Volume 1 • Chapter 16

4.3K 100 9
                                    

The Escape

Samantha's POV

"Sam!" Naramdaman kong may tumatapik sa pisnge ko at nakaramdam rin ako nang hapdi sa aking leeg.

"Sam gising! Kailangan namin ng tulong mo" nababalikwas ako ng tayo ng naramdaman akong kaba.

Nasa isang kwarto kami na walang bintana at may iisang pinto na gawa sa metal. Nandito kaming lahat na nakagapos ang kamay.

"Anong nangyari?" Tanong ko ko sakanila. Mga duguan at may mga gapos sila, pati rin ako.

"Kanina kasi nung umalis ka may pumasok sa kwarto natin ng hindi kilalang lalaki at ayun isa-isa kaming tinurukan ng mga pampatulog" paliwanag ni Jacob.

Agad kong tinignan ko si Matthew na tulog pa don at may bangas ang mukha o may mga sugat ba siya.

"Maghanda kayo dahil itatakas ko kayong lahat dito sa impyernong ito" lakas loob na sabi ko at tinignan ang nasa bulsa kong ibinigay nung matanda na bote na ang sabi ay ito-- pumihit yung doorknob at senyales na may papasok at iniluwa nito ay sina Mother Luciana at Barbie.

Nagbago na talagang tuluyan si Barbie. Hindi na siya yung kilala namin.

"Nako mga bata akala ninyo makakatakas kayo? Pwes nag kakamali kayo. Masyado kayong balandra ng pagplaplano kaya madali tuloy kayong mabisto" sabi ni Mother Luciana at ngumisi ng pang demonyo.

"Demonyong Luciana ano ba talaga ang gusto mo saamin!" matapang na sigaw ni Paula.

"Ang mga kaibigan mo. Kailangan ko ang mga kaluluwa ninyo para mas lalo kaming lumakas diba Barbie?" Baling niya kay Barbie. Ano bang nangyari sayo Barbie? Bakit ka nagkakaganito? Akala ko talaga ikaw na ang kaibigan ko. Pero mali pala.

"What happen to you Barbie? Akala ko ba magkakaibigan tayo? Akala ko ba magbabaksyon tayo? Diba babalik pa tayo? Diba grahraduate pa tayo at sabay sabay mag tratrabaho" umiiyak na tanong ni Aira kay Barbie pero ngumiti lang nang nakakaasar si Barbie.

"Dati lang yun Aira, iba na kase ngayon. Kaya pasensya na" at lumabas siya ng kwarto kasabay na si Mother Luciana.

"Paano na ang gagawin natin? Hahayaan na lang ba natin na gawin nila saatin ito?" Seryosong sabi ni Matthew.  Hindi ko siya pinansin at nag-isip na lang ako kung paano kami makakalabas sa impyernong ito.

Inabot ko yung hairpin ko sa ulo ko at sinubukang tanggalin ang posas sa kamay ko at hindi rin nagtagal aay nagtagumpay naman akong mabuksan iyon. Isa isa ko ding tinanggal yung mga posas nila.

"Ganito huwag na huwag ninyong ipapahalata na nakakalag na kayo sa posas" bilin ko sa sakanila at tumango naman sila. Biglang naglakad si Matthew at parang may pinapakiramdaman siya sa lupa at sa bandang sulok iyon.

"Itong kinakatayuan ko manipis lang ang sementong nakaharang pero tubig ang ilalim, dito. dito tayo pwedeng makatakas"

"So sisirain niyo yan?" Tanong ni Monique

"Obviously" sagot ni Matthew. Nilapitan ko naman ang tinutukoy niyang sahig at kinatok ko ito. Tama nga siya may nag eecho tuwing kinakatok ko.

"How?" Tanong ko. Eh wala naman kase akong nakikitang ibang mga gamit dito bukod sa posas

"Tatalunan natin ito ng sabay sabay hanggang gumuho" sagot niya nang hindi manlang tumitingin saakin.

"A-ahh okay" simpleng sagot ko at pinipilit na huwag mag isip nang kung ano ano.

Tumayo na kami at sabay sabay na tumalon at konti konting na-cracrack yung lupa at wala pang isang oras nasira na namin yun pero nagbunga naman ito nang napakalakas na tunog para mapukaw namin ang atensyon ng mga bantay.

"Mother Luciana nakatakas ang mga bihag!" nagulat kami dahil may nakapasok sa kwarto. Hindi na kami nagpatumpik tumpkit tumalon na kami sa ilog.

Habang nasa ilalim kami masyadong malalim at hindi pala ako marunong lumangoy kaya tuluyang nawalan ako ng hininga.

---

Matthew's PoV

Naka-ahon kaming lahat sa isang gubat na hindi ko alam kung saan ito.

"OMG where's Samantha?" Sigaw ni Aira at tumalon agad ako sa tubig at hinanap siya.

Nakita ko siya sa na lumulutang sa tubig na wala ng malay kaya agad agad ko siyang inilagay sa lupa at i-cpr. Umubo siya at may lumabas na tubig sa bunganga niya.

"Okay kalang ba Sam?" Tanong ko. Napangiti naman siya habang nakatitig saakin.

"Oo okay lang ako. Thank you" sagot niya.

"Mabuti naman Sam nakaligtas ka" sabi ni Paula habang inaalalayan si Samantha.

"Okay lang ako" sabi niya at tumayo siya.

"Nasaan tayo?" Tanong ni Sam habang inililibot ng paningin niya ang lugar.

"Nasa likurang bahagi tayo ng palasyo" sagot ko naman dahil masyadong madumi ang mga pader at tinubuan na rin ng mga ligaw na damo. Kaya mapapansin mo agad na likod na bahagi 'to.

"Sundan lang natin yung tubig para nakalabas tayo dito o kahit makalayo lang tayo dito." sabi ko at sinunod naman nila.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon