Athena's Note: Dahil nanalo ang story na 'to sa Wattys 2017 under the category of "The Original" naisipan ko na gawan ito ng Epilogue. By the way thank you guys!
Samantha's POV
After 1 year...
"Samantha relax ka lang magiging maayos ang lahat" kumbinsi saakin ni Barbie.
"Yah! You look so gorgeous talaga girl" sabi naman ni Aira habang inaayos ang gown ko. Hindi naman masyadong magarbo ang gown ko dahil ang motif ng wedding ay simple but elegant.
"Thank you pero kinakabahan talaga ako" sabi ko naman habang di mapakali dito sa dressing room.
"Ma'am 5 minutes nalang po lalabas na po kayo" sabi ng organizer namin kaya lalong nadagdagan ang kaba ko.
"Okay. Thank you" sagot naman ni Monique.
"I'm very proud na ikakasal ka na, Samantha" sabi saakin ni Barbie at niyakap pa niya ako. Madami na rin ang nagbago saamin at lalong tumibay pa ang aming pagkakaibigan.
"Ang bilis nga ng panahon parang kailan lang nasa cafeteria lang tayo ng campus at nangtri-trip ng mga estudyante pero ngayon magkakaroon na tayo ng mga sari-sariling pamilya" nakangiting sabi ni Monique.
"Kaya nga, pero of course walang sisira ng friendship natin, right?" Conyong sabi ni Aira.
"Yes! Friendship forever!" Sabay sabay naming sigaw at nagyayakapan kami.
Masaya lang ako dahil walang nagbabago saamin at ngayon halos 9 years na kaming magkakaibigan.
Apat buwan narin pala akong buntis. Mabuti nalang at hindi pa masyadong malaki ang tyan ko pero parang maselan na ako sa mga pagkain at mabilis na akong magsuka.
Lumabas na kami ng hotel at pupunta na kami sa simbahan. Ang tema ng kasal ko ay pure white and gold. Marami ring mga butterlfy and white roses.
"Girl una na kami rarampa pa kasi kami sa aisle" paalam ni Paula.
Sila ang mga bridesmaid ko at sinadya pa talaga nila Paula at Mason na umuwi dito para lang sa kasal ko.
Sumakay na ako sa wedding car at umabot lang ng limang minuto ang byahe. Siguro kung nandito lang ni Mommy at Daddy magiging masaya siya para saakin dahil magkakaroon na ako ng sariling pamilya.
Note: Play the song
My love
There's only you in my life
The only thing that's rightDahan dahan akong naglakad sa aisle. Punong puno parin ng kaba ang aking dibdib pero may parte na masaya at nae-excite ako. Nakita ko ang mga kaibigan at kamag anak ko na may mga saya sa mga mata nila.
Punong puno ang simbahan at ang lahat ng mga kakilala ko at naging kasama ko sa buhay ay ito ngayon ay witness sa aming pag iisang dibdib ni Matthew.
BINABASA MO ANG
The Lost Province [Biringan City Inspired]
Fantasy"A WATTPAD FEATURED STORY" Wattys 2017 winner under category of "The Originals" ***COMPLETED*** Highest rank: #19 in Fantasy #5 in Science Fiction Author: Aphreathena Category: Fantasy, Adventure and Romance. Started: October 8, 2016 Ended: October...