Volume 2 • Chapter 32

2.2K 53 7
                                    

The Comeback

Samantha's POV

Nagising ako sa alon ng tubig na tumatama sa aking paa. Napansin kong wala na si Wilson sa tabi ko kaya minabuti kong hanapin muna siya. Sa hindi kalayuan may narinig akong pamilyar na boses at isang tinig ng babae.

"Ilang taon ka nang nakakulong dito?" Tanong ni Wilson habang nagluluto ng isda.

"Actually, bata palang ako noong maligaw ako dito at ayun hindi na ulit ako makabalik sa pinanggalingan ko" kwento ng babae. Ang unang naisip ko ay baka isa siyang tauhan ng mga masasama kaya masama ang kutob ko sakanya.

"Sino ka?" Tanong ko na kinaagaw ng atensyon nila.

"Ah, siya si Leyla bata pal--" lumapit ako kay Wilson at sinabing...

"Nakakasigurado ka bang ligtas yan?" Mapanghusgang tingin ko sa babae. Nakakatrauma na kasi ang mga tao dito dahil sa mundong ito ay puno ng mga mapagkunwaring mga tao. May mga dalawang mukha.

"Oo nam--"

"Hindi ako kumbinsido" walang emosyong sabi ko at kinuha ang iniihaw na isda.

"Ay! Nako huwag ka pong magaalala ate mabait naman po ako at hindi ako kampon ni Chelsea" sabi niya.

"Huwag mo akong tawaging ate dahil hindi tayo magkapatid at anong ibig mong sabihing hindi ka kampon ni Chelsea?" Mataray na sagot ko. Pasensya ka na talaga dahil ayaw ko na talaga maulit ang nangyari saamin nung nakaraang araw.

"Pasensya na po. Hindi niyo po ba nabalitaang nabuhay po siya pagkatapos niyang mahulog sa bangin..." halos manlaki ang mata ko nang malaman ang balitang iyon.

"Tsaka po yung anim na magkakaibigan ay nasa hawak parin niya at yung isa naman ay balita ko nakabalik sa mundo ng mga tao at mapayapang nabubuhay."

"S-sigurado ka ba d'yan sa mga sinasabi mo Leyla?" Tanong ni Wilson.

"Si ate Samantha mo kasi ang isa rin na kaaway ni Chelsea at alam mo ba kung paano tayo makakapasok sa Palace?"

"Opo. Pero hindi pa po ako handang pumunta doon..." makahulugang sabi niya.

"Bakit?" Sabay naming tanong ni Wilson.

"Yung mga nag ampon kasi saakin sinubukan nilang sirain ang palace para makabalik na ako sa totoong pinanggalingan ko pero hindi sila nagtagumpay at namatay silang sabay" kwento niya pa. Parang gaya nang nangyari saamin.

"Pasensya ka na Leyla kung napagsungitan kita kanina, ah? Pero please lang magtulungan tayong makalabas sa lugar na ito nang ligtas"

"Pagiisipan ko po muna ate Sam"

"Okay lang Leyla pero may tanong muna ako sayo..." tanong ko.

"Ano po yun ate?"

"Paano nabuhay ang mga kaibigan ko at si Chelsea?"

"Madami nang nagtangkang patayin si Chelsea at isa na kayo doon pero lahat sila ay hindi nagtagumpay. Ang naaalala ko lang na sabi ng nag ampon saakin na para mapatay lang si Chelsea ay ang masira ang palace kung saan siya natutulog" kwento niya.

"So ibig sabihin hindi siya gising pero buhay siya?"

"Opo ate at kaya nga po ako nakikipag usap kay Wilson para makipagtulungan sainyo na masira ang palace" sabi ni Leyla at inilabas niya ang pana at arrow niya.

"Yung nag ampon po saakin ang nagturo kung paano gumamit ng pana at pwede po itong makatulong saatin" Leyla.

"Maraming salamat Leyla"


____________

Ngayong oras naman ay pinaliwanag na saamin ni Leyla ang iba't ibang uri ng portal sa mundong ito at isa narin dito ang napuntahan namin kahapon. Illusion, Mythical at ang Biringan city.

"Malayo pa ba tayo sa Palace Leyla?" Tanong ni Wilson.

"Opo"

"Hindi paba kayo napapagod at nagugutom guys?" Tanong ko at umupo muna sa isang malaking bato. Halos dalawang oras na kaming naglalakad pero ang sabi ni Leyla ay nasa bungad palang kami.

"Haha ate ganoon po talaga kaya tiis tiis muna" sabi niya habang kumakamot pa sa batok.

"Ewan ko ba bakit parang ang sama sama ng tadhana saakin at ngayon pinapahirapan pa nila tayo. Sana kasi hindi nalang nangyari ang lahat na ito, eh" bulong ko sa sarili ko at tumingin nalang sa kawalan.

"Kaya niyo yan isang pagsubok lang iyan pero lahat ng pagsubok kayang lagpasan kaya ilaban mo ang kabutihan. Nasa saiyo ang buhay ng mga kaibigan mo at mga taong umaasa saiyo"

3rd Person's POV

"Ipag hihiganti ko ang ginawa nila saakin. Walang makakatakas... lalo ka na Samantha..."

Nasa ilalim pa rin ng comatose si Chelsea pero gising kanyang diwa. Halos tatlong taon na siyang nakaratay dito pero hanggang ngayon galit na galit pa ron siya. Gusto niyang maghiganti pero hindi siya makagalaw. Pero nararamdaman na niya na nalalapit na siyang magising at handang maghiganti.......muli.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon