Volume 1 • Chapter 24

3.4K 68 7
                                    

Regret

Aira's POV

Bakit pa kaya kami humantong sa ganitong sitwasyon na kailangan pang may mamamatay at mahihirapan. Ganito ba talaga kami kasama kaya pinaparusahan kami? Wala ng kasigaraduhan kung kumpleto pa kami makakalabas sa lugar na ito.

Binabagtas ko ngayon ang kahabaan ng matataas at diretsong pasilyo. Habang tumatagal parang nawawalan na ako ng pag-asa na mabuhay kasi gagawin ni Chelsea ang lahat para mapatay at mapahirapan kami kaya imposible nang makaligtas kami.

"Hmm! Hmm!" Nagulat ako ng may marinig ako ng ungol ng tao na parang nahihirapan na ito.

Agad kong hinanap ang nagmamay-ari ng boses na iyon at wala nang iba kundi si Jake Sebastian—ang pinaka tahimik at pinaka matalino sa tatlong prinsipe. Nilapitan ko siya at tinignan kung anong nangyari sakanya at napansin kong may malaki siyang hiwa sa hita kaya kunuha ako ng panyo sa aking bulsa at agad na itinali sa kanyang hita para mabawasan ang pagdurugo.

"Amn...salamat, Aira" nagulat ako ng sabihin niya ang pangalan ko. Hindi ko akalaing kilala niya ako. "Wala yun" at nginitian ko siya.

"Tara na at baka magbago nanaman ang mga pader" pag aaya ko. Tinulungan ko siyang tumayo at dahan dahan na kaming naglakad. Naging tahimik lang ang paglalakad namin dahil medyo nakakaramdam ako ng awkward. Napatigil kaming parehas sa paglalakad ng makaramdam kami ng pag-galaw sa likuran namin. Aktong magpapatuloy ako sa paglalakad ng "Don't" ayun lang ang tanging sabi niya at hindi na ako nagtangkang gumalaw pa.

Tumingin siya sa likuran ko at agad niyang hinila ang aking kamay at tumakbo ng pagkabilis. Nagtago kami sa isang intersection at nagpigil ng hininga na baka mahanap kami.

"Wala na siya" malamig na tugon ng isang boses babae na nanggagaling sa kadiliman. Pamilyar saakin ang boses na iyon kaya hindi ako nagkakamali, siya iyon."B-Barbie ikaw ba iyan?" Pumipiyok na tanong ko.

"Tama ka" at unti unti na siyang naglakad papalapit at naaninag ko na ang mukha niya.

"Huwag mong subukang lumapit kung ayaw mong masaktan" pagbabanta ni Jake. Isa siya sa mga tridor at hindi na dapat siyang pagkatiwalaan pa.

"Huwag, nagbago na ako at ang intensyon ko lang ay makatulong sainyo" malambing na utas nito.

Kahit anong sabihin niya wala paring epekto ang mga sinasabi niya pero kung si Samantha lang ako siguro kanina pa ako naniwala sa kasinungalingan ng babaeng to. Maaaring isang patibong lang ito.

"Kahit anong sabihin mo wala ka ng magagawa kasi wala na kaming tiwala sayo kaya pwede ka ng umalis" malamig na sabi at hinila sa Jake at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi ako titigil hanggang sa hindi niyo ako napapatawad at paatunayan ko sainyo na nagbago na ako " napahinto ako sa paglalakad at muling tumingin sa direksyon niya "Sige lang magpakahirap ka kahit alam mo namang wala kang mapapala" at muling naglakad at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Nung makalayo na ako kay Barbie.

"Pwede mo na akong iwan kung maniniwala ka naman sa kasinungalingan ng babaeng yun" malamig na tugon ko kay Jake. Pero sinundan niya ako. Ayaw ko ng magpaloko dahil baka buhay ko pa ang kapalit nito.

"A-ano kasi k-kung subukan mo kayang pagbigyan siya ng pangalawang pagkakataon" sabi ni Jake na kumulo naman ang dugo ko. Sana hindi niya nalang ako.

"Alam mo Jake kung naniniwala ka doon sa babaeng yun edi go! puntahan mo na siya at iwan mo ako tutal pare-parehas lang naman kayong manloloko at pang huli hindi kita kailangan kaya umalis ka na wala ka ring mapapala saakin" dire-diretsong sabi ko. Na-guilty naman ako ng kaunti dahil mukhang na-offend ko siya pero nagpapakatotoo lang ako.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon