Chapter 34 ¤ Puzzled ¤

1.2K 45 13
                                    

Trixcy's Point of view

Makikita ko kaya si Jiro ngayon? Papansinin niya pa kaya ako, o di kaya susungitan niya ako tapos tatawagin akong lampa at tanga. Common Trix bakit mo pa siya iniisip? Hindi kayo talo!

Hindi nga kami talo pero naaalala ko pa 'yung first hug and first kiss namin alam kong accident lang 'yun pero tulad ko mahirap kalimutan 'yung nangyari, kahit alam kong wala lang sa kanya 'yun. Aish! Trixcy gumising ka!

Para tuloy akong temang dito sa hallway habang naglalakad, papunta kasi ako ngayon sa room kong saan ang first subject ko.

Habang naglalakad ako di ko namamalayan na may pumatid sa'kin. Nawalan ako ng balance kaya natumba ako sa sahig. Holy crap!

"Hoy! Bakit mo'ko pinatid!" sigaw ko dun sa babae at sabay na tumayo. Di niya yata ako narinig dahil nagpatuloy lang siya sa paglalakad na akala mo reyna siya ng hallway ang taray niya maglakad.

"Hoy!" Sigaw ko ulit pero deadma lang "aba't di ka nakikinig ha." bulong ko sa sarili ko at tinaggal ang sapatos ko sabay ito na binato sa kanya. Ang hunter ko talaga tumama talaga sa ulo niya.

Nang tumama 'yun sa ulo niya ay agad siya na lumingon at nilapitan ako. Ang sakit niya sa mata este, tiningnan niya pala ako ng masama, parang kulang nalang papatayin niya na ako sa tingin niya, pwes di ako takot sa kanya! Kitang-kita ko pa ang kulay maroon niyang labi ang demonyo talaga ng pagmumukha niya asawa niya kaya si satanas? Di bali nalang.

"Talaga bang di mo kilala ang binabangga mo?" sabay na tinaasan niya ako ng kilay, relax lang ang boses niya pero ramdam ko dito na galit na siya, pero di niya ako matatakot sa ganyang aura niya.

"Ah so ganon? Dapat ba kilalalin pa kita?" pagtataray ko at tinaasan siya ng kilay kala niya ha! "Owh! sorry ha wala kasi akong time para sa mga taong katulad mo, and excuse me sino ka ba sa tingin mo at bakit mo'ko pinatid?" akala niya ha siya lang marunong magtaray, nagkakamali siya.

"Huh!" at nag smirk lang siya dahilan para kabahan ako ng ganito, nakakakilabot 'yung smirk niya. "Dapat na ba akong matakot sa'yo?" sarcastic niya lang sabi sa'kin, gosh! Bakit ako nakakafeel ng takot sa tono ng boses niya, pero di ko pinapahalatang takot ako.

"Oh well, na di ka nga makapagsalita 'wag kang umiyak ha, baka sabihin nila inaway kita." at ngumisi siya ng malademonyo, satanas talaga ano ba kasalanan ko sa impaktang ito, siya na nga 'tong may kasalanan siya pa may ganang magalit!

"Bakit naman ako iiyak?" at inirapan ko siya. Hindi ako sanay sa ganitong away, kakaiba siyang nilalang. Dapat magsorry lang naman siya sa ginawa niyang pagpatid sa'kin mahirap ba 'yun?

"Dahil naiinis na ako sayo." sabay niya akong kwenelyohan gamit ang isa niya lang kamay at tiningnan ako ng masama. Take note kwenelyohan niya ako akala niya sa'kin lalaki?

"Mapupunit ang uniform ko!" galit kong sabi, kakaplansta ko pa kaya nito.

"Wala akong pakialam, ang gusto ko lang ay lumayo kana kay Jiro habang maaga pa, dahil baka pagsisisihan mo pa ang mangyayari." Mahina niyang bulong pero bawat salita 'yun ay may pagbabanta, itinulak niya akong binitawan. Bakit niya kilala si Jiro, at bakit ko siya lalayuan? "I warned you Trixcy." at bakit niya rin ako kilala? Stalker ba siya? Who's spkocky monster?

Nilagpasan niya na ako, I can't believe this how did she know my name? Anong koneksyon niya kay Jiro? Magkakilala ba sila. Agad ko siyang nilingon at sinigawan.

"Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo?" huminto siya sa paglalakad pero wala lang siyang sinabi at tuluyan ng umalis.

"Ghad! Baliw ba 'yung babaeng 'yun drug user ba siya?" di makapaniwalang bulong ko sa sarili at kinuha ko na ang sapatos kong binato sa kanya kanina. Di ko nalang iisipin ang babaeng 'yun, baka may gusto lang siya kay Jiro at ako pinag-iinitan niya dahil lagi kami magkasama ni Jiro dati, pero dati pa naman 'yun.

Lumabas na kami ng room dahil tapos na ang last subject, pero hindi muna ako aalis dahil hihintayin kong lumabas si Jiro.

"Jiro sandali!" sigaw ko sa kanya ng makalabas na ng classroom. "Yes?" cold niya lang sabi pagkaharap niya, ito na naman po siya cold nanaman.

Gusto ko sanang itanong sa kanya kung may kakilala ba siya dito sa campus except his friends baka sakaling kilala niya si impakta, pero di bali nalang.

"Wala, uuwi ka na ba?" wala akong ibang maitanong e.

Kahit ano talagang pilit ko sa sarili na baliwalain ang sinabi ng di ko kilalang babae kanina ay pumapasok talaga sa isip ko na bakit niya kami kilala ni Jiro, bakit niya sinabing lalayoan ko na si Jiro?

"It's none of your business, wala ka nang papel sa buhay ko diba? The contract is done." wala parin siyang reaksyon sa pagsasalita ang lamig parin ng pakikitungo niya sa'kin. At ang masakit sa sinabi niya ay ang wala na akong papel sa buhay niya, oo tama siya pero ang tanga ko parin dahil ito parin ako ngayon, akala ko ngingiiti pa siya ulit, tatawa at magkaroon pa ng liwanag ang mukha pero di pala. Lagyan ko nalang ng ilaw ang mukha niya para naman kahit papano may liwanag ito. "So, you don't have your reason to approach me again, stop bothering me, please?" pagkasabi niya non parang nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko, 'yung mga luha ko parang gusto na nilang lumabas pero pinipigilan ko lang ito.

Dapat pala di ko na siya kinausap pa, ang tanga mo nga naman Trixcy, you're just assumed that he feel the same way. What a fool!

"So-sorry I did not mean to bother you." mahina ko lang sabi at napayuko. Bakit ganito siya kong makapagsalita?

"But you did." 'yun lang ang sinabi niya at umalis na siya agad.

Sumandal lang ako sa wall at dahan-dahan na umupo, kasabay ng patak ng mga luha ko. Bakit ako nasasaktan sa mga sinabi niya? Alam kong simpleng mga salita lang 'yun pero bakit ang sakit? Siguro dahil sa gusto mo siya kaya sa maliliit na bagay nasasaktan at kikiligin ka, that's how destiny and love played.

Patuloy parin ako sa pag-iyak, wala akong pakialam sa mga taong dumadaan ang akin lang ay gusto ko itong ilabas.

"Trixcy," napaangat ang tingin ko sa taong kaharap ko ngayon. "Ilabas mo lang yan ha, andito lang ako." at niyakap niya ako, bakit ba pag may nagco-comfort sayo mas lalo ka lang iiyak gaya ng nangyari sa'kin ngayon mas humagulhul pa ako ng iyak.

"Sophia, bakit ang sakit?" at mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.

"Nahulog ka na nga talaga sa kanya no?" Tanong niya pero tumango lang ako. "Di ka nakakapit ng mahigpit kaya ayan nadulas at nasaktan ka. Ito namang si Jiro hindi ka sinalo, o baka sinalo ka nga niya pero dahil mabigat ka kaya binitawan ka niya." kumalas ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya ng masama, ang galing niya kasi mag advice talaga bang advice tawag dun sa sinabi niya?

"Sorry na pinapatawa ka lang e!" nakapout niyang sabi, buti nalang andito si Sophie kong hindi baka para na akong praning dito sa hallway.

"Hindi naman nakakatawa 'yung sinabi mo e, nakakainsulto nga talaga bang mataba na'ko sa tingin mo?" naiinis kong sabi sa kanya, kung gusto niya ako patawanin bakit di nalang siya maging clown.

"Talagang.... HAHAHAHAHA!" tumawa lang siya ng malakas, anong tinatawa niya?

"Hoy anong nakakatawa?"

"Yung mataba ini-imagine ko kasi, pag totoong mataba ka." at tumawa lang siya ng tumawa, kaembyerna naman maiwan na nga 'tong nilalang na'to. Tumayo na ako at umalis tawanan ka ba naman.

"Hoy Tc s'an ka pupunta?"

"Sa katapusan ng mundo sama ka?" pagbara ko sa kanya.

"Sure basta ngingiti kana." sabi niya sakin sabay akbay at pinisil ang pisngi ko. "Wag kana umiyak ulit ha nasasaktan ako e." parang bata niya lang sabi. Childish talaga, pero ang sweet ng bestfriend ko.

Malungkot man ako sa sinabi ni Jiro, I'm thankful parin kasi andyan si Sophia.

Bumped Into An Arrogant Gangster [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon