Volume 1 • Chapter 6

6.7K 185 8
                                    

Other World

Matthew's POV

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata at ang una kong nakita ang puting kisame na may nakasabit na chandelier. Napabalikwas ako ng tayo nang mapansin kong hindi familiar ang bahay na ito.

Inilibot ako ang aking mata at nakita ko ang aking mga kasama na walang malay pa rin. Ang huli ko lang naaalala ay ang biglang sumakit ang aking ulo at tuluyang nawalan ng malay.

"Jacob! Paula! Aira! Sam! Monique! Gising!" Gising ko sakanila at marahang tinatapik ang mg pisngi nila.

"Mabuti naman at nagising na kayo" isang babae na nag lalakad papunta sa direksion namin at may hawak ng isang tray na may laman na mga pagkain. Kasunod nito ay si Barbie na todo ngiti pa habang may hawak na bowl.

"A-anong nangyari saamin?" Tanong ni Paula

"Ang mabuti pa mga ineng mamaya na kayong magtanong kumain na lang muna kayo dahil alam kong napagod kayo masyado sa byahe" sabi nung matandang babae, maganda siya kahit may katandaan na halata sa kanyang itsura at kaputian.

"Oh that's look delicious! Tamang tama i'm starving na" sabi ni Aira, kahit kailan talaga tong babaeng to hindi nahihiya tsk.

"Amn... Manang.." Nahihiyang sabi ni Sam

"You can call me Mother Luciana, ayun kasi ang tawag nila saakin dito" pagtatama naman ni Mother Luciana

"Barbie can we talk? In private" seryosong sabi ni Paula. Oh-oh mukhang badtrip si Pau-pau.

Paula's POV

"Barbie can we talk? In private" seryosong sabi ko kay Barbie na kinagulat niya

"Sure" sabi niya at pumunta kami sa isang room na walang tao.

"Ano ba ang pag uusapan natin?" Paninimula niya.

"Barbie dederetsyahin na kita, niloloko mo ba kami? Sino ka ba talaga? Anong lugar ba ito? Sagutin mo nga ako" galit na sabi ko. Matagal ko na siyang pinag sususpetsyahan hindi lang ako makahanap nang magandang timing at ayoko ring maging kontrabida sa harap ng mga kaibigan ko.

"Ha? Ano bang pinag sasabi mo? Nandito tayo sa bahay ng lola ko at siya yun. Kaya huwag mo akong pag isipan ng masama" sabi naman niya. Tama nga siya hindi ko dapat siya pag isipan ng masama.

"G-ganoon ba?" Medyo nahihiyang sagit ko. Shit naman Paula bakit ba kasi pinairal mo nanaman ang kashongahan mo nang hindi nagiisip.

"Oo dahil kung naaalala niyo pa kagabi ay nahimatay kayo dahil sa kapagudan"

"S-sorry" sabi ko sakanya at yumuko ng kaunti.

"Oh tama na yan Paula at apo" sabi nung Mother Luciana na lola ni Barbie.

"Paano niyo po ako nakilala?" Pagtataka kong tanong.

"Pinakilala ka na saakin ni Barbie" paliwanag niya at lumabas na kami sa kwarto at pumunta ulit sa sala.

"Oh Pau kumain ka na" alok saakin ni Monique.

"Sige kayo na lang" pagtatangi ko. Pumunta ako sa pintuan ng mansion para makita ang labas nito.

Wow!

Sobrang ganda rito. May mga kakaibang halaman, malinis ang paligid, maaliwalas at sariwa ang hangin. Napakaganda naman ng probinsyang 'to at mukhang makakarelax talaga kami dito.

At may nakita akong isang lalaki na maputi, blonde yung buhok at may hikaw sa bibig. Nakapamulsa siya habang nag lalakad papunta sa..

Direksion ko? At nakangiti pa...

Naglakad siya hanggang lagpasan niya ako at pumasok sa mansion..

"Hello babe!" Bulong niya sa batok ko at kinilabutan dahil sa boses niya. Hindi ako nakagalaw at parang nanlalamig ang buong katawan ko.

"Haha! Epic yung mukha mo haha!" Halos hindi na siya makahinga sa kakatawa.

"Walang hiya kang bastos ka!" Sigaw ko at binatukan siya.

"Aray! Grabe ka naman, pinansin na nga kita kasi kanina ka pa nag lalaway saakin eh" sabi niya sabay pout. Ughh! Hindi bagay.

Inirapan ko na lang siya at pumasok na lang sa mansion at puntahan ang mga kaibigan ko.

"Oh? Anong nangyari sa mukha mo bakit ka nakabusangot?" Tanong ni Sam sakin.

"Wala!" tipid na sagot ko at umupo sa sofa.

"Mother Luciana" sabi nung lalaking blonde at yumuko parang bang nagbibigay nang galang.

"Barbie kamusta tagal mong nawala ah" bati ni Blonde kay Barbie.

"Kaya nga eh" sagot naman ni Barbie at nagtama yung tingin namin ni blonde at sinamaan ko siya ng tingin as in death glare.

"Mga bata tara sa labas at ililibot ko kayo para maging pamilyar kayo rito" sabi ni Mother Luciana.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon