Volume 1 • Chapter 25

3.4K 75 8
                                    

Revelation

Samantha's POV

Muling naglakbay kami sa kagubatan at hindi katagalan ay nakita rin namin ang palasyo. Tahimik naming pinasok ang palasyo. Naghiwa-hiwalay kami. Kami ni Asher at Aira ay nasa likuran ng palasyo at sila Mason at Jake ay sa main door dumaan para mapunta sakanila ang atensyon ng lahat. Umakyat na kami sa makipot at matataas na hagdan patungo sa tuktok. Napahinto kami ng may makita kaming mga bantay.

"Paano na 'to mayroong bantay?" Bulong ni Aira. Habang hirap na hirap sa pagsiksik sa isang poste.

"Wala tayong choice kailangan nating labanan sila ng tahimik" sagot naman ni Asher.

Tama siya mabuti na lamang ay binigyan ako ni Barbie ng espada. Nauna nang sumugod si Asher at sinundan naman namin ni Aira. Agad na kaming nakipag sagupaan sa mga kawal ng tahimik para hindi mapukaw ng atensyon ng ibang mga kawal. Mabuti na rin na may experience kami sa pakikipalaban dahil nag mamartial arts kami dati.

Pagkatapos ng pakikipaglaban namin huminto kami sa isang poste at may nakita nanaman kaming bantay sa mismong labas ng kwarto na pinagkukulungan ni Matthew. Naglabas ng maliit na itim at bilugan si Asher sa kanyang bulsa. "Ano yan? Bomba?" Takang tanong ko. "Oo nga ano yan Ash, baka mategi tayong lahat diyan imbes na sila lang ang mamatay" singit naman ni Aira.

"Ang bombang ito ay naglalabas ng makapal na usok na pwedeng magpabulag sa mga kawal ng 30 minuto" pagpapaliwanag ni Asher

"Ano tara?" Muling tanong pa niya.

"Game"

"Let's get it on!!"

Mabilis na inihagis naman ni Asher ang bomba na yun at agad na naglabas ng makapal na usok. Pumuslit na rin kami sa kwarto ni Matthew na natanaw kong mahimbing itong natutulog sa gitna ng kaniyang magkakaposas sa kamay at paa. Bigla naman akong nakaramdam ng awa sakanya dahil sa sinapit niya. Agad na namin siyang nilapitan at tinulungang tanggalin ang posas.

"Friend, hairpin oh..." Aira

Agad ko namang nagets yon. "Thanks"

Agad ko namang sinunod ang sinabi niya at tama nga siya nagbukas ang naman ang mga iyon. "Hmm!" Ungol ni Matthew na parang nagigising na.

"Nandito na ako Matt wag ka ng mag-alala"

"M-mahal na mahal kita Samantha" bulong niya.

"Mahal na mahal rin kita Matthew" at niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing "Hindi na tayo mag hihiwalay pa at makakalabas tayo ng buhay sa imyernong ito tiwala lang"

"I-i miss you" Matthew

"I miss you too, Matt" sagot ko naman.

"Tama na muna iyan Sam dahil baka maabutan tayo ni Chelsea" biglang singit naman ni Asher.

"I'm here!" Sa tinig na iyun ay biglang nanlamig ang buong katawan ko at nagtaasan ang mga balahibo ko. Dahan dahan naman akong tumingin sa pinang-gagalingan ng tinig na iyon.

"Chelsea...."

"Oo ako nga bakit parang gulat na gulat ka Sam?" Pang iinsultong sabi niya.

"Whaha! Sabi ko naman sayo na magbabalik ako sa kabila ng mga ginawa mo whaha!" Pagkasabi niya non ay biglang nabalutan ng itin na aura ang paligid na parang kami lang ang nandito. "Its been a long time na magkita tayo ano? Handa ka na bang malaman nila ang napakabaho mong nakaraan? O hanggang ngayon wala ka pa ring pake?.....sayang nga wala na sila Monique,Paula at Jake dahil hindi nila matutuklasan ang nakaraan mo eh"

"A-ano bang ginawa sayo ni Samantha?" Takang tanong ni Asher. Oh not this time Ash.

"Nice question Ash. Sa sobrang laki ng kasalanan ng babaeng ito saakin parang nakalimutan ko na nga na tao rin ako e una sa pangbubully mo saakin dati, ito hindi naman talaga ako magkakaganito kung hindi mo ako binully. Pangalawa ang pag agaw mo kay Matthew Sam alam mo nang may gusto ako kay Matthew simula pa lang ng elementary tayo pero mas pinili mong maging masaya ka at agawin ang nagiisang pinaka mamahal kong lalaki sa mundo!" Nangingiyak na sigaw niya. Bigla namang napadako naman ang mata ko sa labas na nakita ko sila Mason at Jake na nakikipaglaban sa mga bantay sa labas.

