Complicated
Samantha's PoV
"Jake, kailan ba nagsimula ang lahat ng ito?" Tanong ko kay Jake. Nandito kami ngayon sa garden ng palasyo.
"Simula nung may nakapasok na mortal sa lugar na ito...at nalaman ang mga sikreto ng lugar na ito. Simula noon hindi na nila hinayaang makalabas ang mga mortal sa lugar na ito..."
"Bakit naman?"
"Kasi maaring ipagkalat nila ang mga nalalaman nila at matutuklasan ng mga mortal ang lugar na ito at maaring ikasira ng mundong ito"
Ibig sabihin marami ng namatay dito? At maaring hindi na kami makabalik pang muli sa pinanggalingan namin?
"Ano naman ang nangyari sa kanila, namatay ba sila?"
"Oo, namatay sila at inialay ang kanilang kaluluwa sa diyos na tagapag-likha ng lugar na ito"
Whew! Ibig sabihin wala na kaming chance na makalabas dahil walang ni isa ang nakalabas nang buhay dito?
"At kapag marami ng nai-alay na kaluluwa, sapat na ang lakas nila para sakupin ang mundo niyo at kayo na lang ang huling magiging bihag nila sapat na ang lakas nila..."
Hindi ko lubos maisip na magagawa ni Barbie ang ganitong kasalanan. Sa dami ng tao na pwedeng magtaksil saamin, bakit si Barbie pa?
"T-totoo ba l-lahat ng mga s-sinasabi mo?"
Natawa naman siya. "Wala na tayong oras para makipag biruan. Kaya dapat kailangan niyo ng makatakas at mapigilan ang masama nilang plano.."
Tama. Kailangan na namin makatakas dito hindi lang para saamin para rin sa buong mundo.
"At kapag nagkataon na hindi niyo sila mapigilan mamamatay kayong lahat at mapapasailalim sa kasamaan ang mundo niyo"
"S-sige salamat Jake sa pagkwento mo saakin. Kailangan ko ng mauna" pagpapaalam ko sakanya.
"Walang anuman at mag-ingat din kayo" nginitian ko siya at tuluyan na akong umalis.
**
Pagdating ko sa kwarto ay tumambad saakin si Matthew na naka-upo sa lamesa at nakatibgin sa kawalan.
"Oh Matt, anong nangyari sayo?" Pagaalala ko.
"Ah wala to. May iniisip lang ako" sabi niya. Umupo ako sa harap niyang upuan.
"Sam, Kailan mo ba talaga ako sasagutin?"
"Nasa panganib pa ang buhay natin at hindi sa ganitong oras pinag uusapan ang mga ganiyan" katwiran ko.
"Alam mo Matt kont-"dagdag ko pa.
"Konting hintay na lang at bata pa naman tayo marami pa tayong magagawa sa buhay" nakaradam ako ng sakit sa sinabi nuya kasi kabisadong-kabisado na niya ang line na sinasabi ko palagi once na nagtatanong siya ayan ang sinasabi ko.
"Alam mo Sam, huwag mong hintayin na pag-sisihan mo lahat at sa huli lang naman din ikaw din ang masasaktan at mahihirapan"
"Anong gagawin ko? Magpapakasaya tayo habang ang buhay natin ay nasa panganib at may mga taong nasa panganib rin. Ano ganoon ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtaas nang boses.
"Pwede bang kahit ngayon lang ay kalimutan muna natin ang mga problema at i enjoy ang buhay natin habang buhay pa tayo" sagot niya pa.
"Hindi naman sa galit ako sayo Matthew pero please naman kaunting pag unawa" at bigla siyang tumayo at naglakad palabas at ako naman ay naiwan na nakatulala sa hangin.
Mas mabuti pa na pabayaan ko muna siya para makapag isip-isip.
"Tsk! Tsk! Tsk! Nako ka talaga Sam" sabi ni Monique habang palakad lakad pa sa harap ko na parang hindi mapakali.
"Eh kasi naman hindi ko ineexpect na masyado pala naging harsh yung pagkakasabi ko sakaniya" pangangatwiran ko
"Yan! Ayan! Yan ang problema sayo masyado kang manhind bes kaya try mong damdamin yung nararamdan nila" hindi na lang ako umimik samantalang nag-isip na lang ako kung paano ako magsosorry at paano ko aamuhin si Matthew.
"Alam mo Sam bibigyan kita ng friendly advice. Ang mga lalaki kasi masyadong magaling magtago ng mga damdamin nila. Yes, tama nga ang reason pero siguraduhin mo na hangga't maaari huwag mong tapakan ang ego nila." Dagdag pa niya.
"Salamat sa'yo Monique, maaasahan ka talaga sa lahat ng oras" at ngumiti ako sakanya at niyakap niya ako ng mahigpit
"Walang anuman basta sa kaibigan ko" napangiti naman ako sa sinabi niya kasi bihira lang makahanap ng mga kaibigang nandiyan sa oras ng pangangailangan mo.
Nagpaalam na ako kay Monique na hahanapin ko si Matthew dahil may mahalaga akong sasabihin sakanya at manghihingi rin ako ng pasensya dahil sa mga nagawa ko. Pag dating ko sa hardin inilibot ko ang mata ko. Nandito kasi palagi si Matthew kapag nawawala siya sa palasyo. Agad na nakita ko siya na nakaupo sa bench habang nakatulala sa hangin.
Mabilis ko siyang nilapitan pero bago pa ako makalapit nagtama na ang aming mga mga mata at agad siyang tumayo. Nilagpasan at hindi niya ako pinansin.
Nang nasa kalayuan na siya may tatlong armadong lalaki ang lunapit kay Matthew at tinurukan ito nang kung ano sa leeg na nagpatulog sakaniya.
"MATTHEW!" Sigaw ko at bago pa ako makatakbo nakaramdam na ako nang matulis na bagay na bumaon sa leeg ko. Unti-unti akong nakaramdam ng hilo at kalaunan ay nawalan rin ako ng malay.
BINABASA MO ANG
The Lost Province [Biringan City Inspired]
Fantasy"A WATTPAD FEATURED STORY" Wattys 2017 winner under category of "The Originals" ***COMPLETED*** Highest rank: #19 in Fantasy #5 in Science Fiction Author: Aphreathena Category: Fantasy, Adventure and Romance. Started: October 8, 2016 Ended: October...