Trixy's point of view
Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero nang napagod na'ko ay umupo ako sa isang bench sa plaza, hanggang ngayon 'yung mga luha ko tumutulo parin pinunasan ko na lang to gamit ang kamay ko. Paano ko ba mapapatawad ang papa ko? Mahigit 18 years di ko siya nakilala, di ko nakita at di ko inaasahang babalik siya ngayon. Di ko alam kung paano ko aalisin ang galit ko sa puso ko sa ama ko, ngayong dahil sa kanya nasasaktan ako ng mom ko. "Bakit? bakit pa siya bumalik sa buhay ko." nangingiyak kong sabi sa sarili ko at tulo parin ng tulo ang mga luha ko. I know I'm longing for his love back then but I can't take it now.
"Something wrong?" sabay na may nag-abot ng panyo sa'kin, napa-angat naman ako sa taong nasa harapan ko ngayon na nakatayo. "Alam mo masasayang lang ang luha mo dyan kung iiyak ka pa, kunin mo na." pag-alok niya sa'kin, kinuha ko naman ang panyo.
"Thank you." tipid kong sabi saka kinuha ang panyo at agad na pinunasan ang mga luha ko. "Wala 'yun, bakit ka pala umiiyak? Pfft! I thought of you a brave woman." nagbago ulit ang mood niya naging sarcastic na siya. Tae talaga.
"So? Paki mo, umiiyak ako kasi nasasaktan ako, ikaw ba pag nasaktan ka di ka umiiyak? Nakalimutan kong matigas pala puso mo." cold kong sabi, diba dapat i-comfort niya ako dahil nasasaktan ako, kahit kailan talaga 'tong shokoy na'to.
"You know what, I have heard this several times.-Whatever happens to you right now is part of your life to make you grow more and to be mature in dealing such problem. Everything happens for a purpose minsan hindi natin ito malalaman hanggang sa isangvaraw marerealized nalang natin na, kaya pala 'yun nangyayari dahil dito." Ngumiti naman siya na tiningnan ako. "Kung nasasaktan ka ngayon mawawala 'yan kung pakakawalan mo, ilabas mo lahat sa'kin ang sakit d'yan sa puso mo, I am here to be your shoulder when you cry, I can be your comforter when you're sad." at tiningna niya ako sa mata, Jiro bakit ka ganyan? You've changed a lot hindi ka naman ganito dati.
"Bakit?" naluluha na naman ako "Paano ko patatawarin ang papa ko? Bakit pinapahirapan niya ako ng ganito? Alam kong mahal niya kami pero sana noon pa niya naisipang bumalik sa'min." tumutulo na naman mga luha ko, hindi ko alam kung bakit ko to nilalabas kay Jiro.
"Ssh.. You know what, I believe why he came back because he realized now how much he loved you and your mom, how precious are you to him. Kung nagawa niya kayong iwan noon alam kong may dahilan 'yun, at kaya siya bumalik sa inyo ngayon dahil pinagsisihan niya ang nangyari noon at gusto niya lang bumawi ngayon sa mga pagkukulang niya. Trix listen people will change and they've changed because they have learned from the past that they didn't realized sooner." may point siya pero ano ang sasabihin ko sa kanila?
"Jiro, you have your point but, how? Paano ko siya patatawarin ngayong pinapalala ko ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko siya patatawarin." naluluha ko paring sabi, ang OA ko oo, pero ang hirap ng naging sitwasyon ko sa ama ko, siguro dahil nasanay lang ako na si mommy lang lagi ang sinasandalan ko sa lahat ng wala ang tulong niya, kaya naman namin ni mommy ah dumating lang siya sinira niya lahat.
"Trix, listen." hinawakan niya kamay ko "look at me." tiningnan ko naman siya, Jiro is that really you? Sa mga mata niya bakas dito ang pagkaseryoso niya. "You should accept your father before it's too late, 'wag mong palalampasin ang bagay na alam mong sa huli ay pagsisisihan mo." seryoso lang siya.
"What do you mean?" anong ibig niyang sabihin na before it's too late?
"We have the same situation to our fathers medyo magka-iba lang ang case. N'ong una ayaw ko siyang patawarin kasi nakita kong may ibang babae siya, hindi ko sinabi kay mama ang lahat ng nakita ko kasi alam kong masasaktan siya at alam ko kung gaano kamahal ng mom ko si papa. Mula n'on nagdecide akong umalis sa bahay, kasi di ko kaya nasasaktan ako pag nakikita ko siya, nakikita ko siyang nilalambing si mama habang sa labas may iba naman siyang kalandian so I decided to go to Cebu ng sa ganon di ko siya makikita." mas masakit pala ang nangyari sa kanya pinipigilan niya rin na umiyak "Pero, sa huli alam mo, buong buhay kong pinagsisihan na hindi ko siya tinanggap na mabuting ama sa puso ko."
"So, do you mean that your father."
"My father... He's gone, he died because of his stage three cancer, di ko na siya naabutan at binawian na siya ng buhay. Pinagsisihan ko ang mga araw na mas pinili kong lumayo kaysa ayusin ang pamilya ko, ang pangarap ko noon na kompleto at masayang pamilya ay nawala lahat ng 'yun. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang napatawad ang papa ko bago siya namatay, di lang man kami naging masaya sa mga panahong mawawala na pala siya." tumulo ang luha niya.
"Jiro, I'm sorry to hear that."
"Kaya Trix kung ako sa'yo, 'wag mokong gayahin na mas pinapa-iral ko ang galit at pride sa puso ko. Kasi hindi ka magiging masaya, kagaya ko kung mas pinatawad ko ng maaga ang papa ko siguro masaya ang buhay ko ng buhay pa siya. Sabi nga nila diba ang pagsisisi ay laging nasa huli, kaya unahan mo na ang pasisisi." sa mga sinabi niya di ko maiwasan na maluha, narealized ko kahit anong galit dito sa puso ko kailangan hindi ako magpadala sa emosyon ko.
"Jiro thank you for giving me a piece of advise, it means a lot to me." at niyakap ko siya this is the first time that I hugge him amd I'm comfortable with this.
"Psh! You don't need to say thank you." kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya "basta wala 'yun, ngiti ka naman dyan!" kung nagawa niyang painitin ulo ko noon napagaan niya naman loob ko ngayon.
"Mabuti nalang pala lumabas ako para magpahangin naiingayan na kasi ako sa kanila sa loob eh, ngiti ka na!" napangiti na ako at siya rin ang sarap sa feeling na ganito.
"Basta thank you!" Na-iilang kong sabi sa kanya sabay siko ko sa braso niya pero mahina lang.
"Tsk! Tara lakad-lakad muna tayo gusto ko langhapin ang sariwang hangin dito eh." tumayo siya at hinawakan ang kamay ko, Gosh! Para akong nafrozen sa pagkahawak niya sa kamay ko. "Tara bili tayong ice cream." at hinatak niya ako sa may ice cream shop.
"Anong flavor gusto mo?"
"Rocky road nalang." at napangiti ako.
"Kuya dalawang rocky road nga po." sabi niya kay manong vendor.
"Ehem!" nagulat naman kami sa boses na nag ehem, at pareho kaming pagtingin sa isang batang babae.
"Ang sweet niyo po!" natauhan naman ako sa sinabi ng bata, sabay kaming napatingin ni Jiro sa mga kamay namin na hanggang ngayon ay nakahawak padin.
"Ay, sorry!" at sabay kaming napabitaw, gosh! Namumula na'ko ang init ng mukha ko parang umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Ano kaya problema ng batang 'yun at lumapit lang siya para sabihin 'yun.
"Ito na po ice cream niyo ma'am, sir." kuya vendor, binigay naman sa'kin ni Jiro ang ice cream at nauna na siyang naglakad, hindi lang siya umiimik, ang awkward kasi ng nangyari kanina. My gosh! I can't believe Jiro really changed, he's different from before. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon, masaya pero may haharapin pa akong problema. I need to forgive my father and give him a chance.
BINABASA MO ANG
Bumped Into An Arrogant Gangster [ Book 1 ]
RomanceBook 1 of Nothing's Changed Bumped Into Arrogant Gangster September 2014 started March 2017 Finished Ang babaeng makulit na si Trixcy Monton ay hindi maiintidihan ang ugali. Broken hearted sa papa niya at nahulog ang loob niya sa isang lalakeng mas...