Flashbacks
Mason's POV
"I love you too Mason. Maraming salamat sa lahat ng oras na kasama kita, sa mga magagandang memories at lalong lalo na sa pagmamahal mo na ibinigay mo saakin" umiiyak na sabi niya.
"H-haha ano bang sinasabi mo haha" naiiyak na sabi ko. Kahit sabihan nito pa ako ng bakla o iyakin na lalaki wala akong pakielam basta mahal ko gagawin ko kahit ikapangit ko pa.
"Sana maging masaya ka sa magiging girlfriend mo at magiging asawa mo balang araw...palagi kitang gagabayan at babantayan. Hinding hindi kita iiwan, kahit hindi mo ako nahahawakan o nakikita mararamdaman at mararamdaman mo ang presensya ko at pagmamahal ko sayo"
"Hindi. Ikaw ang mapapangasawa ko at ikaw ang makakasama ko habang buhay diba?" Pilit ko pa. Napakabigat ng puso ko ngayon. At hindi ko aakalaing aabot ang lahat ng ito sa ganitong sitwasyon.
"Huwag na nating lokohin ang sarili natin, wala na ako at hindi na ako makakabalik sa normal. Okay lang yun dahil nagawa ko na ang mga bagal na nagpakumpleto sa buhay ko. Ang makapag sakripisyo sa kaibigan at mahalin ng totoo ang aking nobyo..." Hindi na ako nakasagot dahil kahit anong pag buka ng bibig ko walang lumalabas na kahit anong salita.
".....Mahal na mahal na mahal na mahal kita Mason at sana huwag mong pabayaan ang sarili mo, marami pang iba diyan na mas higit pa saakin kaya huwag kang malungkot....."
"Mahal ko hindi ko kayang mawala ka. I love you too" pagmamakaawa ko pa.
"Hinalikan ko siya at dinama ang aming pagmamahal sa bawat isa nang bumitaw siya.
"Kailangan ko ng mag-paalam Mason, i love you" naglakad siya papalayoo saakin at unti unting nag fade ang katawan niya hanggang tuluyan ng mawala.
Naiwan akong mag-isa, umiiyak at nangungulila sa pagmamahal ng nag-iisang babaeng mahal na mahal ko. Kung maibabalik lang ang mga araw na mag-kasama kami at masayang nag-uusap at nag kukulitan.
--
Flashbacks"Habulin mo ako Mason haha! Totoo naman kasing ang pangit mo ayaw pa maniwala sa maganda hahha" hinabol ko si Paula at dahil mabilis akong tumakbo kaysa sakanya naabutan ko siya at agad na niyakap sa tiyan at inikot ko siya at binulong na...
"Hindi ako pangit kaya ka nga nainlove sa isang katulad kong gwapo eh" mapilyong sabi ko.
"Tse!" At nakita kong namula na parang kamatis ang mukha niya.
"Sus! Kinikilig ka lang eh haha"
"Hindi kaya"
"Wehh!" Pang-aasar ko sakanya. Napaka-cute niya talaga kapag naiinis.
--
"Sungit! Sungit! Sungit" pag tatawag ko sakanya.
"ANO!!!" Inis na tanong niya. Napaka sungit talaga neto.
"Wala lang hi!" Whaha! epic face nanaman haha!
"Tss! Tigilan mo ako MB ah"
"Okay" matipid kong sagot.
Biglang may lumapit saakin na batang lalaki na parang naiiyak na.
"Kuya! Nakita niyo po ba ang Ate Krystel ko?!" Pag iiyak ng Bata.
"Nako! Bata huwag kang lalapit diyan unggoy yan at nangangagat yang hinayupak na yan kaya dito ka sakin hanapin natin ang ate mo"
"Hoy! Sinong unggoy at hinayupak ha?" Tanong ko sakaniya pero inirapa niya lang ako. Nako kung hindi ko lang talaga siya ginagalang kanina ko pa siyang hinalikan.
"Aba malay ko ang alam ko nasa tabi tabi lang yun ano" at nakita ko siyang ngumisi.
"Hala oh tignan mo iyon Jane ang sweet nilang pamilya oh" sabi naman nung babae mula sa di kalayuan.
"Kaya nga eh ang pogi pa ng tatay"
"Nako! lalo na yung anak kakaiba ang lahi"
Narinig kong nag bubulungan ang magkaibigang babae na habang naka ngiti pa saamin. Ginantihan ko din sila ng ngiti at mukhang kinikig pa ang nagngangalang Jane. Sorry girls i'm taken.
At nakita ko naman si Paula na parang pinag bagsakan ng langit at lupa ang itsura.
Hindi ko na mapigilang matawa dahil sa reaksyon niya. Kasi kung ikaw ang makakita ng itsura niya hindi mo talaga mapipigilang hindi natawa. Palagi na lang kasi pabago bago ang reaksyon niya kaya exciting talaga.
"Anong tinatawa tawa mo diyan unggoy?"
"W-wala"
---
"Paula....."
"Oh bakit ka nandito at mukhang bihis na bihis ka ah"
"Oo eh"
"Anong sadya mo?"
"Amnnn... I-ikaw"
"Ako? Bakit?"
"Amn... Ano... Kasi...gusto......... Amn" putsa naman oh bakit ba di ko masabi sabi.
"Mason diretsahin mo na pa-suspense pa eh" mataas na boses pero hindi galit at walang halong pagkainis.
"OK! OK! GUSTO KO SANANG LIGAWAN KITA!" Malakas na sabi ko at yumuko dahil sa hiya.
"Eh?"
~MAKALIPAS ANG LIMANG MINUTO~
"HUY! ANO NA? ANG TAGAL SUMAGOT OHH" Naiinip na sigaw ko. Limang oras kasi kaming nagtitigan.
"Saglit peste ikaw na nga tong nanliligaw ikaw pa galit. Hanep!" Sarkastiko siyang sabi saakin.
"P-pasensya na ang tagal mo kaseng sumagot eh"
"Tsk! Tsk! Very wrong ka Mason itong limang minuto nga lang hindi mo matiis paano pa kaya ang panliligaw na umaabot ng taon"
"Amn pasensya na ha" nahihiyang sabi ko. Shet bawas points yun ah.
"Sige papayag ako pero kailangan mag seryoso ka"
Agad ko siyang niyakap at pinaikot ikot. Ang saya saya ko!
_---------------------
Thanks a lot! Pasensya sa typos.:-)
BINABASA MO ANG
The Lost Province [Biringan City Inspired]
Fantasy"A WATTPAD FEATURED STORY" Wattys 2017 winner under category of "The Originals" ***COMPLETED*** Highest rank: #19 in Fantasy #5 in Science Fiction Author: Aphreathena Category: Fantasy, Adventure and Romance. Started: October 8, 2016 Ended: October...