Let's fight!
Wilson's POV
"Ngayon nalaman mo na ang nangyari sakanila, Wilson" tanong saakin ng matanda. Hanggang ngayon hindi parin nag susink in sa utak ko ang natuklasan ko. Kung ganoon lang pala ang mangyayari sakanila sana pala hindi ko na sila pinayagang umalis. Sabi nga nila palaging nasa huli ang pagsisisi.
"Maraming salamat po talaga lola" sabi ko at ngumiti nang lubos dahil sa kabaitan ni Lola.
"Walang anuman, hijo" may dinukot naman siya sa kanyang bayong at inilabas niya ang isang bughaw na bote. Sa una pagaakalaan mo yun na laruan pero mukhang hindi yun isang laruan.
"Hijo, ito ang makakatulong sa'yo para maibalik ang mga kaibigan mo. Ang gagawin mo lang ay sisirain ang puso ng Biringan Palace na pinuntahan nila. Ang huli naman ay kailangan mong hanapin si Samantha at ipaalala sakanya ang lahat nang nangyari. Ang lahat naman ay nakasalalay saiyo, Wilson maaring magtagumpay ka at masaya kayong makakabalik sa dati o hindi ka magtagumpay at mamatay nalang doon." mahabang paalala ni lola. Sa totoo lang natatakot ako sa gagawin ko pero kung hindi ko naman gagawin 'to para naman pinatay ko na ang sarili kong kaibigan. Sila ang nakasama ko sa buhay kaya tama lang na tulungan ko sila.
"Magiingat ka rin dahil sa mundong iyon maraming nagbabalat-kayo na maari mong ikapahamak" dagdag pa niya.
"Maraming salamat po!" Paguulit ko.
Kinabukasan
I woke up early and did my morning rituals. Pilit kong inaalis muna sa aking isip ang aking misyon para narin makapag relax man lang ang aking isip. Ang una ko munang gagawin ay hanapin ang pinakamamahal kong babae at hindi ako titigil hanggang hindi siya nakikita. Umalis na agad ako para mahaba ang oras ko sa paghahanap. Una ko nang pinuntahan ang aming tagpuan ng barkada--sa park pero kasamaang palad ay wala siya roon. Isa ko ring pinuntahan ang bahay nila pero nung pagdating ko roon may ibang nakatira na doon at ang huli ko nalang pagasa ang eskwelahan namin.
Sana ngayong oras makita na kita, Samantha.
Dumiretso na agad ako sa room 201 na dati naming section. Hindi ko papala nasasabi na walang naganap na graduation para sa pakikiramay sa magulang ng mga barkada ko na nabalitaa nila na nawawala sila. Nakuha ko man ang diploma ko para namang walang kwenta yun dahil hindi ko kasama ang kasama ko sa journey ng pagaaral.
"Excuse me? Meron po kayong estudyante na ang pangalan ay Samantha?"
"Yes, bakit po?" tinig nang babae na nasa likuran ko. Bumilis ang tibok nang puso ko nang muli ko siyang makita.
"Let's talk" tipid na sabi ko.
----
"Unbelievable! Mygosh! Kaya pala hindi ako pinapatahimik ng panaginip ko!" Gulat na gulat na sabi ni Samantha. Pinakita at kinwento ko sakanya ang nangyari gaya nang ginawa saakin ni lola at mabuti nalang ay mabilis ko siyang napaniwala.
"Samantha, payag ka na ba?" tanong ko sakanya.
"Sige! Kahit hindi ko kayo maalala pero mukhang malapit talaga kayo saakin kaya papayag ako." gaya nang inaasahan ko pumayag siya.
--
Nandito na kami ngayon sa acacia tree na maaring maging portal papunta sa biringan city. "Lola?"
"Handa na po kaming lumaban para sa kaibigan namin!" matapang at sabay naming sigaw. Biglang may lumabas na portal sa likod ng puno kaya agad-agad na kaming pumasok doon. Gaya nung una nakaramdam muli ako ng matinding sensasion at unti-unting humuhupa. Mula sa malabo at nakakahilong kapaligiran napalitan ito ng mga puno, halaman at isang palasyo. Ito na siguro iyong sinasabi nilang biringan city.
"Siguro ito na nga ito" dinig kong sabi ni Samantha. Napansin ko nalang na may hawak na pala akong papel ang ang nakasulat dito ay...
1. Hanapin niyo ang lugar kung saan namatay ang mga kaibigan niyo at ibaon ang talulot...
Ang una na naming pinuntahan ang bangin kung saan namatay si Paula. Kahit hindi ko nasaksihan ang kanyang pagkamatay para akong tinutusukan ng karayom sa aking dibdib. Nakakabakla man pero yung mga kababata mong naghihirap hindi mo manlang natulungan parehas lang tayo ng mararamdaman.
Nakita ko namang may tumutulong luha kay Samantha kaya agad ko siyang niyakap at pinatahan.
"Naalala mo na ba sila?" Tanong ko.
"Hindi, pero bakit ganoon napakasakit at hindi ko maiwasang maiyak. Siguro nga mahal na mahal ko talaga sila" at ang sinabi niyang iyon ay lalong sumakit ang puso ko.
"Matatapos rin ang lahat nang ito at magtatagumpay tayo sa pagligtas sakanila. Siyempre tutulungan din kitang maibalik ang mga alala nating magkakaibigan." Mahaba kong sabi. Kapag naiisip ko na kaibiga lang ba ang turing saakin ni Samantha lalong sumasakit ang puso ko. Tama na ba ang panahon para magtapat?
Pagkatapos naming ibaon ang petal ng mahiwagang bulaklak sunod naman ay pinuntahan namin ang sinasabi nilang maze na kung saan namatay sina Monique, Barbie at Jacob. Naglalakad kami ngayon sa kalagitnaan ng gubat.
"Magpahinga muna tayo Wilson" sabi niya at napansin ko ngang hingal na hingal na siya. Umupo kami sa bumagsak na trunk ng puno at nilanghap ang simoy ng hangin. Napansin ko ring makapangyarihan ang gubat na ito at hindi ito basta basta.
"Samantha kung sasabihin ko ba sa'yong matagal na kitang hinihintay at..." Naputol kong sabi dahil parang may pumipigil saaking sabihin iyon. Seryoso parin siyang nakatingin saakin kaya lalo tuloy akong nahihiya. Sana nga tama ito..
"Matagal na kitang mahal pero hindi mo na ako kailangang sagutin pabalik. Maari mang hindi mo ako naaalala pero nung mga elementary pa lang tayo ay may lihim na akong pagtingin na sa'yo. Pero kung hindi mo ako kaya-" at hindi na natapos ang sasabihin ko noon ay may biglang nagsalita na tinig lalaki sa aming likuran at may maraming paa na tunog.
"Kung sino ka man h'wag mong tangkain na agawin si Samantha kay Matthew! Nagmamahalan sila ng lubos kaya huwag ka nang manggulo!" Sigaw ng lalaking nasa gitna.
"Sino kayo?" Tanong ni Samantha sa tatlong lalaki.
"Kami ang 3 Kings na tumulong sainyo nung kinakalaban niyo pa si Chelsea kaya wala kayong dapat ikabahala.." Sabat naman ng lalaking may piercing sa labi at blonde na buhok.
Wala na ba talaga akong pag-asa sa'yo Samantha dahil may nagmamayari na sa'yo...
BINABASA MO ANG
The Lost Province [Biringan City Inspired]
Fantasy"A WATTPAD FEATURED STORY" Wattys 2017 winner under category of "The Originals" ***COMPLETED*** Highest rank: #19 in Fantasy #5 in Science Fiction Author: Aphreathena Category: Fantasy, Adventure and Romance. Started: October 8, 2016 Ended: October...