Volume 1 • Chapter 13

4.9K 121 7
                                    

Telling the truth


Paula's PoV

"Guys nakita niyo ba si Samantha?" Tanong ko kila Jacob and Monique

"Hindi. Actually tatanong sana namin sainyo kasi may tatanong sana ako" sagot ni Jacob

"Ikaw Monique?" Tanong ko sakanya

"Kanina kasi nakita ko siya kausap si Matt pero mukhang umiiyak at hinihingal siya. Hindi ko na siya tinawag kasi parang private yung usapan nila" paliwanag niya

"I see. Sige aalis muna ako para hanapin si Samantha"  Saan ka ba nagpunta babaitang ka?

Habang naglalakad ako nakita ko si Aira na nagmumuni-muni sa garden at nilapitan ito.

"Hey! Aira nakita mo ba si Samantha?"  Tanong ko at biglabg kumunot yung noo niya

"Yeah! Nandun siya papunta sa bench na malapit sa gate. You're welcome" at kinidatan pa ako ng pukritang to

"Opss! May i hear a magic word?" Ugh! Nakakainis na.

"T*ng*na mo. Yan ang magic word" i rolled my eyes. Ganito talaga kami mag lambingan ni Aira pero minsan nakakabanas na yung kaartehan niya.

Umalis na ako bago ko siya masapak- joke lang hehe. Childhood friend ko kaya siya kaya di ko kayang masaktan kailangan ako lang haha!

Pagdating ko sa sinabi ni Aira na lugar agad ko siyang nakita at mukhang stress na stress na siya.

Gusto ko sana siyang lapitan pero may biglang dumating na matandang babae. Nag uusap sila pero hindi ko masyadong marinig yung mga boses nila dahil medyo malayo ako sakanila.

Wala pang ilang minuto may kinuha yung matanda sa kanyang bayong na bote na may laman ng dilaw na likido. Nagulat ako ng biglang nawala yung matanda.

Nung mukhang aalis na si Samantha inunahan ko na siya sa kwarto namin para questionin. Marami akong itatanong sakanya dahil marami siyang wierd na ginagawa. Pumwesto ako sa pinto at nakapamewang. Wala pang ilang minuto dumating na siya

Hindi ko aakalaing gagawin niya saakin iyon pero ginawa ko lang naman iyon dahil concerned lang naman ako sakaniya. Peto mukhang wala siya sa mood na makipag usap sa kahit sino.

Pinag-saraduhan niya ako ng pinto ng kwarto niya at narinig kong umiiyak siya.

"Pasensya na, Sam" bulong ko ag tuluyan nang umalis.

--

Naguilty tuloy ako sa nangyari kanina.  Kung mag sorry kaya ako? Kaso baka tulog na siya at lalo lang ako masigawan.

Bahala na nga lang, kumatok ako pero wala pa rin nagbubukas ng pinto kaya napilitan na akong buksan ito. Nakita ko siya nakahiga at mahimbing na natutulog. Napagpasyahan ko nalang umalis.

"Paula sorry.." Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko at nakita ko si Samantha na gising pala.

"Sorry din Sam. Kasi pinilit kita kahit na problemado ka" naiiyak na sabi ko.

"Ok sige. Sasabihin ko na sayo ang nalalaman ko.." What? Anong nalalaman niya?

"Kanina kasi habang pabalik ako sa kwarto natin, may nadaanan akong isang kwarto na parang may kakaiba sa loob nun kaya sinilip ko ito at nakita ko si Mother Luciana na may kausap... Ang narinig ko plano nilang patayin tayo—"

"What?!!" Halos pasigaw kong tanong at sinenyasan naman niya ako ng wag maingay. "Sorry. Sige, ituloy mo na"

"At ang uunahin daw nila ay si Aira kasi malaki ang makuluha nilang porsyento galing kay Aira pero isusunod din daw nila tayo.." Habang tumatagal ang pag ku-kwento ni Samantha.

Kaya pala masama ang kutob ko magmula nung pumunta kami dito sa lugar na 'to. At alam kong kasabwat sj Barbie dito na matagal nang hindi nagpapakita saamin.

Nangiginig ang aking kamay at parang galit na galit ako sa nalaman ko.

"Paano nagawa saatin 'to ni Barbie? At bakit nila tayo papatayin?" Sunod sunod na tanong ko.

"Hindi ko alam. Pero ang alam ko kailangan na natin itong sabihin kila Aira bago pa siya mapatay" sabi niya at nagsimula na siyang umiyak.

"N-natatakot akong mamatay..." walang tigil sa pag iyak niya at pati rin ako ay nagsimula na ring maluha.

Masyado pa kaming bata sa ganitong klaseng problema at ngayon ay nanganganib na ang buhay namin. Bakit ba kailangan pa nila kaming patayin? Anong kailangan nila saamin?

"Pero paano tayo makakaalis dito?" Tanong ko kasi napaka higpit ng security dito kaya parang imposible nang makalabas kami ng buhay dito.

"May  plano na ako ..." sabi niya.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon