Lost
Samantha's POV
Ilang minuto na lang ay aalis na kami papuntang Calbayog. At lahat na kami ay handa nang umalis.
"Guys tara na umalis na tayo" masayang sigaw ni Matthew.
Dali-dali na kaming lumabas nang hotel at nagsimula nang maghanap ng bus na masasakyan. Tatlongpung minuto ang hinintay pa namin para makasakay sa bus.
Ang sabi kasi ng mga taga rito bihira lang daw na may dumaan sa bus station na papuntang Calbayog na hindi ko alam kung bakit.
At sa awa naman nang Diyos ay mayroong dumaan. Thank God!
Pagkasakay namin buti na lang hindi masyadong puno."Sam dito tayo!" Tawag saakin ni Monique. Mabilis naman akong pumunta sa bandang likuran nang bus. Sila Paula at Aira ay nasa harapan namin at sila Matthew at Jacob ay nasa likuran namin and si Barbie naman ay nag iisa sa kabilang side ng bus.
"Monique nap muna ako matagal pa naman yung byahe, eh" paalam ko sakanya
"Sure" tipid na sagot niya habang abala sa pagkain ng snacks.
Makalipas ang ilang oras. "Sam! Sam! Sam! Gising!" Narinig kong may tumatawag saakin at marahang tinatapik yung pisngi ko.
"Hmm.. Bakit? Nandito na ba tayo?" Nakapikit na tanong ko.
"Wala pa pero mukhang naliligaw yata yung bus"
"What?!" napadilat kaagad ako sa sinabi ni Monique at totoo nga.
Madilim ang lugar at napapaligiran nang mga matataas na mga puno at sa tingin ko walang tao ang nakatira dito.
Agad akong tumayo at pumunta sa kinauupuan nina Aira.
"Aira! Paula! Gising" gising ko sakanila at kaagad naman silang gumising.
"Anong nangyari?" Tanong ni Paula
"Naliligaw daw yung bus natin" sagot ko
"Omg! Oh no! So scary naman here" takot na sabi ni Aira
"Barbie tama ba talaga yung dinadaanan natin" tanong ni Jacob
"Naliligaw tayo" simpleng sabi niya.
"Kuya bakit parang pabalik-balik lang yung dinadaanan natin?" Tanong nung isang pasahero
"Ineng naabutan yata tayo nang spell hour" sagot nung driver. Spell hour? Ano yun nag bibiro ba si manong?
"Manong ano yung spell hour?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.
What's happening here and why everyone here seems weird?
Habang tinatahak namin ang kahabaan nang masukal na gubat at lumalalim na rin ang gabi at parang nasa isang spell talaga kami na once na pumasok kami sa lugar na ito ay hindi na muli kami makakabalik. Lalong nakakatakot ang mga dinadaan namin at minsan pa nga may nakikita akong mga silhoutte nang mga tao pero ang sabi kasi ni manong kapag nakababa na kami wala kaming kakausaping kahit sino. Weird nga ni Manong eh.
"Sam okay ka lang ba? Namumutla ka na eh" sabi saakin ni Jacob
"O-oo okay lang ako" mukha ba talaga akong namumutla? Maraming tanong ang nasa isip ko pero hindi ko magawang tanungin siguro ayoko malaman ang totoo sa lugar na ito.
"Mga ineng saan ba kayo bababa?" Sabi nung konduktor.
"Sa Calbayog city po" sabi ni Barbie
"Nako mga ineng ayaw pa namin mamatay may mga pamilya pa kam. Ang mabuti pa ay bumaba na lang kayo" sabi saamin. Seriously? Papababain kami sa lugar na ito?
"Grabe naman ho kuya yun nagbayad naman ho kami bakit niyo naman kami papababain?" Angal pa ni Monique.
"She's right, or kuya i'll pay na lang but doble yung bayad, deal?" Sabi ni Aira
"Miss kahit ano pa yung i alok niyo hindi po kami papayag" sabi nung driver.
"Manong ano po bang mayroon sa pupuntahan naming lugar?" Tanong ko
"Tara na guys wala na tayong magagawa diyan" singit naman ni Barbie
"Ano Barbie papayag ka na lang ba na mag lalakad tayo sa lugar na yan?" Inis na sabi ni Paula
"Why not? Tsaka alam ko naman yung daan" sagot ni Barbie at tuluyan nang bumaba. Nagkatinginan muna kami ng ilang segundo at sumunod na kami kay Barbie.
"OMG! Its cold naman here"
"Manahimik ka nga diyan ang arte mo" pambabara ni Paula kay Aira. Tsk kahit kailan talaga tong dalawa.
"Sure ba talaga siya sa ginagawa niya?" Bulong saakin ni Monique.
"Siguro" tipid na sagot ko.
Pagkatapos nun ay wala nang kahit sino pa saamin ang nagsalita. Tanging pag apak na lang sa mg tuyong dahon at ugong ng hangin ang naririnig. Totoong nakakatakot talaga sa lugar na ito.
"Ouch! My head hurts" reklamo ni Aira
"Sh*t nahihilo rin ako" sabi naman ni Paula
"Ughh!" Inda nila Matthew at Jacob habang himahawak pa sa kanilang ulo.
"Tulungan mo ako Sam" tawag saakin ni Monique na namimilipit sa sakit ng ulo.
"Hala! Anong nangyari sainyo" akmang lalapitan ko na sila biglang sumakit din ang aking ulo at everything went black.
"I'm so sorry my friends"
BINABASA MO ANG
The Lost Province [Biringan City Inspired]
Fantasy"A WATTPAD FEATURED STORY" Wattys 2017 winner under category of "The Originals" ***COMPLETED*** Highest rank: #19 in Fantasy #5 in Science Fiction Author: Aphreathena Category: Fantasy, Adventure and Romance. Started: October 8, 2016 Ended: October...