Volume 1: Chapter 27

3.4K 68 2
                                    

Asher's Point of View

"Na alagaan mo siya at wag mo siyang hahayaang masaktan. Hindi ko na kayang lumaban..." Tuluyang natumba siya sa lupa at napansin kong bumabakat na ang dugo sa kanyang kanang dibdib. Dahan dahan kong sinira ang damit niya sa bandang dibdib na tumambad saakin ang tama ng pana. Malapot na ang dugo at mukhang kanina pa ito.

"Maaari pa iyang magamot ngunit malayo ang pagamutan dito kaya wala na akong choice kundi hayaang lamunin ng lason na galing sa pana ang katawan ko" ani niya. "Iwan mo na ako dito. Paalam" tuluyan ng pumikit ang kanyang mga mata at wala na rin siyang pulso.

Hindi ko maipapangako na hindi siya masasaktan pero maipapangako ko na babalik siya ng mundo ng mga tao.

Tinabunan ko tuyong dahon ang bangkay niya at bilagyan ng palatandaan. Umalis na rin ako sa lugar na iyon at nagpatuloy sa pakikipaglaban.

Samantha's POV

Habang naglalalad kami biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa hindi malamang dahilan. Wag naman sanang may mamatay nanaman. Lahat sila ay nawala na kaya hindi ko na kakayaning mawala ang natitira. Nagulat ako ng bigla kaming harangin ng sampung kawal na sanhi ng pagdagag ng bilis ng tibok ng puso ko. Nahati sa lima ang laban at kamalas malasan lang dahil hindi ako magaling sa pakikipag laban.

Sumugod ang dalawa pero patuloy lang sa pag iwas ang ginagawa ko. Paulit ulit hanggang sa tuluyan na akong mapagod. Nakorner nila ako at akmang susugod ang isa.

"Oh crap!" wala na akong nagawa kundi pumikit at hintaying sasakin o patayin. Halos isang minuto akong nasa ganoong posisyon nang walang nangyaring masama o naramdamang kakaiba. Dahan-daham kong iminulat ang aking mata. "Oh geez! Muntikan na ako doon. Thanks for saving me" napatay na pala ni Asher ang mga sumugod saakin.

"Walang anuman" at yumuko pa ako para iparating na nagagalak ako sa kanyang pagtulong saakin.

"Oh nasaan na nga pala si Matthew? Ligtas na ba siya? Nakabalik na ba siya sa mundo ng mga tao?" Natatarantang tanong ko. Sana nga ganoon na lang.

"Hindi Samantha-"

"Aba, nasaan na siya at bakit hindi mo siya kasama?" Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha na hindi ko alam kung bakit. Marahil alam ko na ang magiging sagot nila pero ayaw ko 'tong paniwalaan.

"Wala na siya, Sam" nanigas ang kabuuan ko at hindi matanggap ng sistema ko ang aking narinig. Sana nagnibiro lang siya dahil kung totoo ito malamang hindi ko kakayanin.

"Psh! Wala na tayong oras para magbiro Asher nasaan na nga siya dahil gusto ko siyang makausap" pinilit kong hindi tanggapin ang narinig pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

No! No! Hindi!

Inakay niya ako patayong muli pero parang hindi na kayang tumayong muli ng aking mga binti at paa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nag-iisa na lang ako rito. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa dati. Hindi ko alam.

"Ugh!" Napatayo ako bigla nang narinig ko ang sigaw ni Mason. Hinanap ko agad kung saan siya nanggaling pero natagpuan siya ng mata ko na may saksak ng espada sa dibdib na hindi pa natatanggal. Agad na bumagsak si Mason. Napasigaw ako sa pag-iyak at halos hindi na ako makahinga sa iyak.

"Mason! Mason! Mason" pilit kong pag gising sakanya. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako.

"Okay lang...mas gugustuhin kong kasama siya sa kabilang buhay at doon wala nang makakapaghiway saamin" lalo akong naiyak sa sinabi niya dahil lubos na nagmamahalan sila ng kaibigan kong si Paula.

"Paalam na Mason at sana maging masaya ka na" at nawalan na siya ng buhay.

---

Narrator's POV

The Lost Province [Biringan City Inspired]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon