya eh.

"Ehh ano ba gusto mo, dito ka nalang sa bahay ko ha? Eh, ang kapal mo ayaw kitang makasama dito no! Kaya uwi ka na di ako tumatanggap ng mga Kulelat na gaya mo." sabi niya habang nakapikit ang mata, loko to.

"Che!! mas feeler ka pa sa akin! Ang ibig kong sabihin. Ganun lang 'yun wala man lang Thank you? Sabagay arogante ka nga pala, di marunong magsalamat.

"Alis ka na nga di kita kailangan!" Sungit talaga! Di daw ako kailangan pero inuutusan naman ako ng wagas!

"Bahala ka na nga sa buhay mo! Kailan ka pa ba mawawala sa mundong 'to? Lasinggero!"


"'Wag kang mag-alala mangyayari na yan, kaya umuwi ka na!" At bumangon siya sa pagkakahiga at kinaladkad ako palabas nang nasa labas na ako ay agad niyang sinara 'yung pinto.

Anyare!? Ang cold niya ngayon, shokoy talaga masungit parin kahit lasing, makaalis na nga at nang naglakad na ako paalis ay may narinig akong mga basag sa bote sa loob ng condo niya. Agad naman akong bumalik sa condominium ni Jiro at pag bukas ko ng pinto. May nakita akong dugo... at may basag na mga gamit niya kaya tiningnan ko ang paligid pero wala si Jiro, ni anino ay di kjo makita nasaan ba siya? Agad naman akong pumunta sa kwarto niya, at nakita ko siyang nakahandusay sa sahig habang may hawak siyang gitara at 'yung photo album na tiningnan ko kanina agad ko naman siyang nilapitan.

"Jiro Hoy! Gumising ka nga! Hoy Ano bang nangyari sa'yo ha, Jiro! Gumising ka nga! 'Wag ka ngang mag biro ng ganyan! Wala parin siyang kibo nakapikit lang siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko basta, nagpapanic na ako na maiiyak. Nang kinuha ko ang gitara ay, may nakita akong pangalan na THEA, at pag tingin ko sa kamay niya, may dugo Anong! Nag suicide siya? Sa takot ko ay agad akong tumawag ng Ambulance.

"Hoy Jiro? Gumising ka nga ano bang hinagawa mo?" Parang maiiyak na talaga ako.

Xander's Point of view

Tinawagan kami ni Trixcy na nasa Hospital si Jiro, agad naman na punta ang buong kasamahan sa Hospital kung saan nakaconfine si Jiro, Pag dating namin d'on ay nadatnan naming nakayuko lang si Trixcy sa sahig sa labas ng operation room.

"Trix what happened?" tanong ko sa kanya, at agad namang napaangat ang ulo niya, tiningnan niya lang kami habang 'yung mata niya namamaga, is she crying?


"I don't know." Naiiyak niyang sabi.


"Anong di mo alam ha! Ikaw ang kasama ni Jiro sa condo niyo but you pretend not to know what really happened?" Tanong ni Alexuise habang nakataas boses siya, concern lang talaga sila kay Jiro.

Bumped Into An Arrogant Gangster [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon