The real you
Inilibot ko ang aningin ko na baka sakaling makita ko si Wilson pero nabigo ako. May naramdaman namam akong gumagalaw sa paanan ko kaya sinilip ko iyon. Isang pirasong papel na mag nakasulat na "Wait for me daughter..." wait--what?! Nagulat naman ako nang biglang magsi-luhuran ang mga tao pati narin ang mga taong nasa entablado kasama ko. Siya na ba ang kanilang reyna? O si Chelsea yan?
"Welcome back majesty!" No way!
"Queen siya po ang ating bihay na ipapakain sa leon at maari ko na po bang simulan ang seremonya?" Tanong ng tagapagsalita.
"Hindi maari!" Sigaw ng reyna.
"Bakit naman hindi mahal na reyna?" Tanong naman ng isang emperor.
"Dahil siya ang aking anak at kahit kailan hindi niyo maaring saktan ang tagapagmana" halos hindi parin pumapasok sa isipan ko na anak ako ng isang reyna? What?! Sa pagkakakilala ko sakanya ay siya ang matandang babae na tumulong saamin na isang reyna pala at ngayon naman ay sinasabing anak niya pala ako? What a nonsense!
"Anak? Mahal na reyna mula nung nasa sinapupunan mo palang ang anak niyo ay agad na itong namatay dahil isa siyang babae at hindi lalaki" singit ng isang emperor. Napakatahimik ng lahat at ako naman ay nagtataka parin sa mga nangyayari.
"Nagkakamali kayo. Nagsinungaling ako sa sa King na namantay ito pero ang totoo niyan dinala ko siya sa mundo ng mga tao at nagbihis tao. Alam kong mali ang aking ginawa pero mas mali kung papatayin ko ang sarili kong anak para lang sa mga batas na yan" unti-unti namang nagbabago ang itsura ng matanda papunta sa pamilyar na mukha. Mommy...
"Pasensya ka na anak kung nagsinungaling ako sayo dahil kailangan kitang mailigtas pero kahit anong tago ko pala sayo darating parin ang panahong malalaman mo ang lahat. Pasensya na anak"
"Okay lang po yun, Mommy" naiiyak kong wika. Naramdaman ko namang unti-unting lumuluwag ang mga posas at tali ko sa katawan. Tinignan ko lang si Mommy na suot ang kanyang pangtao mukha at ngumiti siya ng matamis.
"I miss you mom" bulong ko.
"I miss you too honey"
"How sweet naman ng mag ina.." at tumawa siya ng sarkastiko na parang nandidiri.
Oh not again..
"Long time no see Elizabeth naaalala mo ba noong tinulak mo ako sa bangin? Well naisahan mo ako doon kasi nagibang anyo ka pero ngayong alam ko na hindi ka na makakatas saakin" sabi ni Chelsea.
"Oh? Nandyan ka rin pala Samantha haha gusto mo bang malaman kung anong nangyari sa mga kaibigan mo at doon sa bagong lalaki na dinala mo dito? Haha!"
"Walang hiya ka Chelsea huwag mong sasaktan ang mga kaibigan ko!" Galit kong sigaw pero natawa lang siya sa aking sinabi.
"It's too late darling. Nakasabit na sila at ready to eat na sila ng mga lion. Hahaha!"
"Mommy tulungan natin yung mga kaibigan ko!" Pagmamakaawa ko.
3rd person's POV
"Nako Chelsea bata lang ba talaga ang kaya mo? Bakit hindi mo ba ako kaya? Haha kawawa ka naman" sabi ni Elizabeth na mukhang kinainisan naman ni Chelsea.
BINABASA MO ANG
The Lost Province [Biringan City Inspired]
Fantasi"A WATTPAD FEATURED STORY" Wattys 2017 winner under category of "The Originals" ***COMPLETED*** Highest rank: #19 in Fantasy #5 in Science Fiction Author: Aphreathena Category: Fantasy, Adventure and Romance. Started: October 8, 2016 Ended: October...