"...Ang pangatlo naman ang pagpatay niyo sa mga magulang ko ito ang hinding hindi ko malilimutang kasalanan na ibinigay mo saakin. Napaka sakit halos magpakamatay na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko..At ang panghuli naman ay ang pagiging masaya mo pagkatapos ng nangyari at hindi ka manlang nakonsyensya!" Pinagsisisihan ko ang lahat Chelsea.

"Dapat nga hindi na lang kita naging kaibigan eh sana hindi na lang kita iniligtas nung muntik ka ng masagasaan sana namatay ka na lang!" At pagkasabi niya non ay biglang nabasag ang mga salamin na nakapalibot saamin. Damang dama ko kung paano siya kagalit na galit.

"T-totoo ba ang mga s-sinasabi niya Sam?" At ngayon nagsalita na rin si Matthew. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil baka kasuklaman nila ako at ipakulong or ipapatay na lang.

"O-oo" wala na akong nagawa kundi ang magsabi ng totoo.

"Pa-patawad Chelsea... Sana naging mabuting kaibigan ako sayo sana-"

"Wala nang magagawa yang patawad mo dahil hipdi at sakit na idinulot saakin nang lahat ng nagawa mo! At ngayon peklat na ang dating sugat sa puso ko kaya manahimik ka na lang at tanggapin ang parusa mo!" At ngayon ko lang napansin na tapis na sa pakikipaglaban sila Jake at Mason.

Unti-unting nakaramdam ako ng paghirap sa paghinga at ngayon naman ay biglang napunta sa Chelsea sa harap ko na may nanlilisik na mata at pulang pula ang buong mukha sa pagkakagalit. Hindi na ako pumalag pa dahil kailangan ko namang tanggapin ang lahat dahil hindi matatahimik ang konsensya ko.

"Sam!" Matthew

"Tama na iyan Chelsea!" Asher

"Maawa ka naman sakanyan Chelsea!" Aira

"Maawa? Bakit nung namatay---oh nung pinatay ba nila ang mga magulang ko naawa ba sila saamin? Diba hindi kaya huwag niyong sabihin yang salitang yan sa dahil ang tao to ay wala niyan!" Galit na galit na sabi ni Chelsea at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal niya saakin. Hindi rin nagtagal nawala na ako ng malay dahil na rin sa pagkaubos ng aking hininga.

Aira's POV

"Maawa ka naman sakanyan Chelsea!" Sabi ko. Naawa na ako kay Samantha pero binubulabog pa rin ako ng curious ko kung bakit niya nagawa iyon-kilala siya sa campus na napaka bait at parang ni hindi niya nga kayang makabasag pinggan eh tapos ngayon mababalitaan ko na lang na ganon pala ang past niya. Ano yun bumabawi sa kasalanan?

"Maawa? Bakit nung namatay-oh nung pinatay ba nila ang mga magulang ko naawa ba sila saamin? Diba hindi kaya huwag niyong sabihin yang salitang yan sa dahil ang tao to ay wala niyan!" Galit na galit na sabi ni Chelsea at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal niya kay Sam. Sa hindi ko inaasahang pangyayari biglang nahimatay na lang si Sam at tuluyang bumagsak sa sahig. Agad ko siyang nilapitan ng walang pag aalinlangan na baka saakin mabaling ang galit ni Chelsea-Kaibigan ko si Sam kaya tatanggapin ko kung ano siya.

Chineck ko ang mga vital signs niya ayos naman kaya laking pasasalamat ko. Nawalan siguro siya ng malay sa mga nangyayari at nararamdaman niya. Binuhat naman agad ni Matthew si Sam para mapalayo kay Chelsea.

"A-ate please tama na ako na ang nagmamakaawa sayo...... Naawa na ako sa mga kaibigan ko please..." Pagmamakaawa ko. Oo tama kayo nakakatandang kapatid ko siya sa tatay. Bata palang kami malaki na ang inis saakin ni Ate kaya nagpapasensya lang ako dahil alam ko naman kung bakit siya ganiyan. Nanay ko rin ang dahilan kung bakit namatay si papa-ang nanay kasi ni Ate Chelsea ay royal blood at ang nanay ko naman ay hamak na tao lang.

Nung lumabag ng utos si papa walang nagawa ang nanay ko at mga kaibigan ni papa at ayun nahatulan ng kamatayan si papa kasama na rin si mama. Lalong lumaki ang galit saakin ni Ate Chelsea dahil ako daw ang nagpapaalala ng nanay ko. Wala na rin akong nagawa kundi tanggapin lahat ng mga masasakit na salita na binibigay niya saakin.

"Alam mo Aira huwag ka nang magmalinis sa harap nila dahil kahit anong pagbabalat kayo mo lalabas at lalabas ang tinatago mong kasalanan sakanila" Sabi ni Chelsea sa harap namin. Siguro ito na nga ang tamang oras para magtapat sa lahat at para matapos na ang mga kasinungalingang ito.

"Sa mga walang nakakaalam siya ang pumatay kay Paula at siya rin ang nagplano ng mga iyon" Hindi na ako kumibo kundi yumuko na lamang.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon