Weird
Samantha's POV
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso muna kami sa hotel dahil napagdesisyonan na naming dito lang na kami mag papalipas ng gabi dahil masyadong delikado kung babyahe kami ng madilim at kanina medyo umambon pa kaya madulas ang daan. Dalawang economy rooms lang ang kinuha namin dahil nag titipid rin kami.
"Ano guys kaming apat dito nila Paula, Monique, Aira sa roon na ito ah" paalam ko sakanila
"Sure" mabilis na sagot ni Barbie. Siya lang kasi yung kasama nila Jacob at Matthew.
"Sige pasok muna kami" sabi ni Jacob
"Nga pala Jacob mamayang 8 kain na tayo ng dinner ah"
"Ge" tipid na sagot niya.
Pagpasok ko sa room. Maayos naman ang pag kakaarrange ng mga gamit, not bad.
"Sam may idea ka ba kung saan yung specific location nang pupuntahan natin?" Tanong saakin ni Monique
"Wala eh" tipid na sagot ko. Totoo naman eh wala akong idea talaga kung saan yung pinaka location nun ang sabi lang ni Barbie sa Visayas. Pero may tiwala naman ako kay Barbie.
"I see, nacu-curious talaga ako pero kung-" hindi na natapos ang sasabihin ni Monique ay biglang lumabas si Paula sa bathroom.
"Ikaw muna Sam" Monique. Dali dali na akong tumayo at tinungo ang bathroom.
Monique's POV
Simula't sapul sa unang pag kakakilala ko palang kay Barbie parang may masama na akong kutob. Pero syempre ayoko naman maging judgemental kaya hindi ko na lang pinansin. Kaya nang sasabihin ko na kay Sam yung nararamdaman ko wrong timing naman si Paula kaya siguro next time ko na lang sasabihin.
Yes, kaibigan namin siya pero hindi naman siguro masama kung magsupetsya dahil hindi pa talaga namin siya lubos na kilala dahil noong first day of school lang namin siya nakilala.
Hindi rin siya makwento sa mga bagay-bagay tungkol sa buhay niya at hindi rin niya nababanggit yung pamilya at parents niya.
Samantha's POV
Pagkatapos ko maligo ay nag ayos muna ako nang sarili ko at lumabas na para mag dinner at kasama ko ngayon si Aira.
"Sam saan kaya tayo makakahanap ng magandang restaurant?" Tanong saakin ni Aira habang nag lalakad sa kalsada.
"Aira hindi tayo sa resturant bibili sa Mcdo lang para mura" pagkasabi ko nang Mcdo ay biglang nanlaki ang mata niya na parang gulat na gulat. Don't tell me hindi pa siya nakakakain doon?
"Nakakainis na talaga kayo!" parang batang nagmamaktol tong si Aira sabagay kasi anak mayaman kaya ganyan haha!
Bingo! May nahanap rin akong Mcdo dito malapit sa hotel namin. Ito lang kasi ang nag iisa kong nakitang Mcdo habang nasa byahe kami.
"Good morning ma'am" sabi nung guard na nasa pinto at pinagbuksan kami at nginitian ko naman siya.
Not bad hindi naman madaming tao rito. "What's your order ma'am?" Sabi saakin ng cashier girl.
"Anim na pieces ng chicken at apat na extra rice, then yung spaghetti anim din at sundae anim din yun lang" sabi ko.
"Ma'am take out po o dine in?"
"Take out na lang po"
"Okay ma'am dito muna po kayo sa kabila" sabi sakin ng cashier girl at pinalipat ako sa kabilang lane.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami sa mcdo.
Pagdating namin sa hotel ay binigay ko na sakanila yung pagkain nila.
"Sam!" Tawag saakin ni Barbie
"Oh Barbie kamusta sa suite niyo?" Tanong ko
"Ok lang nga pala mamayang 10 pm aalis na tayo"
"Bakit naman hindi ba masyadong gabi na tayo aalis?" Takang tanong ko.
"Basta may pupuntahan kasi tayong maganda kapag naabutan natin yung sunrise" sabi niya
"Sige sasabihan ko na sila" sabi ko sakanya
"Okay"
Aira's POV
Hindi ko kinakausap kanina si Sam dahil nakakainis siya bakit siya sa Mcdo bumili ng mga foods, hindi tuloy ako makakain habang sila sarap na sarap sa chicken at spaghetti
"Aira wag kang maarte kumain ka dito at saka hindi ka naman mamamatay kung kakain ka nito at mamamatay ka kapag hindi ka kumain kaya wag ka nang mag inarte" sigaw saakin ni Paula. Ugh! She's getting into my nerves na talaga.
"Ugh!" Wala naman akong nagawa kasi babyahe pa kami bukas at baka hindi na kami mag almusal at mamatay na ako sa gutom.
"Psh! Kakain din pala" bulong ni Paula perobarinig ko naman iyon
"Paula tama na yan" saway sakanya ni Monique
Tinititigan ko yung chicken na puro harina okay naman siya pero nung kinain ko pero hindi pala puro harina kahit papaano. Nilagyan ko pa ng kaunting gravy.
"Like oh my god! Bakit ngayon niyo lang sinabi na masarap pala ito" napasigaw ako, kasi totoo naman napaka sarap
At kakainin ko na din yung spaghetti ay lalo lang akong naiyak kasi ang sarap. While i'm super busy sa pagkain ay biglang pumasok si Sam at nag salita
"Mamayang 10 pm tayo aalis kasi may pupuntahan pa tayong place na maganda daw kapag nagsunrise kaya ayusin niyo na ang mga gamit niyo at sarili" sabi niya at dumiretso sa cabinet niya para ligpitin ulit yung mga gamit niya.
"Ugh! She's getting to my nerves na talaga. Hindi niya ba naisip na may beauty rest ako" reklamo ko
"Pare-parehas lang naman tayo eh" sabat ni Paula
"Shut up Paula wala kang beauty, rest lang meron" pag tataray ko sakanya.
"Guys may napapansin ba kayo kay Barbie?" Paninimula ni Monique. May napapansin ba ako kay Barbie? Parang wala naman eh
"Wala! Ano ba ang napapansin mo kay Barbie?" Sabi ni Sam
"She's right ano ba ang napapansin mo kay Barbie?" Tanong ko
"Hindi niyo ba napapansin simula nung nag plano tayo sa outing nag iba yung-" hindi na natapos si Monique yung sasabihin niya nung biglang bumukas yung pinto at si Matthew lang pala
"Ow look who's here" bati ko.
"Napadaan ka Matthew, may kailangan ka ba?" Tanong ni Sam.
"Ah wala naman kakamustahin lang sana kayo" sabi niya.
"Ah okay" simpleng sagit ni Sam
"Matty totoo ba na mamayang 10 tayo aalis?" Tanong ko
"Oo Aira, biglaan nga eh"
Oh no! Wala akomg choice kung hindi magempake ulit ng gamit at makipagsabak nanaman sa pagcocommute.
BINABASA MO ANG
The Lost Province [Biringan City Inspired]
Fantasy"A WATTPAD FEATURED STORY" Wattys 2017 winner under category of "The Originals" ***COMPLETED*** Highest rank: #19 in Fantasy #5 in Science Fiction Author: Aphreathena Category: Fantasy, Adventure and Romance. Started: October 8, 2016 Ended: October...