Volume 1 • Chapter 12

5K 124 6
                                    

Confused


Samantha's PoV

Tumakbo ako palayo sa kwarto na pinang-galingan ko. Hanggang ngayon pa rin nanginginig yung kamay ko kasi hindi ko alam ang gagawin ko sasabihin ko ba sa mga kaibigan ko o uunahin ang sarili ko.

Sa hindi inaasahang pangyayari may nakabunggo pa ako at wrong timing sa Matthew ito.

"Oh bakit ka tumatakbo?" Nakangiting tanong nito saakin

"A-ahh w-wala" tatakbo sana ako pero hinawakan niya ang aking kamay para mapatigil ako.

"Nakikita ko sa mga mata mo na may dinadala kang problema. Sabihin mo lang at makikinig ako" malungkot ang kanyang mata na parang alam na alam niya kung anong nararamdaman ko.

Pero yung sinabi niya tumagos sa puso ko. Shet ano bang gagawin ko? Hindi ko siya pinansin at tumakbo na lang ako at sa kabutihang palad ay pinabayaan na niya ako.

Gusto kong mapag-isa kahit ngayon lang para makapag-isip ng maayos. Umupo ako sa isang bench malapit sa gate ng palasyo dahil wala tao dito tiyak walang maingay mas maayos akong mapag isip.

What if kung mali yung pagkakarinig ko? What if kung hindi naman talaga kami papatayin--- ugh no! papatayin kami kasi sinabi niya ang pangalang Aira at alam kong kaibigan ko ang tinutukoy niya.

Pero bakit kami pinapunta dito ni Barbie? May balak ba talaga siyang masama saamin? Sino kaya yung kausap ni Mother Luciana na papatay saamin?

Bakit pa kasi kami napunta sa lugar na ito at ang ipinangako saamin ni Barbie nasaan na?

Feeling ko kaunti na lang maloloka na ako sa kakaisip ng mga bagay bagay na iyan na hindi ko naman dapat isipin.

"Ineng mukhang problemado ka ah" halos mahulog na ako sa kinauupuan ko nung may nagsalita sa likuran ko at si lola lang pala.

"Hehe medyo lang po" pilit kong tawa.

"Alam mo ineng hindi mo kailangang mag tago ng nararamdaman kasi yung nakapalibot sayong tao, alam nila ang nararamdaman mo mahihirapan ka lang" nag sink in saakin ang sinabi ni Matthew kanina.

"At mukhang alam ko na ang problema mo ineng sa lovelife ba?" E lovelife? Very wrong lola

"Hindi po"

"Ah may nalaman kang kinatatakutan mo at hindi mo alam kung anong gagawin mo sasabihin mo ba sakanila o itatago na lang ito at maging makasarili.Tama ba apo?"

"Opo"

"Alam mo ineng hindi naman masama ang maging makasarili pero sa tingin mo isa sa kaibigan mo ang nalaman ito at hindi ikaw pero sinabi ito sainyo nakaka-guilty diba kasi siya inuna niya kayo."

"Lola ano po ba ang ibig sabihin niyo?" Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya sa totoo lang

"Wag mong ipilit ipasok sa isip mo ang mga sinabi ko kasi-- kailangan ko ng umalis apo kasi nandiyan na sila" may inilabas siya sa bayong niya at isang bote na may kulang dilaw na likido.

"Alam ko at nasisigurado ko na magagamit mo ito balang araw at magbibigay ito sayo ng malaking tulong" kinuha ko ang bote at tinignan ko ito.

Nasa bote ito at ang laman naman ay parang mountain dew.

"Salamat po pero---" pagtingin ko wala na si lola sa tabi ko. Saan siya nagpunta?

Nilibot ko yung paligid pero wala na si lola. Umalis na ako sa kinauupuan ko kasi malapit na rin pala magdilim.

--

"Saan ka galing?" Naka pamewang na tanong ni Paula sakin at nasa pinto pa talaga siya mukhang ako talaga ang hinihintay niya.

"Sa labas lang nag-pahangin" walang ganang sagot ko.

"Ano bang nangyayari sayo Sam? Napapansin mula pa kanina ay tuliro la at palaging nakatulala" Hindi na ako sumagot sa tanong niya kasi ayoko ng away dahil stress na stress na ako ayoko ng dagdagan pa.

"Please lang Paula tigilan mo muna ako ngayon kahit ngayon lang" walang emosyong sabi ko

"Hindi. May kailangan kang sabihin saamin. Sam naman mag share ka naman ng iniisip mo, ano pa ang pagkakaibigan natin kung walang tulungan?"

Halos lahat sila ay sinasabing sabihin ko na pero ano kayang mangyayari kung sasabihin ko?

"WALA AKONG TINATAGO PAULA. OH AYAN NASAGOT NA KITA KAYA PWEDE BA LUBAYAN MO AKO NGAYON?"

Nashock ako kasi first time kong masigawan ng ganito ang mga kaibigan ko. Hindi ko na na-control yung damdamin ko kasi sabay sabay na kasi yung stress tapos sasabay pa siya.

Pinag-saraduhan ko na siya ng pinto ng kwarto ko at doon ko inilabas lahat ng problema ko at umiyak ng umiyak.

"Alam mo anak pinapahirapan mo lang ang sarili mo at ginagawang komplikado ang lahat" nagulat ako ng may nagsalita at nakita ko si mommy na nakatayo sa harap ko na mukhang naawa siya sa akin.

"I miss you mommy" bulong ko sa hangin na umaasang makakarating kay mommy ang aking mensahe.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon